[EDITING]Chapter 46:Saving Lagalorians P2💕

605 23 0
                                    

Kyle's Point of View
Nakarating na rin kami sa lugar na aming napagdesisyunang piliin.Guess what?may mga lagalorian nga dito at.....ang dami nila dito pano ba to....hmm...pano naman kaya namin mailalabas ang mga to?

"Hailey,sa mga ability mo.Kaya mo na bang makapagteleport?"tanong ko dito.Kasi kaming mga vampirels kaya naming makapagteleport once na Royal blood ka.

"Ah,oo tinuruan na ako ni Hellaraye nung training natin"nakangiti niyang turan sa akin.Magaling kung ganun para madali naming maitakas ang mga bihag.

"Ito ang susi,buksan mo bawat selda at iteleport mo silang lahat bawat laman ng selda sa lugar kung saan nila Amira at Jaycob dinala ng mga bihag"turan ko sa kaniya.  Tumango na lamang siya saka tumingin ulit sa akin na nakanganga.

"O bakit?"tanong ko dito.Hindi naman siya nakagalaw sa kaniyang kinatatayuan saka itinuro ang likod ko.

"M-ma-mal-mala-malaki-malaking---"nauutal niyang turan kaya tumingin nalang ako.The hell!ang laking dambohalang demonical,redundancy language ganun,okey lang yun.

Nagdodge naman ako sa kaniyang atake.Pagkatapos ay ihinampas niya sa aking kinalalagyan ang hawak niyang malaking batuta.Ang kapal naman ng gagong to at hindi siya patas ang laki niya tapos ako...

Dahil sa nabwebwesit na ko sa kaniya sumigaw na ako,haha wala lang trip ko lang.Matapos kong sumigaw ay tumilapon ako kasi nahagip ako ng kamay niya.Nakita ko naman na papalapit na siya kay Hailey kaya agad akong tumayo.

"Mukhang masarap ka babae"turan nito habang lumalapit kay Hailey na kasalukuyang abala pa rin sa pagpapatakas ng mga lagalorians.

Hahampasin na sana iyon nitong dambohalang ito si Hailey ngunit nakatalon si Hailey papalayo sa kaniya kaya nakahinga ako ng maluwag.Tumayo naman ako saka umakyat sa ulo nung demonical na to.
Nagpupumiglas pa rin siya kaya nahulog ako,ngunit umakyat pa rin ako.Umalingawngaw naman ang sigaw nito nung saksakin ni Hailey ang mga mata nito,tumilapon naman si Hailey at tumama ang likod sa pader dahilan para mawalan siya ng malay.

"Magbabayad ka"turan ko saka nagpaulan ng fire ball.Saka ako gumawa ng FIRE CIRCLE ito yung pagpalibot ng apoy sa aking katawan saka naging firey orange ang mga mata ko.

Matapos nun ay sinugod ko siya saka ko pinunterya ang kaniya puso. Sinaksak ko yun gamit ang aking Fire Blade.Kahit nasaksak ko na yun ay hindi pa rin siya namamatay kaya ang ginawa ko ay pinutol ko na lang ang ulo niya,kaya bumagsak na ang katawan niya at ayun talo na siya.

Una ko munang pinakawalan ang mga nabihag na mga lagalorians.Dumating naman sina Amira at Jaycob,kaya si Amira na ang nagteleport sa kanila patungo sa ligtas na lugar.

"Bro kami na ang bahala rito.Kailangan na rin nating magmadali dahil pabalik na sina Javen mula sa Airenia,masama ito pagmaabutan tayo"turan sa akin ni Jaycob kaya patakbo akong lumapit kay Hailey dumudugo ang ulo niya ngunit unti-unti rin iyong bumalik at nawala na.

Mayamaya ay magigising na rin siya.Kinarga ko na siya in a bridal style saka na kami lumabas ng palasyo ng Lagalore,pinagmasdan muna namin iyon.Alam kong mababawi rin namin yun at manunumbalik na rin ang katahimikan sa mundo naming ito.

"Mababawi rin natin ang Lagalore,at alam ko yun"nakangiting turan ni Amira nagkatinginan naman kaming lahat saka na kami nagtungo muna sa lugar kung saan dinala namin lahat ng mga Lagalorians.

Dinala nila sila sa Tierra Verde kung saan nakatira ang Goddess na si Wallena.Nagtungo kami roon at maganda nga ang lugar na ito.Medyo wierd nga lang siya pag malayo pero pagmakalapit ka na,taob ang kagwapuhan ko.Haha.....

"Hindi ko inaasahan na magdadala kayo ng mga vampirels dito ng walang paalam."sambit sa amin ng Goddes ng Mariyas na to.Kaya lumuhod kami at ako na ang nagturan.

"Patawad po,nagawa lamang namin to dahil wala na po kaming maisip na pagdadalhan sa mga mamamayan ni Reyna Hena kundi dito."turan ko habang nakayuko.Matapos kong sabihin yun ay tumingin na ako sa kaniya na gulat pala sa sinabi ko.

"Kaharian nga ba ni Reyna Hena ang nasakop?bakit hindi niyo agad sinabi?"sambit niya saka ngumiti sa amin.

"Patawad ho talaga"turan naming lahat saka yumuko.

"Naku,huwag na halina kayo.at tuloy na muna."nakangiti niyang turan.

"Naku,pasensya na po ngunit yun lamang po ang aming kailangan ang may matuloyan ang mga lagalor
orians at tutungo pa kami sa Airenia para tulongan ang aming mga kapanalig."sambit naman ni Amira.Ngumiti naman si Wallena.

Tumango naman siya kaya nagteleport na kami papuntang Airenia.Hawak-hawak ko pa rin si Hailey na wala pa ring malay.At nakarating na kami sa Airenia...














The Princesses Of AlmairaDär berättelser lever. Upptäck nu