[EDITING]Chapter 12:Midnight Tears

1.8K 43 1
                                    

Kyle's POV
Sa mga natuklasan ko kanina ay alam ko nang gustong gusto ni Hailey ang aming pinunong si Airex alam ko ding kaya lumuha iyon kanina ay dahil sa nasaktan ito sa kaniyang mga nasakasihan

Nandito ako ngayon sa school field naglalakad-lakad as if naman nakakatulog ako,hindi naman kasi natutulog ang mga bampira.Nasa kalagitnaan na ako ng field ng may marinig akong hikbi mula sa school garden.Na curious ako kaya pinuntahan ko iyon.

"Madaya,madaya kayong dalawa.... bakit ganito ang nararamdaman ko, ba't nasasakatan ako wala naman ako sa buhay niya kaya bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?"sambit ng isang boses na mula sa isang babae.

Nung maaninag ko ang wangis nito ay nabigla ako ng bahagya,si Hailey iyon at alam kong ngayon niya ibinubuhos ang galit at sakit na nararamdaman niya na kanina ay tinatago niya.

Flashback......

Nandito kami ngayon sa cafeteria kaming lahat nagsasalu-salo ngunit si Hellaraye ay wala si Airex naman nandito lang sa gilid nakasalpak ang headphone at parang may sarili lamang mundo.

"Hoy,Hailey okey ka lang ba?"sambit ni Amira saka into pinitik ang noo ng dalaga.

"Ah...okey lang ako"sambit nito saka tinusok-tusok ang omelet sa harapan niya na kanina niya pa ginagawa.

"Alam mo Hailey kahit naman itago mo pa halata namang may problema ka,tingnan mo mga yang omelet sa harapan mo patay na yan kanina pa panay kasi ang tusok mo.Tingnan mo nga nakakaawa na ang itsura,huhu" sambit ni Evelina.

Napaangat naman ng ulo ang nakayukong si Airex na kanina pa walang kibo.Lumapit ito kay Hailey at saka nito hinawakan ang noo nito.

"Your temperature is fine as for humans"cold nitong turan pagkatapos at tumayo ito umalis na naman.

"Oh diba okey lang naman siya."sambit ni Jaycob.

"She's not fine obviously alam kong nasaktan siya sa nasaksihan nito kahapon gusto niya si Rex"turan ko at mayamaya ay lumungkot wala namang may alam na gusto ko siya noon pa man simula ng una ko siyang nakita eh.

Hindi makatingin ng direkta si Hailey sa mga kasamahan namin alam niyang mahirap ang kaniyang sitwasyon lalo na at may ibang gusto ang taong gusto niya.

"Pero,Hailey may gusto si Airex kay Hellaraye at alam mo yan"sambit ni Evelina.

"Hailey,mukhang kailangan mong magpaubaya"sambit ni Amira.

"Hindi"sambit ni Hailey.

"Hindi ako magpapaubaya"sambit pa nito saka ito tumayo sa kaniyang kinauupuan at umalis.

Everything happened so fast.....gusto niya na si Rex at gusto ka naman siya. Simula pa lang naman pero ang komplikado na. Ano ba naman to.  

"Guys....hindi ito maganda lalo na at walang alam dito si Airex at Hellaraye pag ang isang to ay magtampo posibleng mangyari ang nasa propesiya bagay na kailangan nating pigilan kundi mamamatay ang isa sa kanila" sambit ni Jaycob.

End of Flashback......

"Nakakainis naman bakit ang kambal ko pa...pwede naman kahit sino huwag lang ang kambal ko eh"sambit nito habang umiiyak.

Gusto ko sanang lumapit sa kaniya damayan siya sa kaniyang pag-iyak and be the shoulder for her to cry on,to depend to kaso mukhang hindi naman ako ang kailangan niya.Gusto ko siyang yakapin sabihin sa kaniya na nandito lang ako magiging okey ang lahat pero lahat ng yun ay kailan man hindi ko magagawa.

Lumakad na lamang ako paalis tutal wala naman akong maitutulong sa kaniya.Naglalakad ako ngayon dito sa gitna ng gabi na tanging liwanag ng buwan at mga bituin lamang ang nagbibigay liwanag.

The Princesses Of AlmairaWhere stories live. Discover now