21. Nightmare

8.3K 376 25
                                    

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata habang patuloy kong tinatamasa ang paghiga ko sa napakalambot na kama. Gusto ko pa ngang matulog ulit pero parang may tumutulak sa aking gumising na kaya pinilit kong balewalain ang aking antok.

Nang buksan ko ang aking mga mata ay mga nagtataasang puno ang bumungad sa akin. Ang aking hinihigaang malambot na kama ay naging isang kumpol ng mga tuyong dahon na lamang. Napayakap ako sa aking sarili dahil may dumaang malakas at preskong hangin. Nakita kong nakasuot pa rin ako ng aking pantulog kaya nilalamig ako ngayon.

Tumayo na lang ako mula sa aking pagkakahiga habang naghahanap ng kasagutan sa aking mga katanungan. Naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon.

Bakit ako napunta rito kung sa isang silid naman ako natulog kagabi?

Napagpasyahan kong maglakad-lakad muna sa loob ng kagubatang ito para maghanap ng kapayapaan. The whole place is dark except for the full moon shining amidst the gloomy sky. Napakatahimik ng lugar pero paminsan-minsan ay sumisipol ang malamig na hangin.

Sa di kalayuan ay may nakita akong makitid na daanan sa gitna ng mga matatayog na puno. Kahit kinakabahan ako ay pinili kong tahakin ang daang iyon habang pinapalakas ko ang aking loob. Nang makapasok ako ng tuluyan doon ay biglang mas dumilim ang paligid sa puntong wala na akong halos makita. Kinilabutan ako nang bigla akong makarinig ng isang mahinang pag-iyak na galing sa isang batang babae. Her cries were sorrowful, echoing inside the woods.

Even though I sensed something bad from that voice, hinanap ko pa rin ang pinanggagalingan noon. It came from straight ahead that's why I quickly ran towards it. Kahit wala na akong makita ay ipinagpatuloy ko pa rin ang pagtakbo. I'm chasing that voice while escaping darkness at the same time.

Unti unti ko na ring naaaninag kung ano ang nasa aking harapan. Isa iyong labasan mula sa lagusang ito. Naaaninag ko na rin mula roon ang liwanag na dala ng iba't ibang klase ng bituin. My heart was filled with determination to see those twinkling stars.

Ilang segundo pa ang lumpias at tuluyan na rin akong nakalabas mula roon. I was blinded by the light at first but I soon adjusted my sight at the new surroundings. Napatakip na lang ako sa aking bunganga nang mapagtanto ko kung saan ako ngayon.

I was back at Forestia.

I was exactly at the place where it all ended. The Clearing. Ang lugar kung saan nawala ang dalawa sa mga pinakamamahal kong mga kaibigan. Kung saan isinakripisyo nilang dalawa ang buhay nila para makaligtas lang ako.

Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ko ulit ang paghikbi ng isang batang babae. Nakita kong nakaupo siya sa damuhan sa may bandang kaliwa. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinimulang maglakad patungo sa kanyang direksyon.

Lumalakas ang tibok ng aking puso at kasabay nito ang pagbigat ng mga yabag ng aking mga paa. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa maaaring mangyari ngayon.

Patuloy na sumasayaw ang damo sa bawat paghampas ng hangin dito. Nililipad din nito ang mahaba kong buhok. Huminga ulit ako ng malalim bago ako tumigil sa likuran ng bata. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak at parang hindi niya alam na nandito ako sa likod niya. Nakaramdam din ako ng kakaiba sa presensya niya.

Pagkatapos ng ilang segundong pagdadalawang-isip ay napagdesisyunan kong tapikin siya ng marahan sa kanyang balikat. Dahil doon ay biglang tumigil ang kanyang pag-iyak. Nagulat ako nang marahas siyang lumingon ng may nanlilisik na mga mata.

"Bakit ka pa bumalik? Hinayaan mo naman akong mamatay di ba?" bungad nito sa akin sa isang malalim na boses. Tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan at napaatras dahil sa inasal ng bata. Nang mapako ang tingin ko sa kanyang mukha ay bigla akong namutla. Kahit purong itim na ang kulay ng kanyang mga mata ay kilala ko pa rin kung sino ang kaharap ko ngayon.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon