1. Captured

27.5K 1K 378
                                    

Tahimik akong nagmamasid sa buong bayan ng Ximeos mula sa balkonahe ng aming bahay. Clouds covered the sky entirely as it began to snow again. Naging puti na halos ang buong paligid dahil sa pag-ulan ng maliliit na piraso ng yelo.

Sa aking pagmumuni-muni ay hindi ko napansin na nanginginig na pala ang aking katawan. Maaaring dulot ito ng malakas na ihip ng hangin mula sa kanluran. Kahit ilang sapin na ng damit ang suot ko, nararamdaman ko pa rin ang lamig. Even though I grew up in the Austral or the southern region, it seems that my body is still not used to the freezing temperature of our place.

The wooden floorboards creaked under my feet as I made my way out of my room. Suot ko ngayon ang isang makapal na balabal habang naglalakad pababa sa unang palapag. Naririnig ko na ang mahinang pag-uusap at pagtatawanan ng aking mga magulang. Parang musika iyon sa aking pandinig. My stomach then rumbled when I smelled the nice aroma of the bread that we frequently eat during breakfast.

"Good morning Nay Marina at Tay Alfred," masaya kong bati habang nagmamano sa kanilang dalawa. Tumigil naman sila sa pag-uusap para suklian din ako ng bati.

"Maaga yata ang gising mo ngayon Blaire? May lakad ka ba?" tanong sa akin ni tatay habang nagtitimpla ng inumin sa kusina ang aking ina. Kahit mayroon ng iilang puting buhok ang aking ama, nanatili pa rin ang kanyang kakisigan. Being a woodcutter for years until now surely had its benefits.

"Gusto ko po kasing sumama kay Kuya Adam. I want to help him hunt. Para may maiuwi rin po akong masarap na ulam para sa hapunan natin mamaya," sagot ko naman sa tanong ni ama.

Pangangaso ang isa sa mga pangunahing hanapbuhay sa Ximeos dahil sa hangganan ng aming bayan ay mayroong malawak na kagubatan na pinamamahayan ng maraming hayop. Bihasa na si kuya sa pangangaso kaya bilib sa kanya ang halos lahat ng tao sa bayan. Noong bata pa lang kasi kami ay sumasama na siya kay ama sa gubat kaya natuto siya ng husto. Pero minsan ay mahirap nang makahuli dahil kaunti na lang ang natitirang hayop dahil sa tindi ng temperatura. Mahirap na makahanap ng pagkain ngayon dahil marami na rin kaming kaagaw na ibang hunter.

"Anak, nauna nang umalis ang kuya mo. Maaga pa siyang nagsimulang mangaso," wika ni inay sabay lapag ng aking paboritong inumin sa mesa. Isang mainit init na inuming gatas.

"Walang problema nay, hahanapin ko na lang siya," wika ko pabalik kay inay at kumain na ng isang pirasong tinapay na nakahain sa aking plato.

"Naimpluwensiyahan ka na talaga ng kuya mo. Basta lagi mong tatandaan na huwag kang masiyadong lalayo kapag nangangaso. Mag-iingat ka rin parati, anak," seryoso nilang paalala sa akin. Nakita ko rin sa mga mata nila ang lungkot.

"Babalik din ako kaagad nay at tay. Miss niyo agad ako eh," biro ko kaya nagtawanan naman kaming tatlo. Kahit mahirap at simple lang ang pamumuhay namin ay sapat na ito para sa akin. I already have a wonderful family, what more can I wish for?

Sinabayan naman nila ako sa pagkain ng umagahan. Dalawang tinapay lang ang kinain ko kahit pinapaubos sa akin ni nanay ang ilang natira. Pinatago ko na lang iyon sa kanya para may makain kami mamaya o bukas kung hindi man kami palarin sa pangangaso. The milk was enough for me to last a day out in the woods.

Pagkatapos kong mahugasan ang aming pinagkainan ay agad akong umakyat sa aking kwarto na nasa ikalawang palapag para makapaghanda. I opened my old cabinet to get my only pair of clothing fit for a hunt on a winter season.

It is composed of a sweater and a pair of pants handed down to me by our mother. There is also a hooded furry coat which was a special gift given to me by my brother after his successful first hunt. Mabilis ko namang binuksan ang drawer na nasa kanan ko at kinuha mula roon ang dalawang pares ng itim na mittens. Yumuko ako pagkatapos para kunin ang bota ko na nasa ilalim ng kama. Pagkatapos kong maisuot ang lahat ng iyon ay tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin. Something is still missing.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon