Chapter 2

76.8K 2.6K 144
                                    

Chapter 2

CRYSTAL'S POV

Hinila ako ni Mama Adelfa patungo sa room niya nang makita niyang nag-iisa ako kanina sa upuan namin ni Ozu.

Mabuti nalang at nakapagpalit na ako ng wedding gown. White dress na fitted na ang suot ko ngayon kaya madali para sa akin ang maglakad.

"Ma, ano po ba'ng gagawin natin dito? Kailangan pa po kasi ako doon sa reception."

"Pasok, dali! 'Wag nang maraming tanong at may mga ipapakita ako sa 'yo."

Hindi niya ako sinagot sa tanong ko. Hinila niya pa rin ako sa loob hanggang marating namin ang kama.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinilabutan nang makita ko ang samu't-saring klase ng underwear na nakalatag dito sa kama niya.

"Ma, naman!" angal ko. Napagtanto ko kung para saan 'yon.

"Oh, bakit? Tignan mo, ang gaganda 'di ba?" Nilantad pa niya ang mga 'to isa-isa kung kaya may pumasok na hindi maganda sa isipan ko.

Hindi! Erase. Erase Crystal!

"Mamili ka rito ng susuotin mo mamaya. Dapat sa honeymoon n'yo ni Ozu maganda at sexy ka. Dapat makabuo na agad kayo dahil gustong-gusto ko nang magkaapo."

Mas kinilabutan ako nang marinig ko 'yon mula sa kanya.

"Hoy! Crystal, ano ka ba anak? Mamili ka na rito. Dapat galingan mo ang pagiling-giling mamaya, ha?"

"Ma!" saway ko sa kanya kasabay ng pagpadyak ng mga paa ko.

"Bakit ba nagagalit ka riyan? E, magho-honeymoon naman talaga kayo mamaya. Gusto ko na magkaapo. Bilis na! Ano ba ang gusto mo rito?"

Sinamaan ko ng tingin si mama na patuloy namimili ng churba underwear na mga 'yan.

"Ah, ito! Ang ganda nito. Siguradong magugustuhan ito ni Ozu. Ito nalang ang kunin mo!"

Para magtigil na itong si mama kinuha ko nalang iyong napili niya. Agad niya iyong nilagay sa magandang paper bag na maliit at sapilitang ibinigay sa akin.

"Babalik na po ako ro'n, baka hinahanap na niya ako," pagpapaalam ko.

"Oh, sige na, magreretouch muna ako rito. Susunod nalang ako ro'n. Suotin mo 'yan mamaya, ha? 'Yung pagiling-giling mo galingan mo mamaya!"

Hindi ko na siya sinagot. Padabog akong naglakad tapos sinarado ko ng malakas iyong pintuan nang makalabas ako.

Nataranta naman ako nang makita kong nandito rin pala si Ozu. Parang galing siya sa kabilang kuwarto.

"Oh! A-Anong ginagawa mo rito?" nauutal niyang sabi.

Umiwas naman ako ng tingin. "Ah, s-sinamahan ko lang si mama. Nando'n siya sa loob." Tinuro ko pa mismo iyong kuwarto.

Hindi kami makatingin ng deretso sa isa't-isa. Ang awkward.

"Ah, e, ano pala 'yang hawak mo?"

Nanlaki ang mga mata ko nang ituro niya iyong hawak kong paper bag na may lamang underwear na binigay sa akin ni mama kanina.

"Ha? W-Wala 'to!" Mabilis ko itong tinago sa likuran ko.

Nakakahiya kaya sa kanya kung makikita niya kung anong nilalaman nito. Baka mamaya isipin pa niyang pinaghandaan ko ng sobra itong kasal namin e sina Ate Mimi at Mini kaya ang may pakana ng lahat nang 'to.

"Hi, Pangit~" sabi ni Darren nang papalapit ito sa dereksyon namin. Kasama niya sina Zyren at Ezikiel na natatawa dahil sa tono palang ni Darren nang-aasar na siya.

Nakita kong pinanlakihan ng mga mata ni Ozu si Darren. "Hoy! Darren, anong tinawag mo sa kanya?" Mukhang naasar siya.

"Pangit. Bakit?" sagot agad ni Darren.

"Bawiin mo 'yon! Ako lang ang may karapatang tumawag sa kanya no'n!" Halos panggigilan niya si Darren na sumuksok naman kina Ezikiel at Zyren.

"Weh? Selos ka lang e," bulong naman ni Zyren.

"May sinasabi ka?" pagsusungit niya.

"Wala! Lahat nalang sa 'yo bawal. Ang sabi ko mauuna na kami ro'n," Zyren.

"Sunod nalang kayo, ha?" ani Ezikiel. Nag-akbayan iyong tatlong King. "Bye, Pangit~" pahabol na pang-aasar nila.

"Aba! Maloko 'yung mga 'yon, ah?" Inambahan niya iyong tatlo kaya dali-dali nanakbo.

"'Yung mga 'yon talaga! Nakikitawag din sila ng pangit!"

Palihim akong natawa nang magsalita siya ro'n mag-isa.

"Ah, gutom ka na ba? Gusto mo kumain muna tayo?" anyaya niya sa akin.

"Sige!" Palihim akong kinilig. Nagkangitian kaming dalawa lalo na nang sinakbit ko iyong kamay ko sa braso niya.

Palihim ko namang tinapon sa basurahan 'yung paper bag na binigay sa akin ni mama nang makakita akong basurahan. Ayoko ngang suotin 'yon. Nakakahiya.






Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon