27. Caught

6.6K 386 33
                                    

Napuno ng reklamo at ingay ang buong lugar dahil doon. Nanatili na lamang ako sa aking puwesto dahil hindi ko pa alam kung paano ako maglalakad nito.

Nasilayan lang namin ang pagngisi ni Sir Callum bago siya pumito ulit. Naramdaman namin ang isang malakas na pagyanig ng lupa kaya napasandal kami ni Ella sa isa't isa para hindi kami matumba. At nang matapos ang paggalaw na iyon ay may nabuong mataas na entablado sa gitna ng Quadrangle.

It was a circular structure with a flat peak. It rose several meters from the ground and I can tell that it is very high. It was surrounded by a hundred flight of stairs leading toward the top. Napalunok na lang ako dahil parang naiintindihan ko na ang gustong ipagawa sa amin.

And I bet it wouldn't be easy.

"For the past few days, you experienced the burden brought by the metal gears. And now, you have to apply what you have learned from this week's training. You need to climb the flight of stairs and only until you finish climbing, you can rest. And all I can say is, goodluck with the heels," wika ni Sir Callum at sinenyasan niya na kaming magsimula.

"Kailan ba matatapos ang mga ganitong klase ng pagsubok," rinig kong naiiritang wika ni Ella at ang malalim niyang buntong hininga pagkatapos. Inaalalayan pa rin namin ang isa't isa dahil hindi sanay ang aming paa na magtakong.

"Madami pa tayong madadaanang pagsubok pero alam kong kakayanin natin ito. Tayo pa ba?" pagpapalakas ko sa loob ng aking kaibigan. I saw how her reaction softened as she faced me with a wide and honest smile.

"Kinaya nga natin iyong metal gears, heto pa kaya? I was born to flaunt with heels, darling," saad ni Ella kaya natawa naman ako ng mahina. Kahit kailan talaga nag-uumapaw ang tiwala niya sa kanyang sarili.

"Tara na nga! Simulan na natin," pahayag ko na agad din niyang sinagot ng tango. Hahakbang na sana kaming dalawa pero nagulat ako nang may bumunggo sa amin. Matutumba na sana si Ella ngunit may sumalo sa kanya kaya hindi siya tuluyang bumagsak sa sahig.

"Zara, bakit mo ginawa iyon?" seryosong tanong ni Gale sa babaeng bumangga sa amin. Uminit bigla ang dugo ko nang malaman ko na sinadya talaga niyang gawin iyon para mapahiya kami.

"Oh sorry! It's not my fault. They're just blocking my way," maarte niyang sagot kay Gale sabay lakad paalis. Napakuyom ko na lang ang aking dalawang kamao dahil sa galit. Sumosobra na talaga ang babaeng iyon.

"Are you hurt?" rinig kong tanong ni Gale kay Ella habang tinutulungan niya itong makatayo ng maayos. Nawala naman ang poot na aking naramdaman nang makita ko ang namumulang mukha ni Ella. Tinalo niya pa ang kamatis sa sobrang pula ng pisngi niya ngayon.

And I realized why. Dahil sa wakas ay nasalo na rin siya ni Gale!

Hindi pa rin nagsalita si Ella kaya ako na lang ang sumagot sa kanya. "Maayos na ang lagay niya dahil sa iyo. Thanks Gale!" pasasalamat ko sa kanya. Mahina kong tinapik si Ella sa mukha at sa wakas ay nagising at nabalik na rin siya sa kanyang sarili.

"Thank you, Galeby," nahihiya at mahina niyang wika sa lalaki. Sinuklian din si Ella ng isang ngiti ng lalaki. Napadako naman ang aking tingin sa kanyang mga paa at agad akong napahalakhak sa aking nakita.

Nakita rin iyon ni Ella kaya nakisabay siya sa aking pagtawa. "Bagay sa iyo!" malakas na komento ni Ella habang tinatawanan namin ang nakatakong na si Gale. Nakita kong namula ang tenga ng lalaki at nahihiyang napailing.

"Mukha kang bading!" dagdag ni Ella habang hawak hawak pa rin ang tiyan sa kakatawa. Huli na nang marealize ni Ella ang sinabi niya dahil nakaharap na sa kanya ang seryosong mukha ni Gale.

"Bading pala ha? Kung halikan kaya kita diyan," wika ni Gale at akmang lalapit kay Ella. Natahimik naman ang huli at nakita ko pang namula ulit si Ella. Napapikit na lang siya at nagulat ako nang makita ko siyang nakanguso.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon