[EDITING]Chapter 29:Captured

760 20 0
                                    

Author's Point of View
Matapos ang mga nangyari hindi na nakayanan pa ni Airex ang lumaban kaya pare-pareho silang natalo sa laban.Pumasailalim na sa mga Demonicals sa pamumuno ni Javen ang buong Almaira......napasailalim na nito ang apat na kaharian ang Airenia(Airex),Fyrenia(Kyle),Tyrenia(Evelina,Jaycob),Aqualeria(Amira).

Ngayon bukod sa sila ay wala ng kalaban-laban ay nahuli ang mga prinsipe at mga prinsesa ng mga nasabing kaharian,at kasalukuyang naghihirap.

"Augh!!!!!!"daing nina Jaycob at Airex habang sila ay nakatali paharap sa bato na nilalatigo,habang ang mga prinsesa ay ginawang mga alipin na may kadena sa leeg nila.

"Kulang pa ang mga iyang pasakit sa inyo,ngayon nasaan na ang tapang mo,Airex,Jaycob!"sambit ni Darko habang patuloy na nilalatigo ang dalawa.

"Ama,itigil niyo na ito.. pakiusap" pagsusumamo ni Amira na kasalukuyan ay nakagapos rin sa gilid ni Javen na may kadena sa leeg,ito ay upang hindi nila magamit ang kanilang kapangyarihan.

(Remember Chapter 25)

"If......I get out from here sorry Amira but I promise I'll be the one to bring you to hell..AUGH!!" matapang na sambit ni Airex sabay ang paglatigo sa kaniya.

Kaawa-awa na ang kanilang kalagayan.Puro sugat na dumudugo ang lumalatay sa katawan nina Jaycob at Airex. Samantalang parang mga nakakadenang hayop naman sina Amira at Evelina.

Pagkatapos nilang latiguhin ang dalawang lalaki ay pahagis nila itong dinala sa kanilang kulungan.Umiyak naman sina Amira at Evelina.

"Pakiusap,Ama,Javen hayaan niyo kaming hilumin ang kanilang mga sugat...pakiusap"pagsusumamo ni Amira.Tiningnan lamang siya ng kaniyang ama sabay ang pag-iling.

"Ilayo sila!"sambit ni Darko.

Tumakbo papalapit sina Amira at Evelina kayna Airex at Jaycob. Lumapit sila sa kulungan habang sila ay hinihila ng mga kawal na demonicals.

"Pangako,ilalabas namin kayo dito"pabulong na turan ni Evelina sa dalawang walang malay habang dumadanak ang kanilang dugo.

"Bitawan niyo kami!!"sigaw ni Amira saka sila dinala sa kaharian ni Javen sa Airenia at saka na sila ginawang mga katulong kakaibang katulong dahil lagi silang nasa tabi ng trono ni Javen na nakaupo sa lapag habang dala nila ang pagkain ni Javen.

"Lagyan kaya natin to ng lason,mga walang hiya sila..napakasama pag ako makaalis dito ako ang papatay sa aking ama"matapang na turan ni Amira ng makaalis na si Javen.

"Hind tayo hayop para kaniyang tratuhin ng ganito.Pasalamat siya sa kadenang bwesit na to at hindi natin siya pwedeng masaktan" sambit ni Evelina.

Tatayo sana sila ngunit humigpit ang pagkakatali ng kadena at parang sinasakal na sila nito.

"Huwag niyo nang tangkain pang tumakas"

The Princesses Of AlmairaWhere stories live. Discover now