Chapter 76

46.3K 1.4K 47
                                    

Chapter 76

After one week...

Nakipagkita ako kina Sophia at Ehdrey ngayon dito sa Shining Company dahil back to work naman na kami dahil tapos na nga ang treat vacation ng company sa amin.

Halos buong maghapon yata kaming nagkukuwentuhan about sa mga kilig moments na ginagawa sa amin ng mga King.

Masaya na rin kami para kay Ehdrey dahil nga magkasama na sila ni Zyren sa iisang bahay. Isa pa, magkasundo sila ng lolo ni Zyren at alam na rin namin 'yung tungkol sa nangyari sa kanila sa resort.

Kung may mabuo man sila sa nagawa nilang 'yon, at least, deserve naman nila 'yon dahil mahal naman nila ang isa't-isa. Model na nga rin siya rito sa Shining Company katulad namin ni Sophia. Sinabak din kasi siya ni Ate Mimi.

At ito namang si Sophia, minsan pala, doon na rin nakikitulog si Darren sa bahay nila. Wala naman siyang kinukuwento kung may nangyayari na sa kanilang dalawa ni Darren pero kung meron man katulad nina Zyren at Ehdrey private na nila 'yon.

Nagkayayaan kaming kumain ngayon ng sabay-sabay sa labas kasama ang mga King at nando'n na raw sila ngayon sa labas kaya papunta na kami ro'n ngayon.

Nang bigla kaming magulatdahil biglang sumulpot sina Moira at Nana rito sa harapan namin.

"Crystal, please, patawarin mo na ako sa mga nagawa ko sa 'yo. Nagmamakaawa akosa 'yo." Lumuhod si Moira sa harapan ko at yumakap pa sa mga binti ko.

"Sophia, patawarin mo na rin ako. At nakikiusap ako sa 'yo na ibalik mo na sa akin si Darren." Lumuhod din si Nana sa harapan ni Best friend.




Nagkatinginan nalang kaming tatlo dahil sa ginagawa nila ngayon. Hindi ko expected na magkikita-kita pa kami matapos ang ginawa nila sa akin.

"Tch! Itong mga Bruhang 'to, may gana pa talaga kayong magpakita rito? Puwede ba, hinding-hindi ko ibabalik sa 'yo si Darren! Manigas ka!" Hinawi ni Sophia 'yung mga binti niya dahilan para matumba si Nana sa sahig.

"Crystal, please, sorry na. Patawarin mo na ako." Muling pagmamakaawa sa akin ni Moira pero biglang lumapit sa akin si Sophia at tinulak niya si Moira.

"Puwede ba! Layuan n'yo na nga kami? Isa pa, iw~ bakit ganyan ang mga itsura ninyo? Namumulubi na ba kayo? Kung sabagay tama lang sa inyo 'yan dahil ang sasama kasi ng mga ugali n'yo," mataray niyang pagkakasabi habang sina Nana at Moira nananatiling nakaupo sa sahig habang nakatingin sa amin.

"Oops! Sorry!" Nang bigla namang sadyain ni Ehdrey na buhusan ng malamig na tubig itong dalawa. Kaawa-awa tuloy silang tignan ngayon. Pero dahil muling nagpakita itong si Moira sa akin, hindi ko na palalampasin pa 'yung ginawa niya sa batang nasa sinapupunan ko noon.

"Tumayo ka," seryoso kong utos sa kanya na siya niyang dali-daling ginawa. Humarap ako sa kanya pagkatayo niya habang nakatingin lang sina Ehdrey, Sophia, at Nana sa amin.

Nang bigla ko siyangsampalin sa kanan niyang pisngi na siya niyang kinagulat. "Para 'yan sa anakko." At muli ko pa siyang binigyan ng isa pang sampal sa kaliwa naman niyangpisnge. "At para naman 'yan sa pagpapasakit n'yo sa akin. Kung alam n'yo langsana kung gaano kasakit mawalan ng anak. Pasalamat kayo at 'yan lang angnatikman n'yo sa amin hindi na namin kayo pinakulong pa. Pero once na guluhinn'yo pa ulit kami, ibang Crystal na ang makikita n'yo at hinding-hindi n'yo namagugustuhan ang gagawin ko."

Matapos ko 'yung sabihin, nang makita kong may hawak na coffee itong dalawangbabae na nasa tabi ko, kinuha ko 'yon at saka binuhos sa kanilang dalawa niNana.

"Aaah! Ang init!" angal nila habang naglulupasay.


"Ang aarte n'yo! Hindi naman gaanong mainit 'yan 'no!" Sabat nung dalawang babae na inagawan ko ng coffee.


"Hi! Bibilhan nalang ulit kita ng coffee," sabi ko ro'n sa babae.


"Naku! Hindi na Miss Crystal, hindi naman ako nanghihinayang na ibinuhos mo sa kanila 'yan. Nararapat lang 'yung ginawa mo sa kanila."

Hindi nakapagsalita sina Moira at Nana sabay alis naman nung mga babaeng nagsalita. "Oh, ano kayo ngayon? Anong pakiramdam na maraming galit sa inyo, ha?" dagdag pa ni Sophia.

"Nag-aaksaya lang tayo ng panahon sa kanila," pagmamaldita naman ni Ehdrey.

"Yeah! Ang mabuti pa umalis na tayo rito," ani Sophia. Hinawakan niya ako sa braso gano'n din si Ehdrey. Umalis na kami ro'n at naglakad patungong front door nang habulin ulit kami nina Moira at Nana. At kagaya nung ginawa nila kanina nagmamakaawa pa rin sila sa amin.

"Hoy! Moira! Bitiwan mo si Crystal!" sigaw ni Ozu nang makita kami. Kasama niya ngayon sina Zyren at Darren at agad silang lumapit sa amin.

"Beb, okay ka lang ba? May ginawa ba sa 'yo 'tong si Nana?" tanong ni Darren kay Sophia.

"Okay, ka lang, Babe?" pag-aalala naman ni Zyren kay Ehdrey.

"Bakit ba nanggugulo pa rin kayo hanggang ngayon ha, Moira?!" Sumigaw na si Ozu.

"O-Ozu, please, patawarin n'yo na kami," pagmamakaawa nina Moira at Nana. Lumuhod sila sa harapan ng mga King. 'Yun nga lang sorry sila dahil hindi pinansin ng mga King 'yung pagmamakaawa nila. Baka kasi nagbabalat-kayo lang 'yang mga 'yan.

"Sa susunod na makita ko pang lumapit kayong dalawa sa kanilang tatlo ipapadampot ko na kayo sa mga pulis." Kunot-noo na sabi ni Darren sa kanila.

"Halika na kayo! Umalis na tayo rito." Tinitigan naman ni Zyren ng masama 'yung dalawa tapos umalis na nga kaming anim do'n.





MOIRA'S POV

Napaupo kami ni Nana sa sahig matapos nila kaming iwanan dito. "Aaah!" Maarteng paglulupasay ni Nana habang ako naman nawawala na yata sa katinuan ko. "Anong gagawin natin Moira, ngayong wala na ang lahat sa atin! Palpak talaga ang mga plano mo kahit kailan!" angal pa niya.

"Mga Ineng..." Nagulat naman kami nang bigla kaming lapitan ng isang matandang babae kaya napatayo kami. Tinignan namin siya mula ulo hanggang paa.

"Eww~ sino ka ba? Puwede ba layuan mo nga kami!" sabi ko sa kanya at inirapan namin siya.

Ang weird niya dahil nakasuot siya ng all black na kamiseta.

"Hoy! Puwede ba? 'Wag kanang lalapit sa amin dahil hindi kami dumidikit sa mahihirap!" Sinigawan siyani Nana nang bigla nitong hawakan 'yung mga kamay namin at tinignan niya 'yungmga palad namin ng sabay.

"Pagbabayaran n'yo ang lahat ng mga ginawa ninyo sa kapwa n'yo. Mag iingat kayo." Pagbabanta niya tapos maya-maya lang bigla siyang tumawa habang papalabas sa front door.


Nagkatinginan naman kami ni Nana sabay sabi naming—"Baliw!" sa kanya. Pero nagulat kami nang biglang may humintong van sa tapat niya at kinuha siya. Maraming mga lalaki at mukha silang mga gangster.

"Tulong! Tulungan n'yo ako!" sigaw nung matanda pero ano namang pakialam namin sa kanya.

"Nararapat lang 'yan sa 'yo!" Pagtataray ko pa. As if naman kasing tulungan namin siya.


Nang umalis kami ro'n at makatawid kami sa kabilang kalsada biglang lumipad 'yung sombrero ko dahilan para sundan ko 'yon.

"MOIRA!" Biglang sigaw ni Nana kaya nilingon ko ang kinaroroonan niya pero sa paglingon kung 'yon, nagulat ako nang may papalapit pa lang kotse sa akin kaya natulala ako—pero huli na ang lahat.




NANA'S POV

"Oh, my gosh! Moira!" gulantang ko nang makita ko si Moira na nabunggo ng isang itim na kotse.

At sa pagmamadali kong makalapit sa kanya halos makipagpatentero ako sa mga nakakasalubong kong mga sasakyan. Ang kaso, hindi ko rin inaasahan na maging ako ay mabubunggo ng isa pang kotse kaya naramdaman kong bigla nalang akong bumulagta sa kalsada malapit sa kinaroonan ni Moira. Nakita ko pang pinalilibutan kami ngayon ng mga tao pero hindi ko na maikilos ang buong katawan ko.

Nang malaman naman ito ng mga King at nila Crystal agad silang napapunta ng Hospital.

Ilang oras pa ang lumipasnakausap na nila ang Doctor.

May malay naman ako pero nabalian daw ako ng kamay at may mga peklat sa iba't-ibangparte ng mukha at katawan ko. Samantala si Moira comatose raw at may bali rindaw sa kaliwa niyang binti pero ang mas pinunterya sa kanya ay ang mukha niya.

Halos gumuho ang mundo ko dahil sa mga nalaman ko. Humagulgol ako sa harapan ng mga King at nila Crystal habang nagwawala. Mukhang nagkatotoo 'yong hula sa amin ng pobreng matanda kaya kapag nakita ko siya, humanda siya sa akin. Siya ang may kasalanan nito.






Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat! 

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon