65. Mid

3.5K 240 58
                                    

The entire island shook when the blast collided with the almost transparent shield. Sa lakas noon ay parang naalog ang aking buong katawan. Kinabahan ako nang makitang nagkaroon ng bitak kung saan tumama ang atake ng emperyo. I tried to stand still while the impact reverberated all around us but color immediately left my face when I saw more comets coming at our direction.

"Fire!" malakas na utos ni Cato sa mga Patronus na inatasang magpatakbo sa mga malalaking armas. Mabilis na rumespondo ang aming hukbo at nakita ko na lang ang paglipad ng mga naglalakihang boulder na sumalubong sa mga itim na kometa.


Nang magsalpukan ang dalawang puwersa ay halos matangay kami ng mga pagsabog na likha ng mga ito. The other Patronus also started to operate the numerous cannons and began bombarding the weapons of the empire using large metal balls.

Pero mukhang hindi lang kami ang napoprotektahan ng panangga. There was also a strong shield protecting the floating island of our enemy, making it hard for us to destroy their war weapons.

Our barrier was one-sided which it made it possible for us to take offense while still being defensive. At mukhang ganoon din ang harang ng kalaban namin. But the rate of the dark blasts of energy raining at us was faster than the speed of how my army can operate the catapults. And it looked like we were already losing ammunition. Kaunti na lang ang natitirang bato na pwede naming maihagis para sanggain ang mga paparating na kometa.

At may nakakalampas pa ring atake na pilit sinisira ang aming barrier. The crack that I saw earlier grew bigger and bigger every time it got hit. The comets were now fused with violet energy that I can clearly identify as cursed black magic. The Crimson Empire clearly prepared for this assault.

Nagsimula nang umapoy ang aking mga kamao. I was about to help by sending some fireballs of my own but someone stopped me from what I'm planning to do.

Naramdaman ko ang malamig niyang kamay na humawak sa aking balikat kaya napalingon ako sa kanya. His aquamarine eyes were tainted with fright but Cato still managed to give me an understanding yet firm look before he spoke.

"Ireserba mo ang lakas mo para sa hinaharap, Lithuania. Kakailanganin mo ang iyong buong kapangyarihan sa itinakdang pagtutuos," payo niya sa akin. Parang naupos na kandila namang nawala ang apoy na bumabalot sa aking mga kamao. I nodded at him because he got a point. I needed to prepare for the worst in which I might have to use what I all got.

Inang Zipporah told me herself that I don't have to bear the burden alone. My allies are willing to help me carry the heavy weight of my duty as the last princess. And I just have to allow them to fight for me. Kahit gustung-gusto ko na talagang tumulong, pinigilan ko ang aking sarili. Dahil sa ngayon, kailangan ko munang manalig sa aking mga kakampi.

Nang ibalik ko ang aking tingin sa kasalukuyang sagupaan ay nakita kong nagagawa na naming makasabay sa bilis ng pagpapaulan ng mga atake. Tumulong na rin si Zara sa pagpapaandar sa cannon at napabilib naman ako dahil mukhang marunong talaga siyang gamitin ang lahat ng uri ng sandata.

The cannonballs were now enveloped in fire as they shattered through the black comets. Gawa iyon ni Ella at ng ibang mga Patronus gamit ang kanilang abilidad. We felt Vallahan swayed slightly because of the impact caused by the continuous explosions. Pero hindi nagpatinag ang aming hukbo at ipinagpatuloy lang ang ginagawa.

Napasigaw kami sa tuwa nang makitang tumatama na ang mga cannonballs na pinapakawalan namin sa panangga ng emperyo. At halos magdiwang na kami nang nasira na talaga ang harang dahil sa tuluy-tuloy na pagsalpok ng aming bala roon. Their shield flickered a bit before it finally dissolved into thin air.

Pero pansamantala lang ang kasiyahang iyon dahil umaandar pa rin ang mga sandata ng kalaban kaya iyon ang sunod na pinuntirya namin. Masiyadong natuon doon ang aming atensyon kaya hindi namin napansin ang lumilipad na higanteng palakol. The war axe moved like a boomerang and it continuously attacked our aegis. Sinubukang patamaan iyon ng mga Patronus pero nahirapan sila.

Kahit kaunti na lang ang mga cannons ng kalaban ay hindi sila tumigil sa pagpapadala ng mga kometa. Napalingon ako sa itaas nang makarinig ako ng tunog na para bang may nabasag. The cracks were now incredibly huge. At nang tumama ang palakol sa parteng iyon ay tuluyang nang nasira ang aming panangga.

We were now open and vulnerable.

Nagkagulo ang lahat nang magsibagsakan sa isla ang mga kometa. Nakaiwas naman ang lahat pero nawasak na ang ilan sa aming mga gamit para sa pakikipaglaban.

But we retaliated quickly. The Patronus who were assigned to handle the cannons resumed firing at the approaching black comets. Sumasakit na ang tainga ko dahil sa malalakas na pagsabog na dumadagundong sa buong kalangitan. Pero halos matangay kami ng isang malakas na hangin nang lumapag ang isang Imperial Mercenary sa aming isla.

I instantly recognized the huge and muscular man. Siya ang isa sa mga nakaharap namin noon sa Forestia. He was the one who accompanied Freyah along with Maddox, the wizard. Napalunok ako nang makita ang kanyang palakol na bumalik sa normal nitong laki. I gulped when I remembered how that weapon injured me.

"I know that you're impatient. But how could you get all the attention for yourself, Lucis?"

Nang dumating si Asher ay parang hinigop niya ang lahat ng hangin sa paligid dahil nahirapan ako biglang huminga. Ngumisi naman sa kanya ang lalaking tinawag niya. I can see bloodlust dancing in his eyes. He was gripping his war axe tightly that I can already see the bulging veins on his hand even though I was far from him.

Nagtama naman ang paningin namin ni Ella at nakuha naman niya agad ang nais kong ipahatid.

"Ilang taon akong naghintay ng digmaan. And now that it's finally happening, I can't wait to bathe in the blood of my enemies."

Parang balang bumulusok papunta sa amin ang Imperial Mercenary na si Lucis habang nakataas ang palakol nito. Nagulat ako nang makitang kakaiba ang hitsura ng kanyang balat. It looked grayish and rough. At napagtanto ko rin na iyon pala ang kanyang abilidad. He can turn his skin into rock. But would it make him completely invincible?

Sinalubong naman agad siya ng ilang mga Patronus. Pero kahit marami ang kinakalaban niya ay hindi ito nagpatalo. Lucis was on par with the winged warriors.

Tinapunan ko naman ng tingin ang isa pang lalaki. Asher was just standing in front us with an amused look still plastered on his face. "May hinala na ako noon pa man, Blaire. And know that you're proven yourself as Princess Lithuania, it makes me want you more."

"Cut the bullshit, Fleming. Nakakasuka ka," mabagsik na saad ni Zara at sinugod na ang lalaki. Pero nagulat ako nang biglang nawala ang huli. Nakita na lang naming lumitaw ito sa ere pagkatapos.

"You have a pretty face, Zara. But your tongue is so filthy that I want to slice it off. Would you give me the honor?"

Inawat ko si Zara na nanggigil habang nakatingin kay Asher na mahinang humahalakhak. Hindi ko hahayaang makontrol siya ng galit niya dahil wala iyong madudulot na maganda.

"Why are you doing this?"

Binigyan naman ako ng ngiti ni Asher. Iyon ang ngiting kumuha sa aking loob. Pero hindi na ako papayag na lokohin niya ako ulit. Hindi na ako ang dating Blaire na kilala niya.

"I miss you, Blaire," wika nito sa akin habang hindi pa rin nawawala ang matamis nitong ngiti. Tinaliman ko ang tingin ko sa kanya. If staring could kill, Asher might be good as dead.

"I want you to come with me. Leave these people. Iwanan mo ang responsibilidad mo. I can give you the freedom that you want," dagdag ng lalaki at unti-unti niyang inilahad ang kanyang kanang kamay sa aking direksiyon. I mentally rolled my eyes. Did he really expect me to fall for his stupid words again?

"Get lost, Asher."

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ng lalaki dahil sa sinabi ko. His face hardened until I couldn't see any trace of emotion there. "I'll give you another chance, Blaire. Because I don't want to hurt you. Sumama ka na sa akin kung ayaw mong marami ang mamatay dahil sa iyo," malamig nitong pahayag habang hindi kumukurap. I met his stoic gaze and didn't waver from it. I nodded slightly when I saw Ella in my peripheral view.

"You already hurt me before, remember? So why would I trust you now? My answer is no."

Dumilim ang mukha ni Asher at naramdaman ko na ang pagpapalabas niya ng kanyang abilidad. He was planning to use his negation ability on us again. Pero natuto na ako mula sa nakaraan naming paghaharap.

A portal appeared over Asher. Mula roon ay umagos ang tubig papunta sa lalaking nasa ibaba. Hindi iyon napansin ng huli kaya hindi siya nakaiwas at tuluyang nabasa. He looked surprised but he smirked at me afterwards.

"Were you planning to drown me? You never learned, Blaire. Hindi ako tinatablan ng kahit anong abilidad."

Umiling lang ako sa kanya habang nakangisi. Umigting ang panga ng lalaki nang mapagtanto nitong hindi na niya magamit ang kanyang mahika. Napakasama ng tingin nito sa akin ngayon at mukhang pinapatay niya rin ako sa kanyang isipan.

I wasn't sure at first if the nullifying properties of the Black Ocean's water will work on him. Pero mukhang tama talaga ang desisyon kong magpakuha kina Ella at Gale ng tubig-alat.

"A person who can negate other abilities got his own flair voided. Ironic, isn't it?"

Nagngingitngit sa poot si Asher na nakatingin sa akin. A loud growl escaped from his lips as he looked at the black sky. Mula sa kadiliman ay nakita ko ang paglitaw ng mga nilalang na mayroong pakpak na kagaya ng sa paniki. But because of their black form and white upraised hair, I recognized them as stygians. But a pair of sharp ebony black horns now appeared on their head. They seemed to have completely evolved.

"Now watch as the children of the dark massacre you and your comrades, Princess Lithuania. Their blood is in your hands!"


Pagkatapos banggitin iyon ni Asher ay mabilis ako nitong sinugod habang hawak-hawak ang dalawa nitong espada. Cato pulled me behind him to protect me but Zara was there to intercept the enemy's attack.

Nakaramdam naman ako ng panghihina kaya napakapit ako kay Cato para hindi ako matumba. Hindi ko mabilang ang mga stygians na nasa kalangitan dahil itinatago sila ng itim na ulap. But the numerous white specks floating in the sky showed that they were around hundreds.

Kahit natatakot ay naawa ako sa mga stygians. They were once human beings like us but the empire tarnished their souls and transformed them into demons. They don't deserve to be used against their will. Nalulungkot ako dahil ang tanging pagpatay lang sa kanila ang makapagbibigay hustisya sa kalapastanganang ginawa ng emperyo. We don't know how to turn them back to their original form.

"Attack and defend!" Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang sigaw ni Xerxes na siyang namumuno sa aming hukbong makikidigma sa himpapawid. Halos matangay ako ng malakas na hangin nang nagsiliparan ang napakaraming Patronus para puksain ang mga stygians. But we were already outnumbered.

Nagbagong anyo na rin si Gale at naging isang malaking agila na may katawan ng leon. Namamangha ako habang nakatingin sa ginintuan niyang pakpak dahil ngayon ko lang nakita sa akto ang kanyang kakayahan. Gale is a Soul Keeper. A griffin, one of the strongest mythical beasts to ever exist, gave its spirit to Gale before it died fifteen years ago. Being blessed with this rare gift, he was granted incredible strength and speed which was the natural abilities of the said creature. And he can also transform into a griffin according to his will.

Sumakay na rin si Ella sa likod ni Gale habang nakahanda na ang kanyang wand. Naalala ko rin na kabilang sila sa grupo ni Xerxes.

"Be careful," maikli kong paalala sa kanila. Yumuko naman si Gale at malungkot namang napangiti si Ella sa akin.

"Hahabol kami ni Galeby, promise iyan bestie!" Gumaan naman ng kahit kaunti ang aking pakiramdam. Nagulat naman ako nang bumaling si Ella sa direksyon ng aking kasamang lalaki.

"Cato! Ingatan mo ang mahal na prinsesa kung ayaw mong putulin ko yung ano mo!" Napairap na lang ako dahil sa sinabi ng aking matalik na kaibigan. Natawa naman ako sa reaksiyon ni Cato pagkatapos. Mukhang nabigla siya sa narinig. Kakaiba talaga ang lumalabas sa bunganga ni Ella.

Nang makalipad na ang dalawa at nagsimulang makipaglaban ay naramdaman ko ang paghigit ni Cato sa aking baywang palapit sa kanya. We were too close to each other that's why his manly scent already reached my nose, reminding me of misty woods and fresh mint.

"Handa ka na ba?" tanong niya sa akin kaya tumango ako. Isang nagtatakang tingin ang ibinigay ko sa kanya dahil hindi pa rin kami lumulutang sa ere.

Puno na ng ingay ang himpapawid at may nagsisibagsakan na ring mga katawan na hindi ko alam kung kaaway ba namin o kakampi dahil sa lupit ng sinapit ng mga ito.

"Ipangako mo sa akin na hindi ka aalis sa aking paningin. Ipangako mo na hindi ka gagawa ng ikakapahamak mo."

Mahina naman akong napatawa na ikinunot noo ng lalaki. "Ella's only kidding, Cato. Huwag mong seryosohin ang sinabi niya."

Pero parang matutunaw ako sa lalim ng pagtingin sa akin ng lalaki. Biglang kumirot ang aking puso kaya napangiwi ako ng kaunti at umiwas ng titig. Ayaw kong mamroblema ulit ang kasama ko.

Ipinagaspas naman ni Cato pagkatapos ang kanyang itim na pakpak bago lumipad kaya hindi ko narinig ang huli niyang sinabi.

"Bakit sa gitna ng digmaan pa umusbong ang damdamin ko para sa iyo, Prinsesa Lithuania?"

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon