Chapter 34

42.1K 1.3K 77
                                    

Chapter 34

OZU'S POV

"What?" Nagulat ako sa ikunuwento nilang lahat sa akin. Ganito puwesto nila habang nakatayo ako at pabalik-balik sa paglalakad ko. Pangit| Balat| Darren| Nana at nakaupo sila sa sofa.

"Wait lang? Naguguluhan ako. Paano n'yo nasasabing nakita n'yo 'yung nakapato—tch—" hindi ko masabi-sabi 'yung gusto kong sabihin. Gusto ko lang naman kasing itanong kung bakit sinasabi nilang nadatnan daw ni Pangit na nakapatong sa akin si Nana samantala kaibigan ko lang siya. Isa pa, bakit gagawin ni Nana 'yon sa akin? Naguguluhan ako. Bakit nandito siya?

"Ozu Kang, maniwala ka naman sa akin," sabi pa ni Pangit kaya napatingin ako sa kanya.

"'Wag kang maniwala sa kanya, Ozu. Look! Bakit ko naman gagawin sa 'yo 'yon? Isa pa, kaya ako nandito para bisitahin ka lang. Crystal, baka naman kasi nagseselos ka? 'Wag ka namang ganyan dahil magkaibigan lang talaga kami ni Ozu. Isa pa, I'm dating with Darren, paano ko naman gagawin 'yon?" pagpapaliwanag ni Nana.



BALAT'S POV

Ang walang hiyang Darren Min na 'to, nagagawa pa niyang makipagflirt sa iba samantala dating na pala sila ni Nana? Buysit! Nakatingin siya sa akin ngayon habang nakangisi samantala inirapan ko naman siya.

Binigay niya sa akin 'yung cellphone ko na naiwanan ko kanina sa kotse niya pero hindi ko siya pinasalamatan bagkus sinungitan ko pa siya.

Kahit kailan, hinding-hindi ako magkakagusto sa isang babaero na katulad niya. Kahit guwapo siya NEVER! Hinding-hindi ko siya papatulan.





CRYSTAL'S POV

Anong sinasabi ni Nana e ayon naman talaga 'yung totoo kong nakita kanina. Napakunot-noo na ako. Nagsisinungaling kasi siya. "Pangit, anong problema? Bakit sinisiraan mo sa akin si Nana?" Nagulat ako sa sinabi ni Ozu.

"Ako pa ngayon 'yung masama? Nagsasabi ako nang totoo dahil ayon 'yung nakita ko. Hindi ako nagsisinungaling!" napataas na 'yung boses ko. Tinitigan ko si Nana ng masama.

"Pero Pangit, napakaimposible kasi nung sinasabi mo," sabi pa niya.

"Ah, gano'n? Fine, 'wag kang maniwala sa akin," sabay tayo ko at aalis na sana ako nang biglang dumating dito si Moira.






MOIRA'S POV

Pagpasok ko sa loob ng Office ni Ozu nadatnan kong papaalis na sana 'tong Pangit na 'to. Taas kilay ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa nang makaharap ko siya sabay binigyan ko siya ng isang malakas na sampal na kinagulat ng lahat lalo na si Ozu.

"Moira!" saway niya sa akin. "Bakit mo ginawa 'yon?!" pagalit niyang tanong.

Pero hindi ko siya pinansin. Hinarap ko pa rin 'tong pangit niyang asawa. "How dare you para siraan si Nana kay Ozu?!" hindi siya nakaimik dahil gulat na gulat siya sa ginawa ko sa kanya.

"Moira," sabi naman ni Nana sabay lapit sa akin. "tignan mo 'yung ginawa nila sa akin. Hindi ko sila mapapatawad ng pangit niyang kaibigan!" pag-iinarte niya.

"Hoy! Anong karapatan mo para gawin sa Bestfriend ko 'yon, ha," singit naman ni Balat.

"Bakit? Gusto mo rin bang masampal ha, pangit?!" Sigaw ko kaya nanggagalaite siya.

"Aba! Ginagalit mo ako? Akala ko ba naman nagbago na 'yang ugali mo plastic ka naman pala!" Susugurin niya sana ako pero biglang humarang si Darren sa gitna namin.

"Tumigil na kayo! Darren, please lang, pakilabas muna sila dahil sumasakit ang ulo ko." Nakahawak na sa sintido niya si Ozu at naguguluhan. Pero kung hindi lang humarang si Darren sa gitna namin baka nasampal ko na rin 'tong pangit na kaibigan ni Crystal katulad niya.





Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon