[EDITING]Chapter 33: Just a Dream💕

699 28 0
                                    

Airex's Point of View
Lubusan na akong nagagalit ngayon.Sisiguraduhin kong ako mismo ang papatay sa kaniya at akin siyang pahihirapan.

Nakakainis mang aminin,pero napakasakit na talaga ng aking mga sugat,ng aking katawan at ng aking dibdib.Pinanonood ako ng aking mahal na nasasaktan at nagdudusa,alam kong kinokontrol lamang siya ngunit hindi ko pa rin maiwasang masaktan.

"Augh!!!!!!!"daing ko ng ako ay kanilang latiguhin muli.Kanila na itong ginagawa sa amin araw-araw, hindi nila kami pinapakain dito.

Dalawang buwan na rin ang nakararaan simula ng masakop ang aming mundo ng mga demonicals. Maraming mga vampirels ang ngayon ay nagdurusa at pinahihirapan. Hindi ko ma-imagine ang itsura ng mundong ito at ng kahariang aming kinalalagyan ngayon.Nandito kami sa dating kaharian nina reyna Hena ang Lagalore habang sina Amira ay nasa Airenia kasama ni Javen habang sina lola naman at si Darko ang naririto.

"Yan ang nangyayari sa mga taong masyadong mapagmataas....ngayon nasaan ang mabangis na si Airex at Jaycob ang mga tinaguriang PRIDE OF ALMAIRA nasaan na!?!"turan nang bantay namin na siyang inatasan na kami ay latiguhin.Habang tinuturan niya yun ay kaniyang inilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha. Kaya akin siyang dinuraan.

"Fvck you, all of you!you are fighting in such a coward way! ang dapat sa inyo ay tanggalan ng ulo saka sunugin ang kalahating katawan habang ang ang ulo ay ipapalapa sa mga dragon!"sigaw ko sa kanila.

Kaniya namang pinunas ang laway ko sa kaniyang mukha. Saka niya 'ko sinuntok sa mukha at kanila akong pinagtulungang bugbogin,siguro kung hindi agad na naghihilom ang aming mga sugat na hindi mula sa mga silver ay mukha na kaming mga ewan dahil sa mga pasang aming nakuha at mga sugat

"Matapang ka pa rin ha"sambit niya saka nila ipinagpatuloy ang pambubugbog sa akin.....

"Shit!itigil niyo na yan......----Airex!!!!"pag-aawat ni Jaycob.

Bakit kaya kailangan namin itong sapitin.Ang mga pasakit na ito,dapat sila ang narito sa aming katayuan.Sila ang mga hamak,dapat sila ang aming inaapak-apakan.Mga mababang -uring mga nilalang, sila'y dapat hindi na nabuhay sa mundong ito......

Matapos ang mahabang oras ng paglalatigo sa amin ay pahagis kaming ipinasok sa aming selda at inilagay na sa aming leeg ang kadenang nagpapawalang bisa sa kung anong element ang meron kami......Saka nila kami iniwan at saka dinuraan ang aming harapan bago umalis na tumatawa.

"Patawad..."turan ni Jaycob sabay ang pagyuko.Hindi ko alam pero sa tingin ko nahihirapan na siyang panoorin akong naghihirap.

Kami nina Amira,Evelina at Jaycob ay magkababata.Lagi kaming nagtutulungan kung may isa sa amin ang inaapi. Siguro pakiramdam niya ngayon na wala siyang magawa.

"Patawad dahil bilang isang prinsipe ay wala akong magawa". pagpapatuloy nito.

Hindi ko na siya sinagot pa.Ipinikit ko na lamang aking mga mata.Banayad akong humiga sa lapag at natulog.Sa mga nakaraang araw at buwan hirap na hirap na ako.Hirap na ako at walang pag-asang makaalis.Tanging sina Hailey na lamang ang aming pag-asa.Sana ay mapagtagumpayan nila ang paghanap sa lunas mayroon si Hellaraye.......
























The Princesses Of AlmairaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon