Chapter 7: Kill them

2.4K 58 0
                                    

Third Person's POV

Kasalukuyang naglalakad si Arissa patungo sa bahay ni Avisha para sa isang mahalagang bagay na nais nitong pag-usapan. On her way, may narinig siyang paghingi ng tulong mula sa babaeng nasa eskinita at mukhang may masamang nais gawin ang lalaki dito kaya naman ay nilapitan niya ang mga 'to.

"Hey,stay away from her" tinawag nito ang atensiyon nung lalaki saka bumaling sa babaeng nanginginig sa takot at mahigpit na hawak ang damit niyang tila pinunit upang isagawa ang isang bagay na nagpainit ng dugo ni Arissa.

"Sino ka ba ha? Huwag kang makealam dito" nilingon nito ang dalaga saka itinuro ang punyal na hawak niya sa ibang direksiyon tila ba sinasabi nito sa dalaga na umalis doon hangga't may pasensya pa siyang natitira.

"Please...help me..."mangiyak-ngiyak na turan nung babae.

Napahawak si Arissa ng noo niya at saka dire-diretso lumakad patungo sa kinalalagyan ng babae. Bakas sa mga galaw niya na wala siyang nararamdaman na kahit na anong takot mula sa lalaking ngayon ay nanginginig na sa galit. Sa kaniyang paningin, sino ba ang dalagang 'to at tila ang liit nito ng tingin sa kaniya.

"Umalis ka na" iginalaw ni Arissa ang ulo niya sa labas ng eskinita, bagay na kaagad namang naintindihan nung babae dahil kumaripas ito ng takbo, kaso nga lang...

"At sa'n ka pupunta?" Galit na sigaw nung lalaki.

Paalis na sana 'yung babae nung bigla itong hilain ng lalaki sa braso at tinutukan ng patalim. Sa bilis ng mga naganap, ang nagawa lamang ni Arissa ay ikunot ang kaniyang noo sa lalaki, hindi siya natutuwa sa kakulitan ng lalaking 'to. Ang kati niya.

"Ang lakas ng loob mo bata,sino ka ba sa tingin mo, huh? Kung isasaksak ko ba 'to sa bituka mo, makakatakbo ka pa ba, huh? Huh?!" Hinila nung lalaki ang babae sa kaniyang buhok, kahit sumisigaw na ito at umiiyak ay hindi niya nilipat ang kaniyang atensiyon mula kay Arissa na para bang binabalaan niya 'to at hinahamon at the same time.

"And you really think you can make me fold because of what you just said?"matapang na tugon ng dalaga saka humakbang palapit sa kaniyang punyal.

"Tumahimik ka wala akong naiintindihan sayo pero mukhang matapang ka nga"turan nito saka itinulak ang babae dahilan upang dumausdos ang mukha nito sa lupa samantala'y nakangisi siyang tumitig kay Arissa.

Hindi inintindi ng dalaga ang banta nung lalaki tinulungan nito ang babaeng makatayo at pinaalis iyon.

"Hoy! T*ngina na bata ka,ginagalit mo talaga ako! Naiintindihan mo ba ang sitwasyon mo?!"turan nito sabay sugod gamit ang patalim nito.

Umilag lamang ang dalaga at saka nito hinila ang kwelyo ng suot nung lalaki at sinuntok ang mukha noon ng paulit ulit hanggang sa mamaga ang labi nito at ang mga mata nito. Binitawan niya 'yun dahilan para matumba ang lalaki sa sahig, pero hindi pa nakuntento si Arissa doon, bagkus ay pinagsusuntok niya pa 'to sa mukha.

"Maggots like you don't deserve to live long nor should you be roaming free unless it's hell. Scum, dumb, son of a btch" bakas ang pagkadiri sa mga binitawan kataga ni Arissa. Unti-unting nagbago ang kulay ng mga mata niya at hindi niya na nga napansin na ang kamao niya'y balot na rin ng dugo, nabingi na siya sa mga pakiusap at pagmakakaawa nung lalaki.

The Princesses Of AlmairaWhere stories live. Discover now