[EDITING]Chapter 38:Saved by A&E💕

708 24 0
                                    

Airex' Point of View
Pinagtratrabaho na nila kami,kasama ko si Jaycob dito ngunit mag-iba kami ng lugar dito sa palasyo ng Lagalore kaya hindi kami magkasama.Kasama ko ang mga vampirel na ngayon ay nagsasakit na at nahihirapan.Hindi sila pinatitigil sa trabaho hanggang sa mapagod sila at minsan ay may namamatay.Hindi naman dahil sa mga immortal kami ay hindi na kami mamamatay.I mean ibang uri ng mga vampire kami dahil sa elementalist din kami.At ang ibig sabihin nito ay highbreed lamang ng vampire at elemental ang aming naging mga ninuno.At ang mga elemetal ay mga tao lamang na may kapangyarihan.Now,see the difference?

"Walang titigil!"sigaw nung isang demonical sa isang matandang vampirel na alam kong hindi na kayang magtrabaho pa.Dahil dun ay lalatigohin na sana nito ang ang matandang vampirel ngunit sinalo ko iyon gamit ang aking mga kamay.

"Hindi mo gagawin sa kanila ang hindi nararapat"sambit ko saka binitawan ang hawak kong latigo niya.Hindi naman ibig sabihin na dahil sa kadenang to ay fully weak na ako.Mana lamang ang kinukuha nito at hindi Will Power.

"Aba't hindi ka na prinsipe tandaan mo kaya hindi mo ako masisindak.Magtratrabaho yan o mamamatay"sambit niya saka dumura at umalis.

Wala talagang mga kwenta ang mga nilalang na yun.Pasalamat sila at napipigilan ako ng kadenang ito.Kung hindi ay napatay ko na siya,kamatayang tiyak na pagsisisihan niya.Habang tinutulongan ang matanda ay may namataan naman ako na mag-ina na sapilitang pinaghihiwalay.Ano naman kaya ang kanilang nais gawin?Dahil dun ay lumapit ako...

"Mama,ayoko ko po,mama!"sigaw nung bata habang sapilitan itong inilalayo sa ina.

"Teka....what the hell are you trying to do?"galit kong sambit saka sila itinulak papalayo sa mag-ina.Kinuha ko naman ang bata at ibinigay sa ina nito saka ko sila pinaalis.

"Maraming salamat po mahal na prinsipe"sambit nito saka tumakbo na papaalis dala ang anak.

Napatingin naman ako sa tatlong demonicals na nasa aking harapan na alam kong galit na dahil sa aking ginawa.Aalis na sana ako nung harangin nila ang aking daan at kinuwelyohan ako.

"Akala mo papaalisin ka namain ng ganun lang.Aba minamaliit mo ata kami,pwes ito sayo"sambit nung demonical na sa tingin ko ay leader sa kanilang tatlo saka ako sinuntok sa sikmura.Natumba naman ako dun ngunit pinilit kong tumayo saka tumingin ng matalim sa kanila.

"Aba tumatayo pa nga"sambit nung isa saka sinuntok ulit ako.Ginawa din yun nung isa saka na sila nagisa-isa sa pagsapak sa akin.Nagtataka kayo kung bakit hindi ako lumalaban?bakit ako mag-aaksaya ng mana at will power sa kanila kung alam naman natin na isang wasiwas lang nang aking Air Katanna ay mamamatay na sila...

The Princesses Of AlmairaWhere stories live. Discover now