[EDITING]Chapter 44:The Return

737 22 0
                                    

Author's Point of View
Ngayon ay nagsisimula na sila sa kanilang nga training.Kalaban ni Evelina si Amira.Kalaban naman ni Jaycob si Airex,si Kyle kay Hailey habang self training naman ang kay Hellaraye.Bawat sandali ng kanilang training ay nag-iimprove sila.

"Bilisan mo pa ang kilos mo Hailey"turan ni Kyle habang nakangiti sa kanilang laban ni Hailey.Pagod na pagod na naman si Hailey sa kanilang laban ni Kyle.

"Ano ba.....ang hirap kasi sayo hindi ka madaling makuntento,mamamatay na ako dito"sigaw ni Hailey habang nakayuko na at hawak ang kaniyang tuhod.Lumapit naman si Kyle sa kaniya at hinawakan ang kamay nito.

"Hindi ko naman magagawa na patayin ka,Hailey alam mo yan"sambit nito dahilan upang mamula si Hailey.

"Hoy,mahiya naman kayo sa amin.Nasa kalagitnaan tayo ng training oh,tingnan niyo nga si Hellaraye mag-isa lang grabe ka Hailey ha"sambit ni Evelina.

"Ba't narinig ko pangalan ko diyan.Don't dare to include my name in your stupidities? "Sigaw ni Hellaraye saka sinuntok ang puno sa gilid niya dahilan para mabuwag ito at matumba sa kanilang mga harapan.

Lahat sila ay natulala at hindi nakagalaw sa kanilang mga kinatatayuan maliban kay Airex na walang pakealam.....

"Y-Yes M-Ma'am....."nangiginig na turan ni Evelina.

"Bumalik na po kayo sa iyong ginagawa"dugtong naman ni Amira.







Matapos ang 2 buwan.......

"Panahon na para maningil"sambit ni Amira saka itinali ang kaniyang buhok gamit ang laso na hawak niya.

"Oras na para.........para....ano pa ba ang hindi pa nasasabi?"tanong ni Evelina saka tumingin sa kapatid nito.

"Oras na para pumatay para sa kalayaan"sambit ng kapatid nito.

"Opo,tama"sambit niya....

Matapos nun ay pumasok na sila sa portal patungong Almaira.At bumungad sa kanila ang mas chaotic na paligid ng Almaira,ngunit hindi na sila nagulat pa dahil inasahan na nila na mas lalala pa yun once na umalis sila.

The Princesses Of AlmairaWhere stories live. Discover now