Chapter Fourteen

105K 4K 775
                                    

"Laurene, hindi ka ba sasabay umuwi?" Zeno asked. Kasama niya si Hyon. Dala-dala niya ang bag nilang dalawa.

Kahit na isang taon ang tanda ko sa kanya ay hindi na siya nag-abalang mag 'ate' sa akin. Pati si Hadeon ay hindi niya tinatawag na Kuya. He only calls Kuya Xavi that.

"No. Manunuod ako ng practice ng Kuya Silas niyo."

"Okay po. See you later, Ate." humabol ng halik sa pisngi si Hyon sa akin bago siya hinila ni Zeno paalis.

Naghihintay ako sa bench malapit sa covered court. This is where they're going to practice. Nasa room pa sila Silas dahil hindi pa sila dini-dismiss. I chose to wait for him here.

"L!" someone called. A girl's voice.

Hindi na ako nagulat nang makita si Des at Pia. Hindi na nila suot ang regular uniform. They are wearing a shirt and an old jogging pants. They are part of the cotillion, that's why they are here.

"Kasama ka na sa cotillion?" Des joyfully asked.

"No." ngumisi ako at umiling. "Manunuod lang."

"Sino naman papanoorin mo?" Pia innocently asked. Pinigilan ko ang sarili na mapangiwi. Crush nga pala ni Pia si Silas. I wouldn't want to be inconsiderate of her feelings. Hindi ako insensitive.

"Oh." Des simply mumbled. Napatingin kami pareho sa kanya. May tinitingnan siya. Sinundan ko ang direksyon ng mga mata niya at nakita si Silas na naglalakad mag-isa. 

His bag was on his back. Seryoso ang kanyang mukha, pero kahit walang ngiti sa mga labi ay hindi siya mukhang suplado. He looks gentle. His light brown eyes are enough to make you trust him to never hurt you.

"Samahan mo ako sa canteen, Pia. Nagugutom ako." Des grabbed Pia's arm.

"Paano si L?" naguguluhang tumingin si Pia kay Des at matapos ay sa akin.

"Go ahead. I still have to find Hadeon." sabi ko. 

Tumango sila at agad din umalis. Nang makatalikod na sila ay hinarap ko naman si Silas. His eyes were already on mine. His serious expression from earlier softened. Kung saan niya man balak pumunta kanina ay hindi na natuloy iyon dahil sa akin na siya dumiretso. Sinalubong ko siya nang malaking ngiti.

"I thought you already went home." he started. His eyes briefly scanned my face, like always. It lingered on my lips before going back to my eyes.

"Nope. Manunuod ako ng practice niyo." I happily exclaimed.

May maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Silas. His eyes seemed to brighten a little, too. "Ihahatid kita sa inyo pagkatapos?"

"Okay." I enthusiastically nodded. Silas flashed a boyish smile and nodded back.

Bumalik kami sa bench kung saan ako nakaupo kanina. Sa akin iniwan ni Silas ang bag niya. Hindi nagtagal ay dumating ang mga participants ng cotillion. Kasabay nito ay ang pagdating ng faculty in charge na si Ms. Cerna, kasama ang dalawa pang tao na naka-casual attire. They must be the choreographers.

"Maghiwalay ang juniors and seniors, both years form two lines for boys and girls by height." Ms. Cerna instructed and clapped her hands as a signal.

Agad naman sumunod ang lahat. My eyes stayed on Silas the whole time. Paminsan-minsan ay mapapatingin siya sa gawi ko at mapapangiti naman ako sa tuwing mangyayari iyon.

Sa pinakahuli napunta si Silas. Hindi naman nalalayo ang height niya sa mga sumunod sa kanya, but still, he's the tallest. Halos kapantay niya nga ang lalaki na nasa huling pila ng seniors na si Ivan. I know him because he used to be my fling.

Every Bad ThingWhere stories live. Discover now