Chapter Two

138K 4.6K 1K
                                    

Silas seemed like the type who goes to school earlier than anyone else. Iyong tipo na uunahan niya pa ang pagbukas ng gates sa mga guard.

So, my resolution? I went to school earlier than my siblings and lied to my parents about an early meeting for a group role play in our first class, para lang mahatid ako nang mas maaga ng driver.

Ito ang unang beses na pumasok ako ng sobrang aga. Bilang sa daliri ang mga estudyante na nasa campus na. There's no one in our room when I reached it. Halos nagdalawang isip ako bago pumasok.

I'm not superstitious but I believe that we've barely seen what this world could offer. Even there's no strong evidence to prove the truth, a possibility will remain a possibility and that there's a possibility that ghosts are real.

Bumabagsak ang mga mata ko habang hinihintay ang pagdating ni Silas. Nung unang beses na may nag bukas ng pinto ay akala ko siya na, pero nabigo ako nang makita na ang presidente ng klase iyon.

A guy. He's part of the student council, second year representative, and also an academic achiever. He's okay looking. Why does all of this matter? He's got a crush on me. Kaya kapag may offenses ako ay palagi niya akong tinutulungan makalusot. And all I have to do is be very, very nice to him. No dirty innuendo.

"Whoa, ang aga mo ata ngayon, L?" manghang-mangha na sabi niya sa akin.

He went to his seat and slid his bag off his shoulders and hanged it on the back of the chair in front of him. Binuksan niya iyon at mukang may kukunin.

"Oo, eh. Balita ko kasi maaga ka rin pumapasok." I teased him.

He stopped from what he's doing and suddenly coughed. "H-Ha?"

"Wala. I'm just kidding." I playfully giggled. I stood up to sit beside him. "Ikaw, why are you here early?"

"Aayusin ko pa kasi itong mga photocopies para sa quiz natin mamaya. Kailangan i-stapler." he brought out a bundle of bond papers and placed it on top of his arm chair.

"Oh..." tumango-tango ako at maya-maya ay nanlaki ang mga mata ko. "Wait. May quiz?"

"Meron." nakangiting sabi niya. "Pero madali lang naman. Kaya mo yan."

"I don't think so. Wala nga akong maalalang discussions." tawa ko. I was smirking inside. Damn it. This is such a child's play!

"Uh..." he trailed. "Gusto mo tulungan kita mamaya?"

I innocently widened my eyes. "Really?"

"Sure." he tried to play it cool, but I can read him fully. Gusto kong matawa.

"Thank you!" I grabbed for his hand and lightly squeezed it.

Bumaba ang tingin ng president sa kamay namin na magkahawak. What's his name again? Bryan? Hindi ko sigurado.

Sabay na nag-angat ang tingin naming dalawa nang biglang bumukas ang pinto. My eyebrows raised in recognition when I saw him. A sheepish grin automatically found its way to my lips.

He paused at the door way. He stared at me and Bryan for a while, like he's trying to reassess the situation. His eyes dropped to our joined hands. That's the only time when I finally thought of retrieving my hand from Bryan.

Muling umangat ang mga mata ni Silas sa akin. Nang makita na nakatitig ako sa kanya ay agad siya nag-iwas ng tingin. Lumingon siya kahit saan, basta huwag niya lang ako makita.

Hindi ako tinapunan ng tingin nang pumunta sa upuan niya na katabi ng akin. Pinanuod ko siyang inilapag ang Nike Bag at kumuha ng libro mula sa loob. A title I'm not familiar with. But I'm sure it's the kind na kakailanganin mo ng dictionary pag binasa sa sobrang lalim ng English.

Every Bad ThingМесто, где живут истории. Откройте их для себя