[EDITING]Chapter 15:She's Gone

1.4K 33 5
                                    

Hailey's POV
Nabigo ako,wala akong nagawa para mailigtas siya.Bakit?bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito ngayon na malapit na naming malaman ang tunay naming sadya at tungkulin dito sa Almaira.Kailangan ko ba talagang gawin ito ng mag-isa?Bakit kailangan pa niyang mawala?

Nandito kaming lahat sa kwarto ni Hellaraye nagdadalamhati ang lahat.Lahat sila nanghihinayang sa pagkasawi ng aking kambal.Alam nilang humaharap na ang aming mundo sa kadiliman at kailangan nila ang aming tulong.

"Pano na 'to?hindi na buo ang Twin Hearts sino na ang magliligtas sa atin laban kay Javen?"turan ng isang estudyante na ikinataka at ikinagulat ko.

Javen?ewan ko lang kung siya ba yung naging Driver namin....

"Javen?"tanong ko sa kanila na ikinataka nila.

"Don't tell me na hindi mo kilala si Javen?"sambit ni Evelina.

"Of course i don't hindi ko siya kilala pero parang pamilyar siya"turan ko saka hinawakan ang aking baba.

"He's your driver"malamig na turan ni Airex habang nasa gilid siya ng kama ni Hellaraye nakasandal sa pader.

Pano kaya nangyari yun...si Javen kalaban bakit siya naging kalaban at pano niya nagawang makapasok sa mundong ito??

"What?!,how come?"tanong ko sa kaniya ngunit hindi na niya ako sinagot pa at bigla na lamang lumabas.

Mula nung mawala si Hellaraye mas lalong naging cold at masungit si Airex. Lagi nalang siya pumupunta sa school garden para mapag-isa pag linalapitan naman namin siya,pero kusa na siyang umaalis ng walang pasabi.Lahat ng mga bagay nagbago ng mawala siya.Pakiramdam nila sila dapat ang sisihin sa pagkawala ni Hellaraye.

Nandito ako ngayon sa labas ng aking dorm,yes!you heard it right I'm studying here to learn more about myself and to discover my element.

"Hellaraye,tingnan mo ito ang Vampirel Academiya ,akademiya ng mga vampirel, tanging ang lugar na Hindi pa nasasakop ng mga demonicals.Alam mo simula ng mawala ka maraming bagay ang nagsimulang magbago.Si Airex mas lumala pa ang pagiging cold at masungit niya bagay na minsan ng nabawasan ng makilala ka niya.Crush ko nga siya noon pero mas gusto ko na ngayon si Kyle.Sina Evelina,Jaycob at Amira pilit silang naghahanap ng mahikang makapagbabalik sa iyo.Tingnan mo ang kapaligiran, Kambal. Lahat dito ay puno ng lungkot.Ngayon nauunawaan ko na kung ano dapat ang ating gawin ang ibalik ang mundo ng paraiso kasiyahan at pagmamahalan dito sa Almaira.Pangako kambal,kahit anong mangyari ibabalik kita."yan ang mga bagay na sinabi ko sa aking sarili habang nandito ako nag-iisa sa loob ng school garden dito.

Mayamaya ay tumayo na ako at nakita ko si Kyle sa taas ng puno nagbabasa siya ng lumang libro para maghanap ng uri ng mahika para maibalik ang buhay ni Hellaraye,pano kaya yun?

"Hindi mo kailangang gawin ang lahat ng 'to. Hindi mo responsabilidad ang paghahanap ng kagamutan para sa kakambal ko"malungkot kong turan habang nasa ibaba ng puno na kinaroroonan ni Kyle nakasandal at nakayuko.

Narinig ko na lamang ang malakas na tunog ng pagsuntok sa kaliwang parte ng puno at nakita ko doon si Airex.

"I'm a useless coward person"turan niya sa kaniyang sarili habang sinusuntok niya ang puno.

Dahil sa mga nakikita ko ay nasasaktan ako.Sobrang sakit sa pakiramdam na makita ang mga importanteng tao na nakasama mo sa maikling panahon na napalapit na sayo na magkakaganito.

Umiyak ako,umiyak ako ng umiyak. Bakit ba kasi kailangan kong magdusa ng ganito?maganda naman ang pamumuhay ko sa mundo ng mga tao bago paman dumating ah.....bakit nagkaganito ang lahat!

Hindi sa sinisisi ko sila pero....hindi natin kailan man maipagkakaila na nagbago at naging masalimoot ang lahat ng dumating sila sa buhay namin,ngunit hindi ko kailan man maaaring sisihin sila dahil.........dahil.......

"Mahal ko kayo"mahina kong turan sa sarili ko saka tumakbo paalis habang pinupunas ang luha ko gamit ang aking kamay.

Habang tumatakbo ako ay mga nakasalubong ako.Napakunot naman ang aking noo.Bakit kaya sila nagtatakbohan?

"Pasensya na po mahal na prinsesa."turan nung batang estudyante na nakabangga sa akin.

Actually sabi nila na kahit itago pa daw namin na kami ang nawawalang TWIN HEARTS ay alam na daw nila sa pamamagitan ng nakatadhanang mangyari....pshhh....wala nga akong naintindihan eh...kayo ba?

Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.Nacurious ako kasi nagsitakbuhan sila at parang takot na may parang....HINAHANAP?

"What's happening?"seryosong tanong ko sa kaniya.

"Napasok na ang akademiya ng mga demonical at.......at....."turan nito na natataranta at parang takot na ipagtapat ang nangyari.

"Ano!!???"gulat kong turan saka pakakawalan ko na sana ang dalaga ng may sabihin pa ito.

"Sandali po mahal na Prinsesa....ang kambal niyo po...ang kaniyang labi kinuha "sambit niya saka na ito tumakbo palayo.

Nang magsink-in na sa utak ko ang mga tinuran nung babae ay kumaripas ako ng takbo at ang mga humaharang sa akin na magtungo sa kwarto ng aking kambal dahil may mga demonicals daw..

"Hailey..may mga demonicals sa loob ng pasilyo"pagpipigil sa akin ni Evelina.

"Hindi ako makapapayag na kahit ang kaniyang katawan ay di ko pa mailigtas...kaya...BITAWAN niyo ako!"sambit ko sa kanila.

Dahil dun ay binitawan ako nina Evelina atsaka nalang ako nagpasama kay Kyle.Dun ay nakita kung nasusunog na ang kwarto na kinaroroonan ng katawan ni Hellaraye.Dahil dun ay nabigla ako,napaluhod at napaiyak.

"Hindi..hindi..ito maaari....ibalik niyo siya...iligtas natin siya!!!Hellaraye!!!!!"sigaw ko at pagpupumilit kay Kyle ngunit panay iling lamang ito saka ako yinakap.

Hindi ito maaari kailangan pa namin siyang buhayin....kailangan ko pa siya ang aking kambal...kaya ibalik niyo siya!!!!ito na lamang ang pumasok sa aking utak ng maramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Kyle.

"Kyle...bakit ganito?Hindi pa ba sila kuntento sa pagkawala ng buhay ni Hellaraye at kahit ang labi niya ay kanila pang sinunog?"turan ko habang nakaluhod sa harap ng nasusunog na silid at habang yakap ni Kyle.

"Hailey.....isa sila sa mga uri ng demons na wala ng puso at awa na nais sakupin ang lahat ng mga kaharian dito sa Almaira at sakupin ang mundong ito......."galit na turan ni Kyle.

Mayamaya ay dumating si Airex,dumating siya na puno ng galit sa mukha natakot ako bigla ng kumuyom ang kaniyang kamay at biglang lumakas ang hangin sa aming kinaroroonan hanggang sa mapatay ang apoy at sa masira ang lahat ng nasa kaniyang paligid.

"I will kill all of you"madiin niyang turan saka umalis na ulit.

Alam kong mahal niya ang aking kambal kahit na maikli lang ang kanilang pinagsamahan.Masaya ako para dun ngunit ngayon ako ay nangangamba sa di ko maintindihang dahilan.....mukhang may hindi magandang mangyayari sa mundong ito bat sa aking.......BUHAY

M M M

Ah,namatay na siya.Well hindi natin alam ang mga susunod na mga mangyayari.Kaya tutok lang guys....

KYLE on the multimedia

VOTE and COMMENT po

The Princesses Of AlmairaWhere stories live. Discover now