[EDITING]Chapter 45:Saving Lagalore P1💕

702 24 0
                                    

Jaycob's Point of View
Narating na namin ang Airenia at kasalukuyan na kaming nagmamatiyag ngayon para sa kung ano ang dapat gawin.

"I suggest na magmatiyag muna tayo tungkol sa kanilang mga galaw para matukoy natin kung papaano tayo makakapasok ng hindi pa muna nila nalalaman"sambit ni Amira,tumango naman kami lahat sa kaniyang suhestiyon.

"But,we should remember too,na hindi lang tayo magmamatiyag lang ng magmamatiyag.Kailangan din na kumilos tayo sa lalong madaling panahon bago pa tayo maubusan ng oras"turan ni Kyle.

"Tingnan niyo,andun ang kulongan at nasa isang yun ang susi"napatingin naman ang lahat sa sinabi ni Hailey.

"Tama,halina tayo"sambit ni Kyle saka na kami umalis sa aming pinagtataguan at dahan dahan na lumapit sa aming target...

Dahan-dahan kaming lumapit sa mga bantay.Kami ni Kyle ang inatasan ni Hailey na patumbahin ang mga bantay ng walang nakakaalam.Kaya yun ang ginawa namin.Matapos nun ay pumasok na kami.

"Ngayon naman,nasaan ang mga Lagalorians or yung mga tao?"tanong ni Amira.Kaso ako wala ring alam.Saan naman kaya nila tinago ang mga taong yun.Mga siraulo talaga itong nga demonicals na to,pero huwag silang mga-alala dahil papatayin naman din namin sila.

"Sa bulwagan,lumiko kayo at mahahanap ninyo ang lagusan pababa sa tunnel kung saan sila nakakulong"sambit nung isang boses.Teka sino naman ang mga yun?Mga?Bakit ginamit ko ang word na mga?Stupid talaga ako....

"Sino ka?"tanong ko dito.Ngunit hindi na sila sumagot.Nagkatinginan naman kaming lahat.Saka siya naglaho sa aming harapan.Esshh,weird.

"Maniniwala ba kayo sa kanila?baka pinaglalaruan lang tayo ng gagong yun"sambit ko sa kanila.Ano kaya ang pakay nila at yun ang bungad nila?Akala siguro nila kakagat kami sa kanilang laro huh,alam kong hindi papayag sina---

"Kung gayun.....pumunta na tayo sa bulwagan tayo ay lumiko at mahahanap din natin ang lagusan patungong tunnel na pinagkulungan ng mga lagalorians...."sambit ni Hailey saka na siya nagpatiuna.Nagulo ko naman ang buhok ko.Nagmukha na akong baliw,akala ko ba ako ang pinakamatalino sa amin,augh!

The Princesses Of AlmairaWhere stories live. Discover now