Chapter Nineteen

98.9K 3.3K 1.6K
                                    

Nang muli kong imulat ang mga mata ko ay agad na nahanap ng mga mata ko si Silas. He's looking at me now. May bakas ng pag-alala sa mukha niya. I need to fix my face. I'm kinda thrilled and scared at the idea that he might stop in the middle of the dance when I keep on looking like this. Ayaw ko naman gumawa ng gulo kaya pinilit kong ngumiti sa kanya at nag thumbs up pa.

Ngumiti siya sa akin. Simula 'non ay hindi niya na inalis ang tingin sa akin. Hanggang sa matapos ang sayaw ay sa akin siya nakatingin. His eyes only left mine when they exited the dance floor.

The girls headed for wherever, probably to change into their prom dresses. Habang ang mga lalaki naman ay pumunta na sa kanya-kanyang table.

Ina-announce na ng master of the ceremony ang dinner. Umingay ang lahat matapos ng announcement na iyon. The food will be served at the table, so there's no need for us to get up from our seats.

"Pwede kaya manghingi ng extra rice?" tanong ng isa sa table namin.

"Ay, teh, wala tayo sa Mang Inasal." pambabara naman nung isa. Nagtawanan ang lahat. Pati ako ay natawa. What a rebut.

Natigil ako sa pagtawa nang may tumapik sa balikat ko. Nakita ko si Hadeon kasama si Silas at isa pang lalaki na galing sa section nila.

"Come on, you'll sit on our table." aya ni Hadeon sa akin.

"Is it allowed?"

"Since when did you care if it isn't?" Hadeon chuckled and pointed at the guy. "You'll be swapping with him."

Tumango ako sa aking kambal. Nagpaalam muna ako sa mga kaklase ko bago tumayo sa mula sa table. Naunang maglakad si Hadeon. Napatingin ako kay Silas nang hawakan niya ang kamay ko. He's watching our hands as he clasped his fingers between the spaces.

Nang magkalapat ang kamay namin ay umangat ang mga mata niya sa akin. Maamong ngumiti siya sa akin at ngumiti naman ako pabalik.

Hila-hila ako ni Silas patungo sa kanilang table. Takumi and Orion were at the table when we arrived. Nakangiti silang pareho bilang pagsalubong sa pagdating namin.

"Wow, you look good, L." bati ni Takumi sa akin.

Takumi's eyes grazed me from head to toe. Pati si Orion ay ganoon ang ginawa ngunit walang sinabi. Nagtas siya ng kilay at matapos ay isa-isa tiningnan ang mga kaibigan.

"Can we eat now?" si Orion.

We got settled on the table. Katabi ko si Hadeon at Silas. Katapat ko si Orion na katabi si Takumi. May apat pa kaming kasama sa table. All of them were guys. Ako lang ang bukod tanging babae sa table na ito.

Inaasar nila si Silas sa pagsayaw nito sa cotillion. Tahimik naman na tinanggap ni Silas ang pang-aasar sa kanya. It pissed me off, so I defended him and mocked them back. Lalo na si Orion na nangunguna sa pang-aasar.

Puro sila kalokohan. I have to admit, mas sumaya ako nang sila ang makasama sa table. I don't know if it's them as a whole or if it's because I'm with Silas.

Tumahimik lang ang buong ballroom nang humina ang upbeat music na tumutugtog at magsalita ang master of the ceremony. Lahat ng atensyon ay napunta sa harapan. Bigla akong tinamaan ng kaba. I know this!

"It's time..." pa-suspense ang tono ng emcee. Daming alam. Pinatulan naman ito ng mga estudyante. May ilan pang hysterical na tumili. Ang ilan ay mga lalaking malolokong humiyaw. "It's time to announce the junior and senior prom queens and kings."

Nanlamig ang buong katawan ko. I'm aiming for this. Malabo dahil sa bad records ko... pero gusto ko pa rin. I've been real nice the past year. Hindi pang-section one ang grade ko, pero wala na akong bagsak. Pwede naman na yon diba?

Every Bad ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon