10. Raiden

11K 595 113
                                    

I tried to calm down after hearing that last word. Maghunos-dili ka Blaire! He's just playing around!

Nag-aalinlangan pa rin ako kung hahayaan ko ang lalaking itong gamutin ang kaibigan ko. Mahirap nang magtiwala ngayon. Nasa loob kami ng isang pagsubok kung saan hindi namin alam kung sino ang kaaway at kung sino ang kakampi.

But my instincts are telling me to trust Raiden. When I first saw him, gumaan bigla ang loob ko. I can feel that he's a good person in the inside even though he's serious, cold, and mysterious. At kahit na kung ano ano ang pinagsasabi niya.

Naniniwala akong may magagawa siya upang pagalingin si Ella.

Huminga muna ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili bago magsalita. "Do everything to save my bestfriend," matatag ngunit malungkot kong saad sa kanya. He didn't bother to look at me when I said that but his face softened slightly.

Lumapit siya sa kinaroroonan ni Ella at lumuhod sa gilid nito. Kinuha ni Raiden ang maliit na satchel na nakasabit sa kanyang likuran at may kinuha siya mula roon. Isa iyong maliit na boteng may lamang berdeng likido.

"A healing potion," bulong ko habang pinapanood si Raiden sa kanyang susunod na gagawin. Binuksan niya ang bote at ipinainom kay Ella ang natitirang kalahating laman nito. Pagkatapos niyang gawin iyon ay mabilis kong nilapitan si Ella. Bumalik ang normal na tibok ng kanyang puso at umayos na ang kanyang kalagayan. Umaliwalas na rin ang kanyang mukha dahil sa natanggap na lunas.

"She'll wake up after a few hours. She needs enough sleep and rest," wika niya kaya tumango ako. Tinulungan niya akong buhatin si Ella patungo sa isang kumpol ng mga dahon para roon ihiga ang aking kaibigan.

"Maraming salamat, Raiden," bukal sa puso kong litanya sa kanya. May natitira pa talagang mababait na tao sa mundong ginagalawan namin ngayon.

Nagulat ako nang bigla niya akong talikuran at nagsimulang umalis. Aba, parang hindi naman yata makatarungan iyon! Binabawi ko na ang lahat ng mga papuring sinabi ko.

Babalikan ko na sana si Ella pero nakita ko ang mga sugat na nakuha ni Raiden sa nakaraang laban. Nag-alala naman ako sa kanyang kalagayan. Binigay niya kay Ella ang natitirang laman ng healing potion kaya wala nang natira sa kanya.

"Raiden! Okay ka lang ba?" wika ko habang tumatakbo papunta sa kanya. Nakita ko ring nahihirapan siya sa paglalakad dahil may sugat siya sa paa.

Nang maabutan ko siya ay hindi niya manlang ako pinansin. Ipinagpatuloy lang niya ang paglalakad habang nakatingin sa harap. Ang suplado niya talaga! Kahit may utang na loob kami sa lalaking ito ay naiinis pa rin ako sa kanya.

"Please stop for a while so I can heal your wounds," nag-aalala kong pakiusap sa kanya dahil naaawa na ako sa kalagayan niya. May puso rin naman ako kaya tutulungan ko talaga ang mga taong sa tingin ko ay nangangailangan ng tulong, at gagawin ko iyon sa abot ng aking makakaya.

"I don't need your pity," seryoso niyang sagot sa akin habang nakatingin pa rin sa harapan. Mainit ba talaga sa akin ang dugo ng lalaking ito?

Parang kanina lang ay may tinawag siya sa aking endearment. Bipolar yata 'to.

Namula naman ako dahil sa mga pinag-iisip ko.

Tigilan mo na ang pagharot, Blaire!

"Bakit ba ayaw mo? Tinutulungan ka na nga ng tao eh!" Hindi ko na talagang mapigilan ang sarili ko kaya nasigawan ko na siya. Naiinis na rin ako sa kanya, ang tigas tigas kasi ng ulo. Hindi ko alam kung bakit mabilis maubos ang aking pasensya kapag kaharap ko ang lalaking ito. I'm just concerned of his welfare.

Natigilan naman si Raiden dahil sa sinabi ko. "Tsk. Fine!" rinig kong wika nito na halatang napipilitan at nagtitimpi ng galit. Tumungo siya sa isang puno at doon sumandal habang nakatingin sa akin ng matalim. Napalunok na lang ako at umiwas ng tingin.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon