Chapter 2: Don't Dare

3.9K 91 2
                                    

Arissa's POV

Pangalawang araw na ngayon ng aming pasukan bilang college students at nasanay na rin akong sunduin si Avisha sa kaniyang bahay.

"Oh, Arissa andito ka na pala...pasok ka muna tawagin ko lang si Avisha"nakangiting turan ni Tita Alinia sa akin sabay alok sa akin para pumasok na hindi ko naman tinanggihan.

"Avisha,Princess! Andito na si Arissa" pagtatawag ni Tita kay Avisha.

"Opo!" Pasigaw na sagot ni Avisha.

Mga ilang minuto rin akong naghintay sa kaniya...mabuti nalang ay pumunta ako sa kanilang bahay ng maaga kasi matagal at mabagal siyang gumawi eh.
                    
Dahil sa curiosity ko ay napatingin ako sa mga litrato niya nung bata pa siya,di ko na lamang napansin na tumulo na pala ang aking luha bagama't nagtataka sa pagkakahawig ng aming wangis ni Avisha ay napalitan iyon ng lungkot at...inggit.

Buti ka pa Avisha may pamilya....

Malungkot kong turan sa sarili sabay punas ng aking luha gamit ang aking panyo na nasa aking bulsa. Napabuntong-hininga na lang ako at napahawak sa kwentas kong nakalambitin sa leeg ko. I should probably be grateful that regardless of my misfortune ay buhay pa rin ako ngayon.

"Oh,Arissa, halika na!"turan ni Avisha saka niya ako hinila palabas.

Ah, hindi ko napansin na nakababa na pala siya.

"Ah...sige"mahina kong turan.

Ngayon ay nilakad namin ang daan pagpunta sa school, ako na rin kasi ang nakiusap sa kaniya kaya wala na siyang nagawa,mula nung iligtas ko siya ay araw-araw niya iyong binabayaran sa simpleng paraan.

 "You know what, Arissa, misteryosa ka para sa akin kasi kahit matagal na tayong magkasama ay wala pa rin akong alam sa'yo" panimula ni Avisha, napatawa naman ako ng mahina.

"I will tell you everything about me in the right time" kalmado kong turan. Actually, wala naman akong naging dahilan para maging ganito, however she describe me to be, kaso wala akong magagawa, ganito lang talaga ako eh.

" Eehhh...Arissa kailan ang right time na 'yun?"pangungulit ni Avisha.

"It would come"maikli kong sagot dito.

At doon ay tumahimik na siya. Maya-maya rin ay narating namin ang paaralan at as usual ay tinambangan na naman kami ni nina Ayra or Mayra...whoever these people claim themselves to be.

 "Oh...look who finally showed up akala ko hindi na kayo dadating kasi baka natakot na kayo, hahaha" panimulang salita ni Ayra.

 "Didn't we just told you to stay away from us,ganun ba talaga kahina ang mga kukuti niyo at hindi niyo kami naintindihan,oh..I get it English nga pala yun,cheap nga pala kayo so hindi niyo maiintindihan,my bad" mataray na turan ni Avisha sa kanila sabay hakbang palapit sa mga tampalasang tao na 'to.

The Princesses Of AlmairaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon