[EDITING]THE WAR 1:Beginning💕

740 27 3
                                    

Author's Point of View
Bagama't nagulantang sa bilang ng mga kalaban ay nanatili silang matatag at matapang,kanilang pinanindigan ang kanilang mga pangako.Sa pamamagitan ng isang hudyat sila ay nagsimula sa kanilang labanan.

Magkasamang lumalaban sina Airex at Hellaraye,kasalukuyan silang pinalilibutan ng mga demonicals....kaniyang pinalapit ang mga tornado niya sa kaniyang tabi.

"Sa inyong kahangalan,akala niyo ba talaga na matatalo niyo ako?Kahit marami pa man kayo wala kayong itutumbas dito!"turan ni Hellaraye saka pinakawalan ang isang tornado at pinasugod sa mga demonical.Dahil dun ay ilinipad sila papalayo.

"Excellent"cold na bulong ni Airex sa taenga ni Hellaraye dahilan kaya nasuntok niya ito.

"Wow ha,love birds,huwag ngayon oy!mahiya kayo sa laban oy!"sambit ni Evelina saka sinaksak ang kalaban sa sa likod niya.

Lahat ng mga dragons na kanilang ginawa ay tumulong na rin sa kanila.Ngayon ay kalahati na halos ang nabawas sa mga kalaban,ngayon ay mas kumukunti pa ito.

"Ang akala talaga nila na matatalo nila tayo dahil sa marami sila,huh,nagkakamali sila"turan ni Hailey.Saka niya itinutok ang kaniyang kamay sa lupa kaya ito ay gumalaw at biglang may lumabas na malaking Earth Golemn.

"Tumabasan niyo yan!"turan ni Kyle saka binigyan ng Flare ang higante kaya nagmukha iyong malaking nilalang na nag-aapoy.

Sinimulan nitong kainin ang mga demonical.Samantala nagtungo naman sila Hailey sa kastilyo,at inasahang doon na nila makakaharap si Javen.

"Marahil ay nandun si Javen sa loob."turan ni Jaycob saka nagpatiuna.

Habang sila ay naglalakad ay may biglang humarang sa daan nila.Isang babaeng ang mga mata ay tulad nung kay Hellaraye ng siya ay kontrolin.Kaya alam nilang kontrolado iyon.

"Hindi ko kayo maaaring padaanin"turan nito saka itinutok sa amin ang talim ng kaniyang espada saka nagpalabas ng volt ng koryente.

"Guys,leave this to me,I can do this."turan ni Jaycob saka gumawa ng Earth Phoenix saka pinaalis na ang mga kasamahan.

"Kuya ayusin mo yan ha"bulong ni Evelina saka bumungisngis.

"Siraulo ka"turan ni Jaycob at saka mayamaya ay humarap na sa kalaban.

Nagsimula na sila.Hindi mabilang ang sukatan nila ng kanilang atake.Pareho silang magaling at walang nais magpatalo.Nagpalabas ng isang electric phoenix ang babae saka pinasugod sa kay Jaycob, kaya ngayon ay nag-uumpogan na rin ang mga Phoenix nila.Malakas ang tunog ng nag-uumpogan nilang mga espada.Maliksi ang mga gawi ng babae.Kaya nahirapan siya ng bahagya sa pakikipaglaban dito.Dahil sa nais niyang mailigtas ang buhay ng babae,ay ginamit niya ang kaniyang ability.Pinatulog niya ang babae.Binuhat niya yun in a bridal style saka nagpatuloy sa kaniyang lakad.

The Princesses Of AlmairaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon