37. Devil

7.7K 335 55
                                    

Ni kahit isang beses ay hindi lumingon si Topher habang paalis kami sa Palace. My hands were instantly unshackled the moment we stepped outside the Head’s chamber. Pero ngayon ay nahihirapan kong sabayan ang bilis ng lalaki sa paglalakad. I can feel the anger he’s trying to conceal. Napadaing ako dahil nakakaladkad na niya ako paminsan-minsan. His grip on my wrist remained firm but the moment he clenched it too tight, I let out a low whimper.

“Nasasaktan ako,” sabi ko sa kanya. I saw him paused while still clutching my hand. Nakatalikod pa rin siya sa akin. I couldn’t stand his grip any longer that’s why I forcefully pulled my hand away from him. Nang mabawi ko ang aking kamay ay marahan kong hinimas ang aking namumulang balat.

I heard him tsk afterwards. Nakayuko lang ako habang hawak ang namamaga kong pulsuhan. Pero pumantig ang aking tenga nang marinig ko kung ano ang ibinulong niya sa kanyang sarili.

“Bakit kailangan niya pang magising?”

My heart broke into a thousand little pieces when I heard what he said. Kung kanina ay nagawa ko pang tanggapin ang lahat ng masasakit at mapapait niyang sinabi tungkol sa akin pero ngayon ay hindi ko na kinaya. How could he easily manage to wield his words as a sword that would wound me and leave a scar for eternity?

Kagaya ng mga patak ng ulan, mabilis at tuluy-tuloy ang pagdaloy ng aking mga luha palabas sa aking mga mata. At parang nakiramay din ang panahon dahil naramdaman kong nagsisipatakan na rin ang mga butil ng tubig mula sa mga makakapal na ulap sa kalangitan.

“Wala kang karapatang kuwestiyunin ang kagustuhan kong mabuhay.”

For the first time, I met Topher’s penetrating stare. His sharp silver eyes remained void of any emotion while he looked at me, face wet with tears and raindrops. Pero ngayon, hindi ako ang naunang umiwas ng tingin. Topher then turned his back at me before he started to leave.

Wala na akong pakialam sa hitsura ko ngayon sa ilalim ng malakas na pagbuhos ng ulan. I looked upward and breathed heavily to ease the emotional pain that I’m enduring. Bago pa mawala ang pigura ni Topher sa aking paningin ay sinundan ko na ang lalaki. Nakawala man ako sa posas, hindi pa rin ako malaya dahil nakagapos naman ako sa lalaking ito. I’m tied with the devil that will surely make the next days of my life a living hell.
_____

Malapit nang maghatinggabi pero wala pa ring balak si Topher na tumigil sa pag-atake sa akin. The training started early in the afternoon and we were still brawling non-stop at this late in the evening.

Hindi ko nga matawag na pakikipaglaban ang ginagawa namin ngayon dahil si Topher lang ang umaatake. Hindi ko magawang makahanap ng tamang pagkakataon para bumawi sa kanya dahil mabilis ang kanyang pagkilos na hindi ko halos masabayan. He was just a blur when he exhibited those movements at magugulat na lang ako na may masakit na sa akin dahil hindi ko napansing tinamaan ako ng iba niyang mga tira.

Nang sundan ko si Topher kanina ay nakarating ako rito sa Training Ring, ang parte ng akademyang hindi ko pa nagawang puntahan. Kagaya rin ito ng lugar kung saan kami sinanay noon ni Sir Callum pero imbes na hugis parisukat ay pabilog ito. Sapat din ang espasyo sa lugar para makagalaw ng mabuti at tamang-tama para sa training namin. Dahil kapag malapit na akong makorner ni Topher ay ginagamit ko ang lawak ng lugar para makatakbo at umiwas kagaya ng ginagawa ko ngayon.

Pero kahit nakita kong nairita na ang lalaki sa aking ginagawa ay patuloy niya pa rin akong hinahabol at pinapaulanan ng sunud-sunod na sipa at suntok. Tahimik pa rin siya simula pa kanina nang walang babala niya akong sinugod kaya napilitan naman akong depensahan ang aking sarili.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon