Kabanata 31

17.2K 313 10
                                    


Hunter's Pov

ILANG PELIGRO na ba ang aking sinuong? Ilang ulit na ba akong nagbuwis-buhay? Isa akong Mafia Boss na walang inuurungan at sinasanto. Hindi ako yung tipong basta na lang susuko sa giyerang tinatahak ko at lagi kong sinisiguradong hindi ako ang unang susuko. Dahil ang sumuko ay isang kahihiyan para sa clan.

Ngunit ang pagharap sa kinalakhang magulang ng babaeng mahal ko ang labis na nagpakawala sa composure ko. Hindi ko alam kung bakit ang pagkalabog ng puso ko ay hindi ko kontrolado. Sinusubukan kong pakalmahin ang aking sarili subalit sadyang hindi ko iyon magawa. My

Tinitigan na lang ako ni Hailey habang nananatiling magkasalikop ang aming mga palad. Ipinapaalala niya lang na andiyan talaga para sa akin.

Alam mo yung heart burn? Yung biglang napuno ng init ang puso mo? Iyon ang naramdaman ko ng unti-unting lumapit si Tito Franco sa gawin namin matapos niyang ibigay yung manok sa asawa para gawing adobo. He held out his hand, I don't know what to do if I'm going to reach it out o tititigan na lang ang kamay niya sa pagkakalahad.

I blinked hard trying to focus. All eyes turned to me then swiveled back to stare at Hailey then to me again.

"Ano bang pag-usapan natin at mukhang mahalaga yang sasabihin mo?", panimula ni Franco.

Naupo kami sa sofa kaharap si Franco.

Pinagdikit ko ang dulo ng aking mga daliri habang naglikha naman ng ingay ang aking sapatos sa sahig. My heart pounded against my ribs. All I could hear was the hammering of my sneakers on the pavement in my ears. A distant part of me wondered if I should have hailed myself back or just run out of here. But if I did that it's a proof that I'm a weakling. A loser.

"Alam kong ipinagkatiwala niyo ang anak niyo sa akin. At malaking karangalan ho sa akin ang masaya niyong pagtanggap sa akin."

"Ano pang magagawa namin kung nagpakasal na sayo ang anak namin kundi ang tanggapin ka sa aming pamilya. Alam ko din namang mahal mo ang anak namin. Alam kong nasa mabuti siyang tao napunta kaya kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Maaring hindi ako ang tunay na ama ni Hailey subalit maliit pa lamang siya ay ako na ang tumayong ama sa kanya kaya higit pa sa tunay na anak ang turing ko sa kanya."

"Naikwento na rin ho sa akin yan ni Hailey."

Bahagya itong ngumiti. "At naikwento niya rin bang hindi maganda ang unang relasyon namin bilang mag-ama? Laking tutol niya sa akin noon. Lagi niya akong kinokontra at talagang ipinararamdam niya sa akin ang pagiging rebelde niya noong high school kaya nga nagtungo yan ng Maynila para hindi ako makita."

"Tito!", pinandilatan ni Hailey ang ama-amahan, hindi nito napigilan ang sarili. "Matagal na yung issue. Tinanggap ko na po kayong tatay ko. Kaya huwag niyo na pong ipaalala pa."

Tumawa lang ang matanda saka sumulyap sa akin. "Ano ba talaga ang gusto mong sabihin, hijo?"

"W-We aren't really married, T-Tito Franco..", nauutal kong sabi.

Nangunot ang noo ni Franco nang tumuwid ang katawan niya sa pagkakaupo. Tumikhim siya at seryoso akong tinitigan. "Ano uli ang sinabi mo? Mukhang mali ata ang aking nadinig. Parte na ata ng pagtanda ang paghina ng pandinig kaya pakiulit uli ang sinabi mo, hijo."

Napalunok ako. Lalo akong kinabahan. "H-Hindi ho kami totoong kasal ni Hailey, pero---"

Umingos si Franco. "Hindi totoong kasal?", tumingin siya sa akin ng diretso at naramdaman ko ang biglang pagtalim ng titig niya sa akin. "Hindi kayo totoong kasal?!"

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now