23. Gemini

7.4K 419 34
                                    

"The seven rules inside the academy."

Ang malumanay na boses ni Ophelia ang una kong narinig nang ako ay magising. Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata habang tinatamasa pa rin ang lambot ng aking higaan.

Bigla akong nakaramdam ng matinding pangangalay sa aking katawan. Nang subukan kong bumangon ay nahirapan akong gawin iyon dahil napagod ako ng husto kahapon. Naubos talaga ang aking lakas at sumakit din ang iba't ibang parte ng aking katawan kahit nakapag warm up exercise kami. Hindi lang talaga sanay ang katawan ko sa ganun.

Naalala ko na naman ang ipinagawa sa amin kahapon. Nang matapos namin ang pagtakbo ay pinagawa ulit sa amin ni Sir Callum iyon pagkahapon. Halos lahat na nga kami gustong sumuko pero pinili naming hindi gawin iyon para hindi maparusahan.

Napahimas na lang ako sa aking kanang tuhod dahil ilang beses din akong nadapa. Mahina akong napadaing dahil hindi pa gumagaling ang mga natamo kong pasa. Hindi naman ako lampa pero sadyang nakakapagod lang talaga ang training namin kaya ganoon ang nangyari.

Kaya pagkabalik na pagkabalik ko pa lang sa aming silid kagabi ay agad na akong sumalampak sa aking kama at natulog. I remembered that I haven't eaten my dinner last night that's why I immediately stood up. I'm starving and I need to eat.

Kahit parang gusto ko pang manatili na lang sa aking higaan ay pinili ko pa ring bumangon. We need to attend every training and if not, there will be some severe punishments.

Unti unti kong hinakbang ang aking paa habang nakahawak sa pinakamalapit na upuan para hindi ako matumba. Sumasakit pa rin ang likod at hita ko pero pinilit ko pa ring maglakad. Pangalawang araw pa lang ito pero ganito na ang hirap na nararanasan namin.

Ano pa kayo ang mangyayari sa susunod?

I slowly walked towards the balcony with heavy footsteps. Naririnig ko na ang boses ni Ophelia na parang may sinasaulo. Lumapit pa ako at narinig ko na ang mga katagang binabanggit niya.

"Rule number one. Students are not allowed to leave the Stronghold unless they are given the permission to do so," wika ni Ophelia habang nakadungaw siya mula sa balkonahe ng aming silid. Umalon ang buhok niyang kakulay ng buwan nang dumaan ang hangin.

Instantly, a memory struck me. My hunger surprisingly vanished. I began to panic when I remembered that we were supposed to memorize the seven rules of the academy. Bad news, I suck at memorizations.

Hindi ko nga alam kung bakit pinapasaulo sa amin ni Sir Callum ang mga tuntuning iyon. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil hindi ko nasimulan iyon dahil nakatulog ako kaagad kagabi.

Kung hindi sana ako nakatulog, baka naalala ko pa na may ipinapagawa sa amin ang aming guro. Baka nasaulo ko na sana ang pito. Pero wala eh, nakatulog kaagad ako.

Pero hindi naman ako makakatulog kung hindi ako napagod ng husto. Kasalanan ito ni Sir Callum eh. Pero wala naman akong karapatang sisihin siya dahil parte ito ng training namin. Napasabunot na lang ako sa aking buhok dahil sumasakit na ang ulo ko sa dami ng mga bagay na tumatakbo sa aking isipan.

Mukhang naramdaman na rin ni Ophelia na nasa likuran niya ako kaya lumingon siya sa aking direksyon. Isang nagtatakang mukha ang bumungad sa akin pagkalingon niya. "Good morning?" mahina at nag-aalinlangan niyang bati sa akin habang sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa.

Nakaramdam ako ng hiya kaya tinigil ko ang pagsabunot sa aking sarili at tumalikod muna para ayusin ang magulo kong buhok.

"There is a scroll on your bedside table. Nakalagay doon ang mga rules sa academy. You still have an hour to memorize them," nahihiya niyang wika at pilit na ngumiti. I faced her first before thanking her. Ophelia is really shy but I know that soon, she'll learn how to move out of her comfort zone.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon