[EDITING]Chapter 19:Detention Trouble

962 23 0
                                    

Hailey's POV
Nandito ako sa isang lugar na puro puti lamang ang aking nakikita.Tama nasa DETENTION ROOM nga kami inaabsorb nito ang aming kapangyarihan para walang maging problema sa pagkontrol sa amin.

Nagising ako dito sa loob,teka seriously?nakatulog ako?bakit?Sa kalayuan nakita ko si Kyle na wala ring malay.Bakit naman kaya nawalan kami ng malay.

"Kyle!Kyle!gising oy!"turan ko kay Kyle saka ko tinapik ang kaniyang mukha ng mahina.

Naiinis na ako kaya umakto akong sasapakin siya ng magising ito.Agad itong napatayo mula sa kaniyang pagkakatulog ng biglaan saka tumingin sa akin at ngumiti.

"Naku,nakatulog pala ako pasensya na Hailey...teka,nasaan pala tayo?"sambit niya na ikinakunot ng aking noo,nakalimutan niya ba o pinaglololoko lang niya ako.

"Ano ba,Kyle huwag mo akong pagtritripan ngayon kung ayaw mong magkagulo tayo dito.Kahit na wala akong kapangyarihan ngayon.....I still won't mind"turan ko saka tiningnan siya ng masama .

"Hahahaha....hindi joke lang yun.Teka bakit kaya tayo nawalan ng malay?"turan ni Kyle.

Nagtagal din kami sa loob na yun.Siguro sa loob ng mga limang oras...grabe lang ha,ganun ba talaga kalaki ang aming naging kasalanan para maging ganito ang aming parusa?

Habang nakaupo kami sa dalawang armchair sa gitna ng ROOM na ito ay hindi na napigilan pa ni Kyle na magpumilit na makalabas.Pilit niyang sinasummon ang kaniyang element.

"Oy,Kyle.Ano ba nanaman ang binabalak mo?"turan ko.Yap,sa tono na para bang takot.

Pano ba ang tulad ko hindi matatakot para sa mga pinaplano niyang gawin eh,puro naman kasing palpak ang lahat eh....

"Aalis tayo dito,Hailey.Tatakas tayo"nakangiti niyang turan saka nagpapalingalinga na para bang may hinahanap.

"Ano ka ba hindi na tayo makakaalis dito kung hindi na sila mismo ang magpaalis sa atin.Isa pa,wala na naman tayong mana dahil hinihigop ng room nato ang lahat ng yun.....so please...tumigil ka nalang."turan ko sa kaniya na may halong pagkainis .

The Princesses Of AlmairaWhere stories live. Discover now