[EDITING]Chapter 30:Journey to Rick💕

728 21 0
                                    

Kyle's Point of View
Ngayon ay aming tinungo ang bundok na kinaroroonan ni Rick ang nasabing alalay ni Ermitanyong Tanna.Mahaba naman din ang aming nilakbay ngayon sa tingin ko ay malapit na kami.

"Sino kayo!!!!"isang boses na nakakabingi ang umalingawngaw sa paligid.....ano naman kaya yun?

"Kyle,ano yun?"tanong ni Hailey sa akin saka siya humanda na lumalaban.

Pareho naman kaming naghanda. Biglang may lumabas na malaking halimaw sa aming harapan.Matapos nun ay nagbuga siya ng apoy sa amin. Agad namang linabanan ni Hailey iyon. Saka sumali na rin ako.

"Hindi niyo ako matatalo"sambit nung halimaw.Pano naman kaya napunta ang panget na halimaw na ito dito sa lugar na to.Nagkaroon naman ako ng sugat sa mukha ng ako ay tumilapon kaya agad namang lumapit sa akin si Hailey at tiningnan ang sugat ko.

"Kyle,okey ka lang ba?"tanong nito saka hinaplos amg aking sugat na agad namang naghilom.Napakalapit naman ng kaniyang mukha nung sandaling yun kaya agad siyang tumayo at lumaban.

"Salamat,"sambit ko saka tumayo na din at lumaban.

Linabanan ko naman ang halimaw.Panay lamang ang aming pagtilapon ng kami ay nahahagip ng malalaking kamay nito.Naiinis na talaga ako sa mga kamay niya ha....ito tuloy ang gagawin ko.....

"Magpaalam ka na sa kamay mo,halimaw?!!!"sigaw ko saka pinutol ang malikot niyang kamay. Napadaing naman ito sa sakit.

Agad namang naglakad si Hailey sa balikat niya saka tumalon sa taas ng ulo niya at sinaksak ang kaniyang mga mata,matapos yun ay akin naman hinati ang katawan niya.At dun natapos ang laban namin.

"Magaling Hailey"nakangiti kong sabi,tumalikod naman siya sa akin.Bakit kaya?BLUSHING?hahaha,ewan.

"M-Magaling ka rin Kyle"sambit niya saka humarap sa akin. Tama, namumula nga siya.

"Ano naman ang tinitingin-tingin mo diyan?"sambit niya.Tumawa naman ako,bakit eh ang cute niya kapag namumula.

*Bogsh*

"Aray!"daing ko ng lumapat ang kaniyang kamao sa aking mukha. Tama,sinapak niya ako. Problema ng babaeng to.

"Nakakainis ka!"sambit niya saka nagpatiuna sa paglalakad.

Bahagya na lang akong napailing dahil sa inasal niya.

Di magtagal ay narating din namin ang lugar na kinaroroonan ni Rick. Malayo pa man kami ay natatanaw na namin ang tahanan niya na nasa taas ng isang burol.Nagtungo na kami agad doon.

"Yun na kaya ang tahanan ni Rick?"tanong ko kay Hailey saka itinuro ang bahay sa itaas ng burol.

Lumapit naman siya sa akin saka itrinace(trace)ang tinuturo ko.Habang nakasara ang isang mata ay sinubukan niyang makita ang tahanang aking tinutukoy.

"Yan na nga!Halika na"sambit niya saka hinawakan ang kamay ko at iginiya ako papunta sa burol.

Nananaginip lang ba ako ngayon?Totoo bang hinawakan niya ng aking kamay?Wala ba siyang alam tungkol dito?We're HOLDING HANDS......what the.....

"Andito na tayo"sambit niya saka tumingin sa aming kamay na magkahawak.

"A-Ano bakit naman tayo naglakad ng nakaganito?"tanong ko sa kaniya.Ofcourse umaasa naman ako na may feelings na siya sa akin.Hindi ko pa naman din nakakalimutan na gusto niya si Airex

"Dahil gusto ko,Gusto kong hawak ang kamay mo Kyle."nakangiti niyang sabi sa akin.

Totoo na ba talaga to.Pakiusap naman sana hindi na ako nananaginip ngayon.Sana bawat sandali ngayon ay totoo na,ito na nga ang pinapangarap kong sandali.

"A-Ano?"pagu-ulit ko sa kaniya. Syempre kailangan kong makasigurado.

Kaniya naman akong hinalikan....sa pisngi saka siya ngumiti at nagturan.

"Wala ng tanong,halika na "sambit niya saka kami nagtungo na sa bahay ni Rick.Kumatok muna kami saka siya sumagot.

"Sino ang nariyan"-siya

"Prinsipe Kyle ng Fyrenia"-Kyle

"P-Prinsesa Hailey?"-Hailey.

Lumabas naman siya saka kami pinapasok.At doon niya kami malugod na tinanggap bilang bisita ng malaman niyang mula kay Tanna ang aming ermitanyo nanggaling ng pahintulot na magtungo dito.

"Kung ganun ito ang nais niyong makuha,magbalik na lamang kayo rito para ako na ang gumawa:
Aira Alantar-terovia
Maykhali-lantar
Frenia-flowadia
Tiera Verde-Coconia
Yan ang mga sangkap na kailangan niyong kompletuhin"sambit niya.

Matapos yun ay umalis na kami at nagsimula na sa aming lakad at magtutungo sa Aira Alantar ang unang Mariyas kung saan namin matatagpuan ang Terovia.




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Just a short update guys,may assignment kasi..hehe.. ..sana nagustuhan niyo sana rin wala nang errors....

VOTE AND COMMENT GUYS

AISHETERUYO!!!!

The Princesses Of AlmairaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon