Chapter Five

110K 4.6K 2K
                                    

My legs were stretched out as I folded my jogging pants upto my knees. Mainit kaya kahit na alam kong bawal na itiklop ito ay ginawa ko pa rin. Since when did I care about following the rules?

Nasa covered court kami ngayon para sa aming PE class. Pinagpapahinga kami ng PE teacher namin na si Mr. Pelaez. Kanina pa kasi nag-aaral ng ballroom routine sa handouts na binigay niya.

"L." napaangat ang mga mata ko nang lumapit sa akin dalawa sa mga kaibigan ko. Pia and Desiree. Umupo sila sa magkabilang tabi ko kaya ngayon ay ako ang nasa gitna.

"What's up?" I asked and brought my eyes to my other knee and started folding it.

"Diba close kayo nung si Gallego?" maingat na tanong ni Desiree. Napatigil ako sa pag-aayos ng jogging pants sa pagkakabanggit sa apelido ni Silas.

Umayos ako ng upo at pinaningkitan ng mga mata ang kaibigan ko na lumapit sa akin dahil may kailangan. D'yan tayo magaling, e.

"Yes. Why?" nag-angat ako ng kilay sa kanila. They better tread damn lightly.

"Are you two... together?" Pia asked.

Bumaba ang nakaangat kong kilay at napatawa sa naging tanong niya sa akin.

"No!" I shook my head and snickered. "We're friends."

"Do you uhm... like him-like him?" Pia asked again.

Natigilan ako doon. Naglaho ang ngiti sa labi ko. Hindi ako nakasagot agad. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa na parehong nag-aabang ng sagot ko.

I scowled. "He's... not my type."

And that's true. He doesn't belong to the type of guy that I usually go for. Iyong malandi, either playboy or bad boy, hindi seryoso, mukhang maraming kasalanan sa buhay, at magaling humalik. Silas can't be described with those words.

He's not a flirt. He's too closed off. He's not a play boy or bad boy. He's too gentle and caring. Madalas ay seryoso siya. He looks like the type who goes to church every Sunday.

And... I've never kissed him, so I can't say for sure kung magaling siyang humalik.

"Really?" she asked with her eyes opened wide and innocent. Unti-unting namula ang mukha niya.

Kumunot ang noo ko sa kanya. "Bakit?"

"Crush kasi ni Pia si Silas! Pwede raw bang manghingi ng phone number?" nakatawang sabi ni Desiree.

"Des!" angal ni Pia na pulang-pula ang mukha. Ramdam ko pa rin ang pagkakakunot ng noo ko habang nakatingin sa isa kong kaibigan.

Sumimangot ako. "Wala akong number niya."

Naglaho ang tuwa sa mukha ni Desiree. Si Pia naman ay hindi maipaliwanag ang mukha.

"Di nga?" duda ni Desiree sa akin. Her eyes were filled with disbelief, too.

"Yes. We only talk at school. We never had a reason to exchange numbers." I casually shrugged.

"Sus, L! Ayaw mo lang ata ibigay." sumimangot siya.

"Bakit hindi ko ibibigay? At kung meron man talaga, akin ba iyon para ibigay? Ask the owner of the number, he's the owner after all." I laughed, shaking my head at them.

"L naman. Ang damot." ngumuso si Pia sa akin.

"I really don't have it. Kung ayaw niyo maniwala, that's really not my problem anymore." I answered, my tone light and amused.

"Position, everyone!" biglang sigaw ni Mr. Pelaez. Umangat ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses niya. He's already in front.

Ibinalik ko ang tingin sa dalawang kaibigan. Nakangising kumindat ako sa kanila at tumayo para pumunta sa pwesto ko.

Every Bad ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon