Chapter 8: The Plan

2.1K 52 0
                                    

Third Person's POV

Habang abala sila sa kanilang laban ay 'di nila alam na may nagtatago sa dilim at minaman-manan sila ng kung sino man.

"Mukhang natagpuan na nila ang ating hinahanap" turan nung isang lalaki.

"Yari tayo ngayon kailangan nating maunahan sila,kailangan natin silang makuha"saad nung isa.

"Tanga ka na ba ngayon? Pa'no natin sila makukuha kung binabantayan sila ng mga 'yun?" turan nung lalaki.

"Hindi mo sila inilayo para lang maging bagay na itinago sa lupa tapos bubungkalin ng iba, kailangan natin silang makuha. Kung hindi....."pabitin na sabi ng babae.

"Mamamatay tayo"pagdugtong nung isa.

Pinanunood nilang mabuti ang mga naglalaban sa kanilang harapan. Sugod dito,sugod doon.Atake dito, Atake doon.Hindi matukoy kung sino sa kanila ang matatalo dahil pareho silang magagaling. Wala sa kanila ang nais magpatalo.

"Sumuko ka na lang" turan ni Kyle sa kalaban nito.

"Walang hiya ka! Sabi na nga ba may mali sa inyong lahat,noon pa man nararamdaman ko ng hindi kayo pangkaraniwan"pasigaw na sambit ng dalagang si Avisha sa kalaban.

"Hmmm.....hindi nga ako nagkamali. Ngayon may inilagay akong lason ng pagtulog habang buhay sa kaibigan mong 'yan. Kung matatalo mo ako ngayon dito sa laban nating 'to. Ibibgay ko sayo ang gamot kung hindi mamaalam kana sa kaniya"nakangiting turan ni Kyle.

"Papatayin kita dito mismo"turan ni Avisha saka ito pumikit at ng dumilat ito purong dark blue na ang mga mata nito at labas na ang kaniyang matutulis na ngipin.

Sumugod si Avisha kay Kyle. Sinasangga lamang ni Kyle ang mga tira ni Avisha.Ang pinaka main point ng atakeng ibinabato ni Avisha sa binata ay ang makuha ang puso nito. Sipa dito sipa doon,kanilang mga atake sa isa't isa.Suntok diyan suntok dito.Pero hindi matamaan ni Avisha si Kyle.

"Baka gusto mo muna akong makilala"nakangiting turan ni Kyle kaya napahinto ang dalaga at naghintay sa sunod nitong sasabihin.

Habang sila ay abala sa kanilang laban ay naguusap-usap ang kanilang mga kaibigan,particularly ang mga kaibigan ni Kyle.

"Guys,sa tingin ko sila na ang nawawala nating Prinsesa base sa naramdaman kong lakas ng tagay nilang mahika"turan ni Jaycob.

The Princesses Of AlmairaWhere stories live. Discover now