Chapter Eighteen

97K 3.2K 562
                                    

Umakbay sa akin si Hadeon. Ipinatong ko naman ang gilid ng ulo ko sa balikat niya. Ngumiti ako sa camera na nakatutok sa amin at paniguradong ganoon din ang ginawa niya. When the flash died, I did a different pose. I closed my eyes and pouted my lips. Naramdaman ko ang kamay ni Hadeon sa likod ng ulo ko. Paniguradong naka-peace sign ang loko.

Nang mag flash ang camera ay tinulak ko siya at siniko. Umaray siya at napahalakhak. Nginiwian ko naman siya. My mother captured that moment, too.

Katok sa pinto ng hotel room ang nagpatigil sa aming kalokohan. Lahat kami ay napatingin sa pinto na binuksan ni Daddy. Hindi ko kita kung sino iyon pero may kutob na ako. The shift in the air and the speed of my heart beat were enough for me to know that it's him.

Nang lakihan na ni Daddy ang bukas ng pinto at umalis sa pagkakaharang ay nakita ko na si Silas. Agad na lumaki ang ngiti ko. Tumayo ako mula sa kama at iniwan ang kambal ko. Madali kong napansin ang bagong gupit niya. It looked really good on him. Lahat naman ay bagay. Kahit nga naka-clean cut siya dati ay malakas pa rin ang dating niya sa akin.

Sunod na bumaba ang mga mata ko sa katawan niya. Ito ang kauna-unahang beses na makikita ko siyang nakasuot ng ganito. Okay, I've seen him when we bought the suit at the mall, pero nag-iba ang ayos. Mukhang pina-alter ito para maglapat sa kanyang katawan. It looked better. 

Hindi bumaba ang mga mata ko dahil tumama ang mga mata ko sa hawak niyang isang bouquet ng flowers. It looked extravagantly beautiful. Hindi pangkaraniwang uri ng mga bulaklak ang nasa arrangement. I'm not the flowers-kind-of-girl but I could feel my own eyes sparkling as I stared at it. I'm positive that it's for me.

Muling umangat ang mga mata ko sa mukha ni Silas. Napakagat ako sa labi nang makita ang pagkamangha sa mukha niya. His lips were slightly parted. His eyes were stuck on my face, taking his time in drinking in my appearance. The flash that emitted from the camera snapped Silas out of his trance. Humagalakpak sa tawa si Hadeon.

Napatingin ako kay Mommy. She captured how Silas gaped at me. Napatawa ako dahil doon. Lumapit ako kay Silas. Malaking ngiti ang salubong ko sa kanya. Umayos siya sa pagkakatayo at pilit na ini-pormal ang sarili.

"Boy Gallego, you're an embarrassment to the group!" halakhak ni Hadeon.

Nilingon ko ang aking kambal at sinaaman siya ng tingin. "Shut your trap, Hades."

Hadeon just raised his both arms in surrender but amusement was still painted all over his face. Inirapan ko na lang ito at muling tiningnan si Silas na nakatingin na sa akin. Wala man lang paki sa pang-aasar sa kanya ng kapatid ko.

"What's the flowers for?" I raised a brow at him, still grinning.

Bahagyang namula ang mukha niya. He's too cute! Inabot niya sa akin ang bouquet. Hindi ko alam kung dahil sa pag-abot niya lang iyon pero medyo nanginginig pa ang bulaklak. Tinanggap ko ito agad.

"D-Do you like it?" he asked. I nodded. Syempre, paanong hindi kung sa'yo galing? "It's not too much?"

You're always too much, Silas. 

I puckered my lips and nodded. That made him gape. His eyes even widened a little in horror. 

I shook my head and giggled. "It's too much, but I love it anyway."

Tinitigan niya pa ako na parang naninigurado na hindi ako nagsisinungaling. Nang hindi ko binawi ang sinabi ay nagpakawala siya ng hangin. Para bang nakahinga siya nang maluwag dahil nagustuhan ko ang bulaklak na bigay niya.

"Picture!" sigaw ni Mommy. Naputol ang pagtitigan namin ni Silas dahil doon. Lumapit ako kay Silas kaya ngayon ay magkadikit na kaming dalawa. Humarap ako sa camera at ihinanda ang sarili para ngumiti. 

Every Bad ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon