19. Purity

8.4K 443 59
                                    

Tahimik na naglalakad ang isang lalaki habang hawak hawak nito ang kanyang staff. Nasa likuran niya ang isang magandang babae at lalaking may matipunong pangangatawan.

Halatang nainis ang babae sa ginagawa ng lalaki kaya sinermunan niya ito. "Zero, can you please stop pacing back and forth for atleast a minute?" naiiritang utos sa kanya ng babae. Tumigil naman agad ang lalaki at napatitig na lang sa entablado.

"Dont mind me, Adelaide," seryosong sagot nito sa babae habang nakatingin sa harap. Umangat ang kilay ng babae dahil sa sinabi ni Zero. Hindi niya inaasahang sasagutin siya nito.

"I told you not to call me by that name," matalim niyang babala kay Zero. Annoyance is evident in her voice. Ayaw niya talagang tinatawag siya sa buo niyang pangalan.

Malakas na napaubo ang isa pang lalaki upang pigilan ang tensyong namumuo sa gitna ng dalawa. "Not the right time to argue," mahina nitong pahayag at sinuklian naman siya ng nakakamatay na titig ng dalawa. Napalunok na lang siya dahil doon.

"Shut up, Callum," mataray na wika ni Adel at napairap na lang sa lalaki. Mahinang napatawa si Callum na halatang sanay na sa ugali ng mga kaibigan niya.

They were currenly inside the Ceremonial Hall. Hinhintay nila si Zero dahil hindi pa rin ito umaalis doon kahit lampas isang oras na ang nakalipas nang magsimula ang initiation rites.

Its normal duration is a minimum of thirty minutes and a maximum of one hour. Once the survivors enter the test, they will lose track of time.

"Sino pa ba ang hinihintay mo, Zero? Kanina pa dapat natapos ang pagsubok ah," nagtatakang tanong ni Callum sa lalaking malalim pa ring nag-iisip. Kilala niya kasi si Zero at alam niyang ayaw nitong pinapahintay ng matagal. If something forces him to wait, then maybe it is really important.

Hindi siya sinagot nito kaya napatitig na lang siya sa barrier kung saan nakalagay ang pangalan ng mga nakatapos na. Bakas sa mukha ni Callum ang pagkamangha dahil halos lahat ng mga kasali ay nakaligtas. Except one.

Naging mas mahirap ang evaluation test simula noong itinayo ang Crimson Empire kaya konti lang ang nakakapasok sa akademya. Pero ngayon ay napabilib na lang ng husto si Callum dahil dumoble ang bilang ng mga nakapasa. At higit sa lahat, humanga siya sa mga estudyanteng napabilang sa House kung saan konti lang ang miyembro dahil tanging mga malalakas at makakapangyarihang magicae lang ang nakakapasok. Ang House Imperium.

Sa pag-iisip ng tatlo ay hindi nila namalayang may biglang lumitaw na ilaw sa gitna ng entablado. Nauna itong nakita ni Callum kaya agad din niyang ipinaalam sa kanyang dalawang kasama. Pagkatapos nun ay sabay nilang sinuri ang pinanggagalingan nito.

The light came from a female's body. She was covered with golden dusts and shimmering light while she's floating unconsciously in mid air. Nakapikit ang mga mata niya at halatang napagod ng husto sa naranasang pagsubok. Pero sa kabila noon ay kitang kita pa rin ang malaanghel nitong mukha at ang kanyang nakakahumaling na kagandahan.

Lumipas pa ang ilang sandali ay may lumitaw na dalawang simbolo sa paligid ng babae. A heart inside a silver vial and a golden star enclosed in a circle. The symbols of Magnus and Imperium.

Gulat na gulat ang ekspresyon ng mukha nila Adel at Callum habang tahimik lang na nakatingin sa harapan si Zero.

"How did you know?" mahinang tanong ni Adel kay Zero na agad din naman niyang sinuklian ng ngiti. Napatunayan na rin niyang hindi siya naghintay sa wala.

"I just did," simpleng sagot nito habang unti unting lumulutang pababa ang katawan ng dalaga. Dumaan ang ilang segundo ay tuluyan na ring nawala ang gintong liwanag na bumalot sa kanya kanina.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon