15. Anew

8.6K 500 88
                                    

Nanghihina kong iminulat ang aking mga mata. Kahit kakagising ko pa lang ay sumasakit na agad ang ulo ko. Parang walang tigil itong pinipiga kaya nahihirapan akong bumangon.

Ang mainit na sinag ng araw ang agad na bumungad sa akin pagkamulat ko sa aking mga mata.

I blinked my eyes several times as it adjusted to my new surroundings. And base on what I am seeing right now, I am inside an infirmary.

Nakahiga ako ngayon sa isang malambot na puting kama habang ginagala ko ang aking paningin sa kwarto kung saan ako naroroon. This room is spacious. Its walls were made of wood panelling and hanging by the ivory ceiling is a candle chandelier. There is also huge glass window where the sunlight comes pouring in. Nakabukas ito kaya malayang nakakapasok ang banayad na hangin sa loob.

Tatlong pinto ang nabilang ko. Two of them are closed while the other one is slightly left ajar. Mayroon ding lamesa sa gilid ko kung saan may nakalagay na iba't ibang klase ng potion, medisina at mga halamang gamot.

Napatitig ako sa pintong nasa harapan ko nang may nagbukas nito. Ang pigura ng isang magandang babae ang bumungad sa akin. Nakasuot siya ng puting roba at may dala siyang tray na puno ng pagkain. Umaalon ang kanyang kapa nang maglakad siya papunta sa akin. Parang hinabing ginto ang kanyang buhok at nakakabighani ang berde niyang mga mata. But her elongated ears that enhanced her features are what attracted my eyes the most. I took back a gasp. Her beauty is ethereal.

"First time to see a Fae?" mahinhin niyang wika kaya nabalik naman ako sa aking sarili. Tumungo siya sa lamesang malapit sa akin at doon niya inilapag ang tray.

"I'm Avery. Nice to meet you," nakangiti niyang litanya sabay lahad ng kanyang kanang kamay. I accepted it as I smiled back at her.

"My name's Blaire and I'm happy to meet you too, Avery. By the way, saang lugar ba ako ngayon? Paano ako nakapunta rito?" sunud sunod kong tanong sa kanya. Ang tanging naaalala ko lamang ay ang panahon na kasama ko sa pangangaso si Kuya Adam.

She became silent for a few seconds. Her facial expression showed that she didn't expect me to ask those questions. Or even utter a single word.

"Nandito ka ngayon sa Healing Camp na nasa loob ng Stronghold. You managed to pass the trial that's why you're now inside the academy that will train you," paliwanag niya sa akin pero hindi ko masiyado naintindihan ang mga sinabi niya.

"Huwag ka munang mag-isip ng malalim. You still need rest, Blaire. Kumain ka na at tawagin mo lang ako kung may kailangan ka," malumanay niyang pahayag sa akin bago siya tuluyang naglakad palabas.

Avery is right. Kailangan ko na munang kumain at magpahinga dahil baka pagod lang ang katawan at utak ko.

Kumuha na rin ako ng baso na may lamang tubig sa tray. Ininom ko iyon at huminga ng malalim. Inubos ko ang mga pagkain at naramdaman ko namang lumakas ang aking katawan. Sinimulan ko nang tumayo at mag-unat unat.

Napagpasyahan ko ring lumabas muna at magmuni muni. I went to the door that was partly opened. Ang sariwa at malamig na hangin ang sumalubong sa akin nang tuluyan na akong makalabas mula roon.

I walked towards the end of the veranda until the camp's inner courtyard came into view. Naglakad ako papunta sa gitna habang pinagmamasdan ang ganda ng mga tanim at halaman. Napalilibutan ang lugar ng mga magkakadikit na silid na kagaya ng sa akin kanina.

The place was open to the sky. The radiance brought by the sun and the sweet sound of chirping birds made the scene refreshing. But deep inside, I can feel that something isn't right.

Kahit napakayapa ng paligid ay naramdaman kong parang sinasakal ako nito. I saw an open archway in front of me and I ran until I got outside.

Ilang minuto na rin akong naglakad at hindi ko namalayang napunta ako sa isang grassland. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang damo na sumasayaw sa bawat ihip ng hangin.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon