14. Fallen

9.6K 549 203
                                    

Dumaan ang ilang oras at papalapit na kami sa aming pupuntahan. Nakapagtataka nga lang dahil parang ang tahimik ng kagubatan ngayon at parang walang gumagalang mga halimaw. Natigil na rin ang mahihinang paglindol sa loob ng Forestia. Everything seems so peaceful yet suspicious.

Kasalukuyan kaming nagpapahinga sa ilalim ng puno. Tulog na silang tatlo at ako na ngayon ang nagbabantay. Para mabalaan ko sila kung may darating man na panganib.

Katabi ko ang natutulog na si Amanda na halatang napagod sa paglalakbay namin ng halos sampung oras. Hindi pa sanay ang maliit niyang katawan kaya napagod siya ng husto. Sa kanyang murang edad, masyado pang maaga para maranasan niya ang lahat ng ito.

I stared at the starry night sky above me before letting out a deep sigh. Ang gandang pagmasdan ng nagkikislapang bituin sa langit. Kasama ng mga bituin ang buwan upang magbigay ng sapat na liwanag sa gabi. I could have savored the moment but I know that I can't. I should think of a way on how we can survive. Safely and soundly.

"Blaire," rinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. I was taken aback at first dahil masyadong malalim ang iniisip ko. I composed myself before turning back to see Raiden staring at me worriedly. Napalunok ako dahil nakaramdam ulit ako ng kakaiba. The same thing happens every time I'm with him.

"Ano iyon?" tanong ko sa kanya. Naglakad siya papunta sa akin at umupo sa tabi ko. Narinig ko rin ang malakas niyang buntong hininga. Looks like he's tired as well.

"Kailangan mo nang matulog. I'll take charge here. I'll wake you all up after an hour," seryoso niyang utos sa akin habang nakatingin sa kalangitan. His dreamy eyes were now filled with worries and fear.

"Raiden, do you think we'll make it?" malumanay kong tanong sa kanya. Sinubukan kong maging matatag, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang totohanin. I can't hide the fact that I'm still weak inside.

Nakita ko namang napatingin siya sa akin. Hinayaan ko lang siyang gawin iyon. He looked restless and tired but still, he's beautiful. And I saw something in his eyes, a flickering spark of hope.

Bumuga muna siya ng hangin bago niya sinagot ang aking tanong. "I don't know what might happen next but I promise that I'll make you safe. The three of you," wika niya at siya ang unang nagbawi ng tingin. I can sense that his breathing became ragged and he's becoming a little paranoid these past few days.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Nakita ko namang natauhan siya kaya pinakalma na niya ang kanyang sarili.

"I never felt this scared and useless before. Hindi ko alam kung makakaya ko kayong protektahan hanggang sa huli," rinig kong wika niya habang nakayuko. Nagulat ako dahil parang ibang Raiden ang kausap ko ngayon. He was showing me his other personality. His vulnerability.

"It's normal to be afraid, Raiden. Naappreciate ko ang pag-aalala mo sa amin at salamat dahil kahit hindi mo kami kilala, tinulungan mo pa rin kami. You don't have to carry the burden alone. We will also protect you," pagpapalakas ko sa loob niya. Napasulyap siya sa akin pero may liwanag na ngayon sa kanyang mukha.

"Thank you for everything, I really mean it. And I promise that I'll make you safe, sweetheart," wika niya pero mahina lang kaya hindi ko masyadong naintindihan. May sasabihin pa sana si Raiden pero naalerto kami nang maramdaman namin ang malakas na pagguho sa di kalayuan.

Nagising na rin sila Ella at Amanda kaya mabilis na naming tinakbo ang direksyong papunta sa gitna ng kagubatan.

Sa loob ng isang oras ay sa wakas, nakarating na rin kami sa aming destinasyon. Nakababahala man ang mga pagguho pero hindi kami nagpatinag sa mga iyon.

Papalapit na kami sa isang malawak na kapatagan nang bigla akong nakaramdam ng masamang enerhiya. "Do you feel it too?" rinig kong tanong ni Raiden na agad ko namang sinagot ng tango. Sumeryoso rin ang mukha ni Ella habang napakapit sa akin si Amanda. Parang naramdaman din niya ang tinutukoy ni Raiden.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon