34. Ill

6K 305 14
                                    

ELLA

I never felt this happy and free my whole life! Damang-dama ko ngayon ang preskong hangin habang lumilipad ako kung saan-saan sa loob ng Quadrangle. Mabuti nga at nakokontrol ko na ang kaninang makukulit na winged sandals kaya maayos na ang paglipad ko. I am also thankful dahil sa sobrang lawak ng Quadrangle ay nagagawa ko ang lahat ng aking gusto nang hindi napapahamak at nabubunggo sa mga haligi.

Marami-rami na rin ang nakakakuha ng tamang paraan ng paglipad gamit ang sandalyas pero may natitira pa ring hindi marunong. Napapatawa na nga lang ako paminsan minsan kapag may nakikita akong Novititate na pagewang-gewang kung lumipad. I chuckled softly when other epic scenes of my fellow Novitiates come flashing inside my brain. 

"Ella! Care to help?" Natigil ako sa aking ginagawa nang makita ko si Gale na hindi pa rin nagagawang palutangin ang sarili kahit suot na niya ang mga sandalyas. Tahimik akong napabungisngis nang maalala ko ang hitsura ni Gale kanina habang pilit niyang sinusuot ang nagpupumiglas na pares. 

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Gale bago siya magsalita ulit. "Tatawa ka na lang ba diyan? Tulungan mo na ako please," rinig kong pagmamakaawa niya sa akin na parang batang pinipilit ang kanyang ina na bilhan siya ng isang laruan. 

"I believe that you can manage to do it without my help, Mr. Harper," sagot ko sa kanya na parang nanunukso. Ewan ko nga kung ano ang aking nakain kaya naging hyper ako. Basta ang saya saya ko lang ngayon. Walang basagan ng trip! 

"I tried pero ayaw talaga. May sira yata ang sandals na nahuli ko," wika niya habang kinakamot pa ang kanyang batok. I giggled mentally while looking at him. Ang cute ni Gale habang ginagawa niya iyon. He looks so helpless kaya nakaramdam ako ng konting awa. Pero hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito para tuksuhin siya bilang ganti sa panunukso niya sa akin noon. 

"May sira yung sandals? Baka nabigatan lang sila sa iyo, Galeby. Madami ka raw kasing baby fats," sambit ko habang lumilipad palapit sa kanya. Nakita kong namula ang tenga niya pero panandalian lang. 

"Baby fats? Baby lang walang fats," sagot niya na may kasamang kindat. Napataas naman ang kilay ko sa inasal niya. Aba, pafall si kuya! 

"Wow! Saan mo naman napulot ang mga linyahan mo, pare?" balik ko naman sa kanya habang nakakibit balikat. 

Kumurba ang isang mapaglarong ngiti sa mukha ni Gale nang marinig niya ang sinabi ko. "Eh saan pa ba? Dito lang naman iyon nanggaling," tugon niya sabay turo sa matipuno niyang bisig. He started flexing and showing off his biceps that's why I gulped due to uneasiness. Ano ba ang pinagagawa niya noong bata pa siya? His muscles are toned and his body is already shaped to perfection. 

"Naglalaway ka na naman ba, Ella? Saan na yung sinasabi mong baby fats?" tanong naman sa akin ni Gale kaya nabalik ako sa katinuan. I mentally slapped myself. Bakit ba ako natulala? Ayun tuloy, lumaki naman ang ulo ng lalaking iyon. 

"Eww! Yuck! Puro lang naman taba ang laman niyan. Ngayon malalaman mo na kung bakit kita tinatawag na Galeby! It's short for Gale at baboy!" Biro ko sa kanya na sinabayan ko ng pekeng pagtawa. Iyon na lang ang sinabi ko kahit hindi naman talaga mataba si Gale. Sadyang wala lang talaga akong maisip. Hindi ko na hahayaan ang sarili kong magpatalo sa kanya pagdating sa bangayan.

Napailing na lang si Gale nang marinig ang mga binitawan kong salita. "Tsk. Ella and her ways again. Gusto mo lang naman hawakan yung biceps ko kaya ganyan ka makatukso. You could have asked. Papayag naman ako. May kasama pang libreng hug at hawak sa abs." 

My cheeks burned and instantaneously changed its color into red. Tumalikod na lang ako dahil ayaw kong makita ni Gale na namumula ako. Bumilis bigla ang tibok ni Hearty. What the heck, Ella? Bakit ganito ang apekto sa iyo ng baboy na iyon? 

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon