Prologue

7.1K 127 9
                                    


The Past......

Sa kasalukuyan ay nagaganap ang digmaan laban sa mga Vampirel at Demonical sa kaharian ng Almaira.

"Mahal na reyna...malubha na po ang kalagayan ng ating mga kawal at ang ating kaharian, mukhang.....mukhang kailangan na nating sumuko!" Bigong turan ng isa sa mga kawal.

"Naduduwag ka na ba? Hindi tayo susuko, lalaban tayo hangga't kaya natin, depensahan ang tarangkahan ng kaharian!"turan ng reyna sabay ang pababago ng kaniyang mga mata na naging kasing pula ng dugo.

"Kailan man ay hindi mo ako maaaring diktahan!"pasigaw na turan ng reyna.

"Mmahal na reyna..."mahinang dagdag pa nito.

Maya-maya ay bumalik ang ulirat ng reyna at saka nito napansin ang kaniyang ginawa,dahil sa galit ay hindi na niya nakontrol ang kaniyang sarili. Huminga ito at minasahe ang kaniyang sentido.

"Patawad,sige kunin ang mga sugatang at dalhin sa ligtas na lugar, ang mga natitira ay papasukin dito saka ko sila ipupulong, tawagin mo na rin...si Javen..." Utos ng reyna.

"Masusuunod,mahal na reyna"maikling turan nung kawal.

Pagkaalis nito ay nagtungo siya sa kwarto ng kaniyang kambal na anak....ng biglang may sumabog tumakbo agad ito sa bukana ng palasyo at nakita niya doon ang hinang-hina niyang asawa.

"Alfredo!" sigaw nito ng makita niyang sinaksak ang kaniyang pinakamamahal na hari.

Lumingon ang hari sa kaniya at agad niya iyong linapitan sabay saksak at pagpatay sa kalaban.

"Hena...b-ba't nandito ka,ha?" Taning niya sabay hawak sa kanang pisngi ng umiiyak niyang asawa.

"Alfredo....kailangan mong maipagamot kaagad. Tulong! Tulungan niyo kami! Doktor, tawagin niyo ang doktor at kailangan ng hari ng...ng tulong...pakiusap..."turan ng reyna habang nagsisiunahan ang pagtulo ang mga luha nito.  Pinunas naman ang mga iyon ng hari gamit ang kaniyang hinlalaki, hinawakan na lang reyna ang kamay niya saka nito ipinikit ang kaniyang mga mata.

"Naniniwala ako na l-lalaki silang matatag at....m-malakas gaya mo...mahal ko...."nakangiting turan nito, hinalikan niya sa noo ang kaniyang asawa at saka ngumiti dito.

"Hindi...Alfredo, bakit ganyan ka magsalita? Hindi mo kami pwedeng iwan...huwag muna..."turan ng reyna pero umiling ito 'tsaka itinutok ang kaniyang kamay sa sugat ng lalaki.

"P-Patawad, aking Reyna..."nauutal na turan ng hari. Maya-maya ay bumitaw na ito ng hawak sa kaniyang pisngi at pumikit na.

"Alfredo...Alfredo...hindi...hindi pwede 'to....Alfredo!"sigaw ng reyna na umalingawngaw sa buong kaharian.

The Princesses Of AlmairaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon