[EDITING]Chapter 27: Against Herself

779 23 1
                                    

Hellaraye's Point of View
Nasaan kaya ako?Ang dilim naman ata,ang huling naaalala ko ay yung kasama ko na sina Hailey at.....oo tama nga ako ang kaniyang kakambal. At napakatanga ko talaga na hindi ko man lang nakumpirma yun ng mas maaga na kita naman dahil magkawangis kami.

"Mabuti naman at ikaw na nagising na rin"sambit na isang masungit na boses.Sino naman kaya ito.

"Who are you?"malamig kong turan. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha,talaga't napakadilim dito.

"Who am.....I?Well,ask yourself..... the real question is....WHO ARE YOU?"turan niya na nagpaisip sa akin.Who am I?Sino nga ba ako?

"I'm Hellaraye Sapphire Sandolvia" hindi ako makapaniwala na sinabi ko yun matapos ko iyong idiny(deny).

"Hahahaha....ikaw nga ba?"tanong niya na ikanakunot ng aking noo.Ako naman ito hindi ba?Ako naman it---......

May bigla lamang pumasok sa aking isipan...

Nakikita mo to?ito ang iyong puso Hellaraye,At wala kang nararamdamang emosyon maliban sa galit at inis sa ngayon ngunit masasaktan ka dahil hawak ko ang iyong puso.Hawak ko ang iyong buhay,ano man ang iyong gawin susunod ka sa akin.At wala kang magagawa.

Bakit bigla iyong pumasok sa aking isipan,di kaya may koneksiyon ito sa nangyayari ngayon?

"Hindi mo kontrolado sarili mo,Hellaraye or should I say HELL"turan niya saka ngumiti.

"Ano ba ang iyong alam?"direkta kong tanong sa kaniya.Hindi ko na nga alam kung sino siya at kung nasaan ako..

Hindi siya sumagot at hinawi ang kaniyang suot na hood at doon ko nakita ang kaniyang mukha.... kamukha ko siya...sandali kambal ko rin ba siya?

"Ako ay ikaw,at Ikaw ay ako"turan niya kaya napatitig ako sa kaniya. Magkamukha nga kami.Alam ko namang hindi ko siya kakambal.

"Who are you fooling?And...where the hell am I?"sambit ko sa kaniya na may halong pagkainis.Ano ba na naman ang isang ito?

"Nandito ka dahil kailangan mo ako"turan niya na mas lalong ikinataka ko,ako?May kailangan sa isang katulad niya?Kailan man hindi pa ako humingi ng tulong sa sino man.....

Help......

Well except lang diyan.Bakit naman kaya ako magkakaroon ng pangangailangan sa kaniya?

"What are you saying?"tanong ko sa kaniya.Ngumiti lamang siya sa akin saka lumapit sa akin napaatras naman ako sa kaniya,ang creepy kaya niya.Ganiyan kaya ako ngumiti... yeesshhh...di na ako ngingiti.

"Look here....tell me what you see"turan niya saka may ginawang parang mirror at doon ko nakita sina Kyle at Hailey na hinahabol..........KO?

"Who the hell is that?!"tanong ko sa kaniya saka itinuro ang nasa mirror na kamukha ko na humahabol kayna Hailey.

"That's you"nakangiti niyang turan na ikinabigla ko.Ako?bakit ko sila hahabulin na parang gusto ko silang kitlan ng buhay?Anong nangyayari?

The Princesses Of AlmairaWhere stories live. Discover now