Chapter 9

57.3K 2.1K 11
                                    

Chapter 9


Nakapalibot kami ngayon sa isang lamesa nang marating namin ang sinasabing terrace ni Ate Mimi. "Ozu, kailangan n'yo nang magkaanak ni Crystal," hayag ni Ate Mimi kaya muntikan ko nang maibuga 'yung iniinom kong tubig.

Grabe! Ayan na naman sila. Halos mamula na naman ang pisngi ko ngayon.

"Hay, talaga bang dapat pag-usapan 'to sa harapan ninyo?" angal naman ni Ozu.

"Tumigil ka Ozu! Seryoso ako sa sinasabi ko!" pagkatapos siyang sawayin ni Ate Mimi sumimangot nalang 'yung mukha niya.

"Tapatin n'yo kami, may nangyari na ba sa inyo kagabi?" bigla namang tanong ni Ate Mini kaya napaiwas kami pareho nang tinging dalawa. Feeling ko nasa hotseat kami ngayon.

Seryoso na kaya 'yung usapan. Mga Ate talaga, oh!

Nang mapatingin naman ako kay Ozu sapo-sapo niya iyong ulunan niya na tila namomroblema. Tingin ko nahihiya rin siya at pareho lang kaming dalawa.

"Mayroon man o wala, since nakatira na kayo sa iisang bahay—within two or three months may mabuo na dapat kayo."

Gustong-gusto ko nang makaalis dito sa kinauupuan ko ngayon dahil hiyang-hiya na talaga ako sa mga sinasabi nila. Siyempre, mangangapa pa kami ni Ozu sa isa't-isa.

"Nakikinig ba kayong dalawa? Seryoso ako sa sinasabi ko lalo ka na Ozu!" tumaas 'yung boses ni Ate Mimi kaya pinagpawisan ako.

"Oo na, nakikinig naman ako, e," tinatamad niyang sagot samantala tumango lang ako pero hindi ako makatingin sa kanila ng deretso. Ang awkward kaya.

"Simula ngayon, ayon ang mission n'yo."

"Ozu, makinig ka, kailangan n'yo kaagad magkaanak ni Crystal para mailipat na natin sa kanila ang pamana sa atin nina Mama at Papa. Buntis na si Mini at may anak na ako. Ikaw nalang ang napag-iiwanan, or else ayaw mong bigyan ng magiging anak mo ng mana."

"Oo na," sagot niya ulit.

"At kailangan mo na ring pag-aralan ang mga business natin dahil hindi na si Mama ang hahawak no'n kundi ikaw na. Pero 'wag kang mag-alala dahil tutulungan ka namin ni Mini at papartihin natin 'tong tatlo sa isa't-isa. Naiintindihan mo ba?"

"Oo." sagot niya ulit.

"Simula sa susunod na linggo magsisimula ka na sa Kang Tower."

"Okay," tinatamad pa rin niyang sagot.

"Nga pala, may isa pa, sa loob ng tatlong buwan at wala pa rin kayong nabubuo ni Crystal, paghihiwalayin namin kayong dalawa."

"Ha?" Nagulat kami pareho.


*****

Lumipas ang ilang minuto nakaalis na nga ang mga Ate. Pareho kaming nakaharap ngayon sa refrigerator dahil dito nila ipinaskil 'yung magiging divorce paper namin ni Ozu kapag hindi raw namin magawa 'yung mission namin.

"Seryoso ba talaga sila?" ani Ozu habang hindi namin matinag ang titig namin dito sa mga papel.

"H-Hindi ko alam? Malay ko ba kila Ate," sagot ko.

"Masyado naman silang nagmamadali, tch!"

Nagkatinginan kami sa isa't-isa sabay iwas agad. Ang awkward!

"A-Akyat na ako sa taas. Nando'n na raw kasi 'yung mga damit natin kaya ako na lang ang mag-aayos no'n." Mabilis akong tumakbo papunta sa taas at nagkulong ako rito.

Nakakapanibago pero fighting lang Crystal!





OZU'S POV

Nakakaramdan na ako ngayon ng gutom. Maghapon akong nanuod ng palabas sa TV mag-isa samantala si Crystal, hindi pa siya ro'n bumababa sa itaas.

Pabalik-balik ako ngayon na naglalakad habang nag-iisip. Hindi naman kasi ako marunong magluto. Anong kakainin ko rito?

"P-Pangit?" No choice ako kundi ang puntahan siya ro'n.




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon