40. Fight

4.2K 262 13
                                    

“If that’s true, then we are again back at zero. We don’t have a lead anymore. Mali tayo dahil hindi sangkot si Ophelia sa mga pagpatay dahil siya na ngayon ang nadamay. Ngayon na ang tamang panahon para tumigil,” pangungumbinsi ko kay Ella. Kahit ako ay hindi ko inaasahan ang ibabalita niya sa akin. I’m wrong for judging my former roommate.

Nakita ko namang tumayo ang aking kaibigan at hinawakan ako sa aking balikat. Puno ng determinasyon at katapangan ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. May hinala na akong hindi ako matutuwa sa sunod niyang sasabihin.

“But do you find it weird? Nawala na lang siya bigla nang malapit na natin siyang mabuking. It must mean something Blaire!” wika ni Ella at napabuga na lang ako ng hangin dahil doon. Wala na talagang makakapigil kay Ella. Ika nga niya, “what Ella wants, Ella gets”.

“At heto pa! This is a case of a serial killing. The victims never went missing because they just appeared dead already. Pero bakit nagbago ng pamamaraan yung killer? From the first to the last murder, the pattern was consistent. Pero halos magdadalawang-araw nang nawawala ang mga trainees at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakikita at wala ring bangkay na natatagpuan. So there’s a possibility that they are still alive Blaire! And they were captured by our suspect to divert our attention from her. Baka natunugan na niyang may naghahanap na sa mga naiwan niyang bakas and she resorted to the kidnapping method para malito tayo!” dagdag pa ni Ella.

“And lastly, she played the victim role this time. It would be her perfect and flawless alibi to negate all suspicions! Hindi ko na talaga hahayaan siyang gumawa ng ganito Blaire! And I need to save the lives of those who are in peril.”

Nakanganga lang ako habang prinoproseso ang lahat ng sinabi niya. Her deduction skills were indeed astounding and promising. Pinag-isipan niya talaga ng mabuti ang lahat ng ito.

Hinawakan ko naman ang kamay niyang nasa balikat ko. “Do you really want to do this?” tanong ko sa kanya. Kahit alam kong buo na ang desisyon niya, naninigurado lang ako.

“Yes Blaire. Just trust me in this one,” tugon niya sa akin at pinisil ang kamay kong pinapawisan na ng lamig.

“I trust you. Kung magkakaroon ako ng oras ay tutulong ako sa iyo.

Nginitian ako ni Ella pagkatapos. “I know you’ll do.”

_____

Napadaing ako nang tumalsik na naman ang espadang hawak ko at nahulog sa sahig. Hindi ko na nabilang kung pang-ilang beses na iyong nangyari. Halata naman ang pagkainis sa mukha ni Topher dahil sa mga kapalpakan ko.

“Why can’t you hold the weapon for atleast a few seconds?” Tanong niya sa akin at akmang pupulutin ang espada pero inunahan ko na siya. Hindi pa nawawala ang trauma ko nang kunin niya ang nahulog kong armas kanina at biglang inihagis sa akin pabalik.

Kung wooden sword lang iyon ay baka hindi ako natakot na saluhin ito pero totoong espada na kasi ang gamit namin kaya umiwas na lang ako. It’s better to be safe than to lose one of my body parts.

Pagkatapos kong makuha iyon sa sahig ay hinirap ko na ulit si Topher. Pinosisyon ko na rin ang katawan ko ayon sa pagkakaturo ng lalaki kanina. Pero hindi ko maiwasang hindi mangalay dahil sa kakaibang bigat ng sandatang hawak-hawak ko.

Akala ko talaga noong una ay madali lang gumamit nito. Ilang beses na rin kasi akong nakagawa at nakagamit ng water swords noon kaya akala ko talaga ay marunong na ako. Using a real sword is an entirely different experience.

The weapon that I’m holding right now is almost half of my body by size. It also had a flashy and deadly blade wherein I can clearly see my reflection. Maganda rin ang pagkakagawa sa hawakan na nagpapadali sa paggamit ng espada. Pero dahil hindi pa ako masiyadong sanay sa armas na ito ay nahihirapan akong panatilihin itong nakaangat kaya minsa’y sumasayad ito sa sahig.

And every time I’m exchanging hits with Topher, I always feel the vibrations and tremors of our clashing weapons. Parang kinakalog ako sa lakas ng mga pagtira niya kaya nabibitawan ko ang hawak ko. But still, I must try my best to learn how to wield this weapon. Dahil hindi lang ang paggamit sa espada ang dapat kong matutunan.

Nang dumaan ang tingin ko sa gilid kung na saan ang iba pang mga armas na dapat kong sanayin, napabuntong hininga na lang ulit ako. There are four main weapons that a Crimson Knight uses and I’m required to master all of them. At ang apat na iyon ay ang sword, lance, mace, at crossbow.

Nadismaya naman ako ng kaunti dahil hindi kabilang ang longbow doon. I’m not familiar with a crossbow and when I saw its form, alam ko na agad na hindi pareho ang pamamaraan ng paggamit nito sa pana at palaso.

Ilang araw na lang ang natitira. Kapos ako sa panahon para lalong mapaghusayan ang paggamit sa apat. And if I didn’t master any, knowing to use the four would do. Okay lang na hindi magaling basta marunong.

Bumalik naman ako sa aking sarili nang maramdaman ko ang paghawak ni Topher sa aking kamay para itaas iyon. He also pointed out some flaws in my stance kaya umayos na rin ako.

“Pwedeng ibang espada na lang yung gamitin ko?” Tanong ko sa aking tagapagsanay. I can’t keep my sword upright because of its incredibly heavy weight.

Topher’s fearless and brutal gaze met mine. “Ano bang klase ng espada ang gusto mo?”

My mind betrayed me again! Iba na naman kasi ang iniisip nito nang marinig ang mga sinambit ng lalaki. Nahihiya na lang akong napailing kay Topher habang hinihintay na lamunin na ako ng lupa.

“You and your nasty thoughts again, Everett. I should’ve known,” walang emosyong wika ulit ni Topher. Dahil nakayuko ako ay nakita ko ang mabilis niyang pagtakbo. Mukhang papasugod na naman siya sa aking direksyon.

Dahil hindi ko na talaga maitaas ang sandata ko ay hinawakan ko na lang ito gamit ang dalawa kong kamay. I wasn’t mistaken because Topher indeed lunged at me with his weapon but I parried him on time. Pero nang magtama ang mga sandata namin ay napaatras ako dahil sa lakas ng puwersang pinakawalan niya.

But I used the opportunity to be on the offensive. Because of adrenaline, I was able to wield my sword single-handedly. I thrusted my weapon at his left side but he managed to deflect the attack by a circle parry. Sinundan ko naman ang atake kong iyon kaya ang malakas na kalansing ng mga sandata namin ang umalingawngaw sa buong paligid.

Hindi ako nakasabay sa galaw ni Topher nang walang tigil niyang pinatamaan ang aking espada. Halos matanggal na naman ang pagkakahawak ko mula roon kaya dumistanya muna ako bago ulit umatake. I feinted to the left and I saw him fell for it that’s why I quickly lunged at him. Mukhang matatamaan ko siya kaya natigilan ako saglit sa balak kong gawin.

Binagalan ko ang aking atake kaya nagawa niya itong sanggain. He did a riposte after that kaya ako naman ang bumalik sa pagdedepensa. He struck my blade and I barely blocked it. But because of that, Topher found an opening on my right side. Napunit ang pang-ibabaw na parte ng aking tunika pero buti na lang ay nagawa ko pa rin iyong salagin kaya hindi iyon tumama sa aking balat.

Our fight went on for a long time. Mukhang walang may balak na magpatalo sa aming dalawa pero halata naman na ako ang dehado. Topher was a beast when it comes to sword fighting while I’m just a feeble sheep. Pero kahit tupa man ako sa harapan niya ngayon, nagagawa ko pa rin namang lumaban at ipagtanggol ang aking sarili.

I did a series of swift swipes at him that he effortlessly deflected without even breaking a sweat. Pagod na ako ngayon at nahihilo na rin dahil sa bilis ng katunggali ko. Kung magagawa ko lang patalsikin ang esapada niya ay baka manalo na ako. Hindi na ako makakatagal kaya gagawin ko na iyon ngayon.

Hinawakan ko ulit ang espada gamit ang dalawa kong kamay at bumwelo para tamaan ang armas ni Topher. I flinched at the impact after our swords clanged again. But I couldn’t do anything when he bent his sword in a circular manner to catch the tip of my own. Masiyadong malakas iyon kaya kahit ayaw ko ay napabitaw na ako sa aking espada bago iyon tuluyang nahulog.

Cold sweat trickled down my neck when I saw Topher pointing the glinting tip of his weapon at my vulnerable throat.

“Why did you hesitate?”

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya sa akin kaya natahimik ako ng ilang segundo. Pilit kong inalala kung ano ang tinutukoy niya kahit may patalim na nakaabang pa rin sa aking lalamunan. Napatango naman ako sa aking sarili nang maalala ko na. I should’ve hit him that time kung alam ko lang na hahantong pa sa ganito.

“Pake mo?” Sagot ko na lang sa kanya. Hindi ko rin kasi alam kung bakit pa ako nagdalawang-isip. At naalala ko rin ang mga tinanong ko sa kanya na hindi niya binigyan ng mga kasagutan. Kaya ngayon, patas na kami. Mabulok siya diyan sa kakaisip!

“Tsk.”

Nakahinga naman ako ng maluwag nang sa wakas ay inialis na rin niya ang pagkakatutok ng kanyang espada. Kinuha rin ni Topher ang sandata ko bago siya pumunta sa lalagyan ng iba pang mga armas. Napalunok naman ulit ako nang kinuha niya ang dalawang sibat na kasingtakad niya. Kapag ako ang hahawak noon ay magmumukha talaga akong unano. Pero mangyayari lang iyon kung makakaya kong bumuhat ng isa.

Kinakabahan na talaga ako. Iyong espada nga kanina ay halos hindi ko na kayanin. Iyong lance pa kaya na mas mataas sa akin?

Buti na lang at lumapit na ngayon si Topher sa kinaroroonan ko at hindi na niya naisipang ihagis sa akin ang sibat. Kinuha ko naman ang isa at nanginig ako nang dumampi ang aking mga palad sa malamig na metal ng sandata.

Pero nang bitawan na ni Topher ang pagkakahawak niya sa sandata ay halos bumagsak na ang lance sa akin kaya napakapit ako roon gamit ang dalawa kong kamay. Nag-ingat na ako sa mga sunod kong galaw dahil baka madisgrasya ako. Hindi rin kasi biro ang laki at bigat nito!

Nababagot lang na nakatingin si Topher sa akin mula sa harapan. Alam kong napapansin niyang nahihirapan ako pero pinili niyang huwag akong tulungan.

Kahit kailangan ko rin naman ng tulong, hindi ako magpapatulong sa kanya!

“Will you just stand there?” Tanong niya sa akin at halos umusok na naman ang ilong ko nang makita ko pa siyang humikab habang walang kahirap-hirap na bitbit ang kanyang sibat gamit lang ang isang kamay na para bang nang-iinsulto.

Hindi ko na talaga napigilan kaya napairap na ako. Sinubukan ko ring humakbang papunta sa kanya. But I realized that it was a wrong move. It was too late to stop my lance when it came crashing to the floor. Nahagip ako sa pagbagsak kaya napahimas na lang ako sa sumasakit kong balikat.

Agaran rin akong tumayo para kunin ulit ang armas. Pero nairita ako nang hindi ko na ito halos maiangat sa lupa. I tried again but all of my attempts failed. Nang mahulog ang sibat ay parang dumikit na ito sa sahig kaya hindi ko na ito mabuhat.

“When I came back, make sure to get that weapon off the ground. If not, you’ll have to sleep on the ground for the remaining days because I’ll be taking your room,” sabi ng lalaki bago siya umalis.

Napasigaw na lang ako ng malakas at ewan ko na lang kung hindi pa iyon narinig ni Topher.

"I hate you devil!"

_____

Wala ako sa kondisyon pagkagising ko. Hindi ko rin alam kung paano ako nakatulog dito sa sahig ng Training Ring. Huli ko na nagawa ang iniutos sa akin ni Topher kaya siya na ngayon ang namamalagi sa silid ko.

Wala bang ibang tulugan rito kaya ang kwadra ko talaga ang pinili niya? Napapansin ko kasing kahit umaalis siya ay bumabalik naman siya pagkatapos sa Training Ring. It looks like he doesn’t stay at all in House Imperium. Huwag niya sabihing natutulog siya sa lapag?

But why do I care about him?

Nakasimangot ako habang tinitignan ang paparating na si Topher. But just like me, he seemed to be in a bad mood too. Mukhang okay naman siya kagabi dahil nakuha naman niya ang gusto niya.

Pero nang mahagip ko ang pigurang nakasunod sa kanya, naintindihan ko naman agad kung bakit masama ang kanyang umaga.

Ngumiti ako nang lumuhod ang lalaking iyon sa aking harapan.

“Hi, Babe--- ay hindi ka naman mabiro, Blaire.” Natawa na lang ako dahil sa reaksiyon niya nang batukan ko siya. He never changed.

“Bakit ka nandito?”

Asher flashed his signature smile before winking at me.

“Ginawa ko ang lahat para mapapayag si Commander Odin. I’m here to train you too.”

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon