12. Gemstone

9.2K 511 30
                                    

The red haired girl ran quickly towards the blood ruby. She was running as fast as a bullet. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang matinding pagnanais na makuha ang diyamante. Pero hindi ko hahayaang mapunta iyon sa kanya.

I breathed heavily as overflowing water materialized from thin air and came rushing to my right hand. Nang makita kong umiilaw ang aking kamay ay agad kong itinutok ang aking pana sa langit. Mula roon ay nagkaroon ng isang malaking palasong gawa sa kumikinang na asul na tubig.

"You can't defeat me through that useless arrow," pang-iinsulto ng babae sa akin habang hinahampas ang dalang latigo. Ilang metro na lang ay makukuha na niya ang gemstone.

"We'll see about that," panggagaya ko sa linya niya kanina. Nakita ko namang kumunot ang kanyang noo at nagsalubong ang dalawa niyang kilay. Mukhang nagalit siya sa sinabi ko. Well, I'm not afraid anyway.

"Bring it on, bitch!" malakas niyang sigaw at binilisan pa lalo ang pagtakbo. Nasa likuran niya lang ang dalawa niyang kasamang halatang ipinapaubaya sa kanya ang laban.

I breathed twice before pointing the arrow at her. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili sa kabila ng lahat ng nakakainsulto niyang salita. I need to be calm so I can win the gemstone for me and my comrades.

Nang mapasulyap ako sa kanya ay nakita kong sinuklian niya lang ako ng isang nanghahamong tingin. Nang maitutok ko ng maayos ang palaso ay mabilis kong iniba ang direksyon nito. Hindi niya inaasahan ang gagawin ko kaya natigilan siya sa pagtakbo. Buong akala niyang tatamaan siya nito pero lumipad lang ang aking palaso patungo sa kalawakan.

Nabalot ng pagtataka ang mukha ng babae pero napalitan din iyon ng isang ngisi. "You missed," natatawa niyang wika habang matalim pa ring nakatitig sa akin. I just smiled sweetly in return before speaking. "No, I didn't."

"Arrow Rain!" malakas kong sigaw habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Amidst the darkness, an intense blue light began to sparkle. Sa pagpatak ng bawat segundo ay dumadami ang bilang nito sa langit. Nang mapako ang aking tingin sa aking kalaban ay nakita ko kung paano siya kinabahan habang nakatingin sa itaas.

"Release," I silently whispered. Nagsiliparan papunta sa direksyon ng kalaban ang sandamakmak na palasong gawa sa tubig na kumikinang kagaya ng isang totoong bituin. Napangiti ako dahil nagbunga na rin sa wakas ang pag-eensayo ko kasama si Goddess Maya. This attack was one of the advanced techniques taught by the goddess. Nahirapan akong matutunan ito dahil malaki ang nababawas nito sa aking enerhiya. Komplikado man pero malakas ang atakeng ito.

Maari itong ihambing sa mga makikintab na bulalakaw na nahuhulog sa lupa. I can't help not to be amazed while watching the shower of arrows. It was beautiful, yet deadly.

Kinuha ko ang oportunidad na iyon para tumakbo palapit sa platform. Nakita kong nahihirapang umiwas ang babae at ang dalawa niyang kasama dahil masyadong mabilis ang pagbulusok ng mga palaso sa kinaroroonan nila. Nagkaroon na rin sila ng mga sugat at hiwa sa iba't ibang parte ng kanilang katawan.

Binilisan ko pa ang aking pagtakbo dahil paubos na ang mga palaso ko. Ilang pulgada na lang ay makukuha ko na rin ang inaasam naming diyamante. Pero bago mangyari iyon ay may mga makakapal na baging na biglang pumulupot sa aking kanang paa. Nakita kong gawa ito ng lalaking may hawak na staff na umiilaw ngayon ng luntiang liwanag. Hinila ako nito kaya malakas akong bumagsak sa lupa. Agad akong gumawa ng water dagger para putulin ang baging. Pero bago ko pa magawa iyon ay iwinasiwas na ako nito sa ere at itinapon palayo sa diyamante.

Nang bumagsak ako ay napasigaw na lang ako ng malakas. Parang mababalian ako ng wala sa oras. Nagkaroon ako ng mga pasa sa katawan. I can also smell the metallic taste of blood in my mouth. Pero sa kabila ng lahat ay buong lakas ko pa ring sinubukang tumayo.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon