7. Mysterious

11.6K 652 69
                                    

ELLA

Habol habol ko ang aking paghinga habang patuloy pa ring nakikipaglaban sa mga cobalus. Nag-aalala na ako sa kalagayan ni Blaire dahil nakita ko siyang nahulog sa ilog. Kanina ko pa hinihintay na umahon siya roon pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Gustuhin ko mang puntahan siya at tulungan pero hindi ko magawa dahil pinalilibutan ako ngayon ng sandamakmak na cobalus.

Tagaktak ang pawis sa aking katawan at madami na ring mga sugat ang aking natamo. Hindi na ako makalakad ng maayos pero hindi ko hahayaang dito na magtatapos ang buhay namin ng aking kaibigan. I need to fight.

Nakita kong papasugod na ang mga goblins kaya agad kong itinutok ang aking wand sa mga sandatang nakakalat sa damuhan at nagbigkas ng spell. "Telekinetic!"

Unti unting lumutang ang mga sandata sa aking paligid. Kinontrol ko ang mga iyon at mabilis na itinuro sa mga kaaway. I sent the weapons flying towards the goblins. Nakita ko kung paano tumarak ang mga iyon sa kanilang katawan na siyang nagdala sa kanilang kamatayan.

Many goblins vanished but I'm still outnumbered. I tried to cast another spell but nothing happened. The magic I used in casting my last spell depleted my whole stamina. Masyadong maraming enerhiya ang nagamit ko at ngayon, konti na lang ang aking natitirang lakas.

Sa aking pag-iisip ay hindi ko namalayan na natamaan na pala ako ng isang dagger. Nakaramdam ako ng matinding hapdi sa aking kaliwang braso at nang hawakan ko iyon, nakita kong nagdurugo ito. Napahiyaw na lang ako sa sobrang sakit dahil malalim ang sugat na aking nakuha. Nararamdaman ko rin ang mabilis na pagtakbo ng mga goblins patungo sa akin. Tila sabik na sabik silang pumatay at kumitil ng buhay.

Napahiga na lang ako sa damuhan at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. I don't want to die. I still want to see my family again. But the question is, may pag-asa pa bang makaligtas ako upang ipagpatuloy ang aking buhay?

As I stepped inside this trial, I know that death is inevitable and our lives are already at stake. Pero bakit napaaga iyong akin?

I'm already on the verge of giving up but suddenly, I heard a loud splashing sound. And when I opened my eyes, I can see a figure walking above the river.

Natigilan bigla ang mga cobalus sa pagsugod sa akin at doon na napunta ang kanilang atensyon sa babae. Agad naman akong nakahinga ng maluwag dahil nakaligtas ako sa bingit ng kamatayan.

Napatingin ulit ako sa direksyon ng babae at napansin kong pamilyar siya. Oh my G, is that you Blaire?

Nakita ko ring napatitig sa akin yung babae at ngumiti. Hindi nga ako nagkakamali!

But something caught my attention. Nakita kong nagbago ang kulay ng kanyang mata. It was now blue gray and when the sunlight met her eyes, they almost looked silver. There is something special with those intense eyes of hers. It looks regal and somewhat ancient.

Nawala ang aking pagkamangha nang makita kong sabay sabay na sumugod ang mga goblins sa kinaroroonan niya. Kinabahan ako para kay Blaire dahil baka hindi niya kayanin ang mga kalaban. Ngunit naisin ko mang tulungan siya, hindi ko naman magalaw ang katawan ko dahil sa sobrang sakit.

Bago pa atakihin si Blaire ng mga kalaban ay itinaas na niya ang kanyang kanang kamay sa ere. Sa una ay wala akong nakitang kakaiba pero nakaramdam ako ng malakas na puwersang nanggagaling doon.

Nagulat ako nang gumalaw bigla ang tubig sa ilog. May namuong tatlong maliliit na whirlpool doon. Sa paglipas ng bawat segundo ay lumalaki ang mga whirlpool. Nakita kong ginalaw ni bestie ang kanyang kanang kamay kaya awtomatikong sinalubong ng mga whirlpool ang mga paparating na goblins.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon