20. Beginning

8.3K 428 70
                                    

Asher responded with a genuine smile as he led me to the first table on my right, covered in a glittery white linen. Nabigla ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang aking kanang kamay habang inaalalayan akong pumunta roon.

"Looks like destiny led you to me," bulong niya sabay kindat sa akin. I rolled my eyes immediately. Playboy alert.

Hindi ko na nagawang sumagot pa sa kanya dahil sinalubong na rin ako ng mga estudyanteng kapareho ko ng House. They greeted me warmly and some even embraced me. Nakahinga naman ako ng maluwag nang maramdaman kong tanggap nila akong lahat bilang isa sa mga bagong miyembro ng grupo nila. My nervousness vanished because of that.

Pagkatapos noon ay bumalik na rin sila sa kani-kanilang mga pwesto habang ako ay nanatili pa ring nakatayo. Almost all of the seats were occupied and I got trouble finding the right one for me. Nagulat ako nang may taong mahinang humila sa akin para mapaupo ako. Nang tignan ko kung sino iyon ay si Asher lang pala.

"You can sit beside me whenever you like," wika niya habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mukha. Hindi ba siya nangangalay sa kakangiti?

"Okay." Iyon na lang ang aking sinagot bago ko itinuon ang aking pansin sa harapan. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako kapag kinakausap ako ni Asher. Hindi lang yata ako sanay sa pagtrato niya sa akin.

I'm not really a sociable type of person dahil si kuya lang ang nakakausap ko noon sa amin. Hindi rin kasi mahilig lumabas ang mga ibang bata noon kaya wala akong naging kaibigan. But I consider myself lucky nang makilala ko si Selene. I smiled when I remembered the time she invited me to help her create a snowman while I was wandering around town. I was shy at first but she managed to convince me. And that's the start of our friendship.

Pero nalungkot ako nang maalala ko ang kinahahatnan niya. I brushed my memory away so I can temporarily forget the pain.

Maraming pangalan na ang tinawag at nadadagdagan na rin ng miyembro ang House namin. Pero nakapagtataka lang dahil parang wala pang napupunta sa House Imperium. Kaunti lang ang miyembro nila sa puntong mabibilang ko lang sila gamit ang aking mga daliri.

"Asher, pwede magtanong?" bungad ko sa kanya pagkatapos ko siyang tapikin sa balikat. Mabilis siyang lumingon sa akin pagkatapos kong gawin iyon.

"You're already doing it," sagot niya sa akin kaya inirapan ko siya ulit. Napatawa naman siya sa inasal ko kaya napasimangot na lang ako bigla. Naaalala ko sa kanya si Kuya Adam dahil mahilig din niya akong asarin at pagtawanan kagaya ng ginagawa ni Asher ngayon.

Tumigil siya sa pagtawa pagkatapos ng ilang segundo at muli akong hinarap. "You're free to ask," he said while flashing a smile that showed his pearly white teeth. That's the time when I realized that he looks so freakingly gorgeous. His light brown hair looks soft and I envy his flawless skin. His physical features were near to perfection. But his playful and crazy personality won't work on me.

Huminga muna ako ng malalim para pigilan ang kagustuhan kong batukan siya. "Bakit kaunti lang ang miyembro ng House Imperium?" tanong ko sa kanya. Magsasalita na sana siya pero napuno na naman ang hall ng palakpakan kaya naghintay siya ng ilang segundo para sagutin ako.

"The qualifications were pretty high that's why only a few managed to be sorted there. Bihira ring magkaroon ng bagong miyembro roon," sagot niya sa akin. Napalingon naman ako sa mesa ng Imperium at masasabi kong malalakas nga ang mga nakaupo roon. The intensity coming from their table was suffocating me kaya mabilis kong binawi ang aking tingin.

"Gale Harper. House Imperium!" malakas na anunsyo ni Chief Zero na sinabayan ng dumadagundong na hiyawan. Literal akong napanganga habang tinitignan ang pagbabagong anyo ng uniporme ng lalaki. Golden linings were now embroidered on his tunic as he walked towards the golden table. Towards greatness.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon