[EDITING]Chapter 36:Maykhali💕

661 24 1
                                    

Kyle's Point of View
Masaya ako ngayon,actually kaming dalawa ni Hailey dahil sa wakas ay nakuha na namin ang unang sangkap.At ang pinagtataka ko ay kung bakit nakabulagta na siya sa lupa ng makita namin siya.Kaya ng kami ay magising ay naghanap kami agad ng tamang lugar para mapaglagyan sa kaniya at dun namin siya dinala sa isang kweba na aming nakita.

"May naaalala ka ba tungkol sa mga nangyari?"tanong ko kay Jay na kanina pa ay walang imik.

"Ang huli kong naalala ay nung nag-away kami tapos may bigla akong naramdaman na may humihila saka ako nadala at yun na nga wala na" sambit niya saka yumuko at nagtapon ng bato sa lake na nasa harapan ng kweba.

Tama,ngayon ako naman ang mag-aalaga kay Hailey.Tutal naman nasa harapan na namin ang mapagkukunan namin ng pagkain eh kukuha nalang.

"Maaari bang ikaw na ang bahala sa apoy Jay?"tanong ko sa kaniya saka agad na linagyan ng malaking fireball ang lutuan.

"Jay,ano ba naman tong ginawa mo?!"sambit ko saka nagfacepalm. Ano ba yan,expected ko na makakatulong siya,mas pabigat pa pala kay Hailey,ang kapal.

Ako naman ay nagtungo na lang sa lake saka nanghuli ng isda.Minsan napapasulyap ako kay Hailey, napakaamo talaga ng mukha nito, mayamaya ay napatingin ako sa gawi ni Jay na balisa at panay ang tingin sa paligid.

"Jay!what's wrong?"tawag ko dito saka umahon mula sa tubig dala ang tatlong malalaking isdang dala ko.

"Dragon!"sigaw niya saka ako napatingin sa aking likuran at t*ngina may dragon nga sa likod ko,napaahon naman ako sa tubig saka nagtungo sa kweba para kunin ang aking sandata at para makuha muna si Hailey.

Nung makuha ko na si Hailey at ang aking espada ay napatingin ako sa gawi ng dragon,isang pulang dragon ang nasa aming harapan.Tama,ang pangalawang Mariyas ang Maykhali ay ang tahanan ng mga dragon.

"Sino kayong mga pangahas na nagtungo dito sa aking tahanan!" sigaw nito saka nag-anyong tao.....may maganda itong maalindog na katawan, sandali hindi ako nito naaakit....mahal ko si Hailey,Mahal ko siya.

"Ano itong ingay?"malamig na boses na aking narinig mula sa aking likuran at nakita ko doon si Hailey na nakatayo habang nakayuko.

"Patay kang bata ka"bulong ni Jay saka bumaling ulit sa dragon,walang hiya ka talaga Jay,ikaw ang may pakana nito.

"Pinagnanasahan mo ba siya?" tanong sa akin ni Hailey,sasagot pa sana ako ng kaniya akong suntukin sa mukha saka inapakan ang aking tiyan ng mapahiga ako sa lupa dahil sa lakas ng kaniyang pagkakasuntok.

"Hailey tama na yan,mamamatay na ang ugok na yan"sambit ni Jay saka linapitan si Hailey at hinawakan ang kaniyang braso.....walang hiya ka huwag mo siyang hahawakan Jay talagang ,papatayin kita!

Bigla namang umalog ang lupa saka kami napabaling sa dragon na nagwawala na.Oo nga pala hindi na namin siya pinapansin.

"Mukhang binabaliwala niyo na ako rito ah,papatayin ko kayo at hindi niyo makukuha ang nais niyo"sigaw niya saka naging dragon ulit at bumuga ng apoy.

The Princesses Of AlmairaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon