18. Choice

8.3K 425 17
                                    

Hinayaan ko na lang na dalhin ako ng daloy ng buhangin. Grabe ang pagkangawit ko sa unang pagsubok. Pero laking pasasalamat ko pa rin dahil nagawa kong sagutan ang lahat ng itinanong sa akin.

Nang tuluyan na akong makalabas ng ligtas ay nilamon namon ako ng puting sahig. Patuloy ang paghila sa aking katawan pababa.

Suddenly, I was lying flat on the ground. Dahan dahan akong bumangon habang pinagmamasdan ang aking kapaligiran. Everything was dark, gloomy and scary here. Parang napunta ako sa kalawakan pero walang bituin dito. Kadiliman lang din ang tangi kong nakikita. Kabaliktaran ito ng lugar na pinanggalingan ko kanina.

Kinabahan ako bigla. Napahawak ako sa aking dibdib at naramdaman ko ang paglakas ng tibok ng aking puso. Huwag niyong sabihing nabulag ako?

Napagpasyahan kong maglakad kahit hindi ko alam kung saan ang aking patutunguhan. Pilit ko ring pinapakalma ang aking sarili at humihinga ng malalim. Praning lang talaga ako, hindi naman ako mabubulag ng walang dahilan.

I started to hum a tune while walking. Humming helps me relax. The silence was also deafeaning that's why I broke it. Napayakap din ako sa aking sarili dahil sa lamig kahit wala namang umihip na hangin sa dimensyong ito. Nagulat din ako dahil biglang gumaan ang aking loob. The darkness may seem dull but it calms me. Ngayon lang ulit ako nakaranas ng kapayapaan at katahimikan.

Out of the blue, a memory began to appear inside my mind. Iginala ko ang aking paningin habang pinapakiramdam ang buong paligid. The place looks exactly the same in my dream. Ang lugar sa aking panaginip kung saan ko nakausap ang isang bituin bago magsimula ang trial.

As I smiled at that thought, something started to twinkle from afar. Ihinarap ko ang aking paningin doon at napatakip na lang sa aking mata dahil sa nakakasilaw na liwanag na bigay nito. A star was shimmering in front me.

It was like the star I saw in my dreams. Mabilis akong tumakbo papunta roon habang habol habol ang aking paghinga. This star keeps on giving me hope and faith everytime I see it. And I badly need those right now.

Papalapit na ako sa bituin at hindi ko nagawang magpahinga kahit pagod na ako sa kakatakbo. Hindi ko alam kung gaano kalayo na ang narating ko. I just want to reach out to the star.

I stopped for a while when I'm a few meters away from it. Nagpahinga muna ako saglit para maibalik sa normal ang aking paghinga. Pagkatapos kong gawin iyon ay naglakad na ako papalapit sa bituin.

I expected it to speak but it didn't. Naalala ko namang nasa loob pa pala ako ng evaluation test. Kinakabahan man sa kung ano ang kinalalabasan kapag hinawakan ko ito, napagpasyahan ko pa ring gawin ito. With a deep breathe, I slowly reached out to it.

I always wanted to touch the stars. At sa tingin ko ay mangyayari na ito ngayon.

Nang lumapat ang mga daliri ko sa bituin ay nakaramdam ako ng enerhiya na dumaloy dito papunta sa aking buong katawan. Bigla akong nakaramdam ng matinding sakit kaya napasigaw na lang ako ng malakas. Parang sinusunog ang bawat parte ng aking katawan na kagagawan ng paghawak ko sa bituin.

Pilit kong binabawi ang aking kamay pero hindi ko ito maigalaw. Hindi ko rin maikilos ang aking buong katawan. I was frozen in place with a burning energy, coursing through my body and bringing pain everywhere.

Isang minuto ring napuno ng sigaw at hiyaw ang madilim na lugar. A force suddenly pushed me away kaya tumilapon ako ng ilang metro. Nanghihina akong bumangon gamit ang dalawa kong kamay kaya nasubsob ako sa sahig. I'm drained out of energy.

Nanginginig akong tumingala sa bituing ngayo'y nagniningning ng napakaliwanag dahil sa ninakaw nitong enerhiya mula sa akin. At ikinasindak ko nang magbago ito ng anyo at naging tao. And she exactly looks like me. With the same black combat suit and appearance.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon