Chapter 21

51.6K 1.7K 34
                                    

Chapter 21



CRYSTAL'S POV

"Hoy Pangit! Bakit mo sinira 'yung regalo ko sa 'yo?!"

Pagkasigaw niya no'n bigla akong bumalik sa pagkatao ko.

"Ha? Anong sinabi mo?" pagtataka ko.

"Itong swimsuit! Bakit mo sinira?!" Hinablot niya sa akin 'yon kaya nabitawan ko.

"H-Hindi 'yan sa babae mo?"

"Ano bang sinasabi mo? Wala akong babae! Ireregalo ko sa 'yo 'to!" Bigla akong nagpout matapos kong marinig 'yung sinabi niya.

"Talaga ba?" Nagbaby talk ako sabay hawi ng buhok ko sa tainga.

"Nababaliw ka na ba, ha?!" sigaw niya.

Nagpunta siya sa sala habang bitbit 'yung swimsuit kaya sinundan ko siya.

Akala ko naman kasi sa babae niya 'yon. Tamang hinala lang pala ako. Nakasimangot siya sa akin ngayon.

"Sorry naman. Akala ko kasi may babae ka na. 'Di mo ako pinapansin kagabi tapos nakita ko pa 'yan sa bag mo." halos manggilid 'yung mga luha ko. Nakita ko namang napabuntong hininga siya.

"Alam mo bang first gift ko sa 'yo 'to?" Nanghihinayang siya ngayon.

"Umh," tumango ako habang nakaupo sa isang gilid na akala mo batang pinapagalitan.

"Halika nga rito." Hinawakan niya ako sa pulsuhan ko tapos pinatabi niya ako sa kinauupuan niya sa sofa. "Ano ba kasing sinasabi mo riyang may babae ako? Tigilan mo nga 'yang iniisip mo."

Feeling ko nawala lahat ng pangamba ko dahil sa sinabi niya.

"Umh, sorry na. Hindi mo kasi ako pinapansin kagabi kaya akala ko galit ka sa akin o kaya naman nambabae ka na dahil sa nangyari sa atin kahapon ng umaga."

Nagpupunas ako ng nangigilid kong luha.

"Tch! Pumunta ako kahapon kay Darren. Pinayuhan niya akong suyuin daw kita. Ayan lang naman 'yung naisip kong paraan, 'yung bigyan ka ng regalo kaya napapunta ako ng Mall kaya ginabi na ako."

"Eh, bakit baliktad 'yung polo mo?" Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso.

"Siyempre, nagsukat din ako ng mga bago kong mga pinamiling damit ko. Nando'n pa 'yon sa loob ng kotse. Pinamili nga rin kita, e. Hindi ko pa pinapasok dito. Alam mo bang nahirapan ako mamili nito dahil pinagtitinginan ako? Akala nila bakla ako. Tapos ganito lang gagawin mo rito kaya mainit ang ulo ko."

Bigla tuloy akong nakonsensiya dahil sa paliwanag niya.

"Sorry na. Hindi na mauulit, promise," sincere ko siyang tinignan. Sana mapatawad niya ako.

Tumango siya. "Okay, pinapatawad na kita pero puwede bang palitan mo na 'yang suot mo? Kamukha mo kasi riyan si Sadako."

Tinatawanan na niya ako ngayon kaya tumawa na lang din ako. Nang biglang tumunog 'yung tiyan ko.

"Nagugutom ka na?" tanong niya. Tumango naman ako. "Sige, ipagluluto kita." Pumunta agad siya ng kusina.

Nagtaka naman ako. "Marunong ba siyang magluto e itlog nga lang 'di pa niya kayang lutuin," sabi ko sa hangin.

Matapos kong magbihis namangha ako sa nakahain ngayon sa lamesa.

"Hotcake!" Hugis puso pa ito kaya natuwa talaga ako. "Mukhang masarap 'to ah," agad ko itong tinikman at masarap nga talaga siya. "Paano ka natutong magluto nito?"

"Nagpaturo ako kay Darren kahapon."

"Talaga?"

"Umh, wait, may dumi ka sa bibig mo."

Pinunasan niya 'yung labi ko kaya natigil ako sa pagnguya. Pero matapos niya 'yung gawin bigla lang naman niya akong hinalikan sa pisnge na siyang dahilan kaya pinagmulahan ako.

Ano ba 'yan kinikilig ako.

"Pangit, gusto mo bang magswimming tayo? Maligo tayo sa dagat," anyaya niya kaya mas napangiti ako lalo.

"Gusto ko 'yan!"



Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon