13. Tragic

9K 467 24
                                    

Mataas na ang sikat ng haring araw pero patuloy pa rin kami sa paghahanap. Ilang oras na rin kaming naglalakad pero parang hindi kami nakakaramdam ng pagod. We were really desperate to find two more blood rubies.

"Blaire, gusto mo bang ibalik ko na sa iyo ang diyamante? Kakayanin ko pa namang maghanap ng isa," nahihiyang tanong sa akin ni Ella. Hindi ko mabilang kung ilang beses na niyang itinanong sa akin ito.

Pagkatapos kasi naming mapanalo ang laban kanina at makuha ang blood ruby, napagdesisyunan kong ibigay kay Ella ang diyamante. It wasn't because of the fact that I did it out of guilt because I have them worried about me when I went missing. But because my instinct is telling me to do it. Others may call my selflessness a weakness of mine, but I consider it a strength. Ayaw kong inuuna ang sarili ko.

"Haha ang kulit mo talaga, Ella. Sa iyo na yan. Remember, walang bawian!" Tugon ko sa kanya. Nakita kong nahihiya siyang yumuko habang hinahawi ko ang mga nakaharang na halaman sa aming paligid.

"Pero naniniwala akong finders keepers, eh," reklamo niya at napakamot sa kanyang batok. Hindi na lang kami pinansin ni Raiden na halata rin sa mukha niyang nakukulitan siya sa pinaggagawa ni Ella. He also understood my motives of letting my friend have the ruby and I silently thanked him for that.

"Basta ayaw ko nga. Kapag binalik mo sa akin yan, hindi na kita tutulungan sa lovelife mo sa future," biro ko sa kanya kaya bigla siyang natahimik. I didn't think that she would take this seriously.

"Sige na nga. Di bale, may Raiden ka rin naman Blaire eh. Ang swerte mo talaga!" wika niya. Babatukan ko sana siya pero nakaiwas agad siya habang tumatawa pa. Mabuti na lang at hindi iyon narinig ni Raiden. Kung ano-ano na lang kasi ang lumalabas sa bunganga ni Ella.

Hahabulin ko pa sana siya pero natigilan kami nang makarinig kami ng boses na umiiyak. Parang nanggaling ang boses mula sa isang batang babae. Agad kaming tumungo sa punong nasa kaliwa dahil parang doon nagmumula ang pag-iyak.

Nagulat ako nang biglang kumapit si Ella sa kaliwang balikat ko habang nanginginig. Ang lamig ng kamay niya. "Huwag na kaya nating puntahan, Blaire. Baka multo iyon," bulong niya sa akin. Muntik ko nang makalimutan na takot pala si Ella sa mga multo.

"Check na lang muna natin," wika ko at nakita ko siyang napalunok. Pakiramdam ko kasing hindi multo ang nandoon. Parang may nangangailangan ng tulong.

Nauna na si Raiden at sumunod ako sa kanya sa paglalakad. Nang makalapit kami sa puno ay agad naming tinignan kung ano ang nasa likod nito.

Isang maliit na batang babae ang nakita naming umiiyak habang nakatingin sa isang lalaking duguang nakahiga sa lupa. Nakita ko rin ang bangkay ng isang hindi matukoy na halimaw. Mukhang napalaban ng husto ang lalaki kaya duguan na ito ngayon at nag-aagaw buhay na. Nanlumo ako nang may makita akong itim na enerhiyang umiikot sa katawan niya.

Nakita ko kung paano lumuhod ang babae sa tabi ng lalaki habang humihikbi. "Kuya Eros, huwag niyo akong iwan," humahagulgol na wika ng babae habang nakaluhod sa tabi ng lalaki. Naawa ako sa kalagayan niya ngayon dahil naalala ko ang panahon na ipinagtanggol ako ni Kuya Adam sa mga Crimson Knights.

Agad akong bumaling sa mga kasamahan ko nang maalala ko na may pwede pa kaming gawin para mailigtas ang kuya ng batang babae. "Ella, we need to do something," wika ko kay Ella at nakita ko lang siyang umiling.

"Sorry, Blaire. Hindi ko magagawang pagalingin siya dahil isang itim na mahika ang puminsala sa kanyang katawan. Hindi ko siya kayang gamutin gamit ang simpleng healing spell ko. I'm sorry," malungkot niyang tugon. Nalungkot naman ako nang malamang wala ng pag-asang mabuhay pa ang nakatatandang kapatid ng batang babae.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon