Chapter 63

49.3K 1.5K 34
                                    

Chapter 63


SOPHIA'S POV

Sa tingin ko bumalik na nga talaga si Crystal sa dating siya. Habang nakatingin kasi ako ngayon sa kanya kinikilig siya nang ikuwento ko lahat ng nangyari sa amin ni Darren nung wala sila ni Ozu rito. Samantala kanina nakanganga 'yan nang makita ako sa bago kong looks. Halos hampasin niya ngayon 'yung lamesa dahil sa kakiligan niya.

"Hoy! Best friend, alam ko namang kinikilig ka riyan, gano'n din kaya ako." Napatakip ako ng palad sa mukha ko. Nahahawa na ako sa kanya.

Nang tumigil siya sa pagtawa niya humarap siya sa akin at ngumiti. Ngumiti ng nakakaloka. "Eh, ano nang status ninyong dalawa ngayon?" tanong niya sabay buntong hininga ko naman.

"Hindi niya ako pinapansin, e," sabay pout ko.

"Ha?" gulat niya.

"Hindi ko alam kung bakit. Halos two weeks na nga ang nakakalipas nang huli niya akong kausapin," matamlay kong bigkas.

"Oh, my gosh, in-love ka, Best friend."

"Tingin ko nga."

"Sophia, Crystal!" Tawag ni Ate Mimi kasama si Ehdrey.

"Ate Mimi!" sabik na sabi ni Crystal at nagbeso-beso sila.

"I miss you my sis," sabi naman niya kay Crystal sabay hawak nito sa tiyan. "Hmm, dapat magkaroon na kayo ng baby ni Ozu, ha? May isa't kalahating buwan pa kayo."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Best friend matapos 'yung sabihin ni Ate Mimi. Tapos napalunok si Crystal. 'Yung Divorce Agreement nila ni Ozu 'yung ibig sabihin ni Ate Mimi. Paghihiwalayin kasi silang dalawa kapag hindi mangyari 'yung mission nila.

Grabe talaga 'yan si Ate Mimi kapag ganyang mga usapin, walang preno 'yan.

"Opo," nahihiyang sagot ni Best friend. Nang mapansin naman niya si Ehdrey napangiti siya.

"Hi! I'm Crystal, nice to meet you. Ikinuwento ka na ni Sophia sa akin. 'Wag kang mailang sa akin, ha? Magkakaibigan na tayo rito. Ituring mo na rin akong best friend kagaya ni Sophia."

Nakita ko namang natuwa ng husto si Ehdrey sa narinig niya kaya ramdam kong masayang-masaya siya. Nagyakap silang dalawa habang nakatingin lang kami ni Ate Mimi sa kanila habang nakangiti.

"By the way girls, kaya pala ako napadaan dito dahil may pupuntahan tayo ngayon," bunyag ni Ate Mimi kaya napatingin kami sa kanya.

"Saan naman po?" sabay-sabay naming tanong.



*****

CRYSTAL'S POV

Agad pinasundo ni Ate Mimi ang mga King dahilan para sabay-sabay kaming bumiyahe papunta rito sa Tagaytay. Nasa isang resort kami at nirentahan ni Ate Mimi ang buong place.

Mga nakangiti kami ngayong nakatanaw sa buong lugar. Napakaganda rito at napakalamig.

"Grabe, ang ganda rito!" Hawak kamay kami ni Ozu samantala magkasama naman sina Sophia at Ehdrey gano'n din sina Darren, Zyren at Ezikiel.

Kahit bukas na 'yung alis ni Ezikiel papuntang Amerika sumama pa rin siya sa amin. Treat ito ng Shining Company dahil sa mabilis na umaangat at mabenta ang kompanya. Pinagpahinga muna nila kami for three days at ito 'yung napiling gawin ni Ate Mimi.

"Magpapicture naman tayo!" Nagtabi-tabi kaming lahat nang sabihin 'yon ni Ate Mimi. "Say cheese!" sabi pa niya.

"Chesee!"





Kinagabihan...

SOPHIA'S POV

Nag-iinuman at nagkukuwentuhan ang apat na King ngayon 'di kalayuan sa puwesto namin habang kami nina Crystal at Ehdrey nasa pool at nakalublob 'yung mga paa namin dito.

Si Ate Mimi nando'n sa kuwarto niya dahil pinapatulog niya 'yung baby boy niyang si Russel. Hanggang sa nagpaalam muna si Crystal na aayusin niya lang sandali 'yung kuwarto nila ni Ozu kaya kaming dalawa nalang ni Ehdrey ang naiwan dito.

"Ah, Sophia, may sasabihin nga pala ako sa 'yo," seryosong sabi ni Ehdrey kaya napatingin ako sa kanya.

"Ha? Ano naman 'yon?"

"Puwede bang lumayo tayo rito?" Tumango agad ako. Sabay kaming umahon sa pool at pumunta sa malaking puno kung saan hindi namin natatanaw ang mga King.

"Anong meron," ani ko.

"Kasi ano—si Zyren."

"Oh? Ano na naman ang tungkol kay Zyren?"

Napaisip ako. Natatandaan kong kinuwento na niya sa akin lahat 'yung tungkol sa kanilang dalawa ni Zyren nung mga nangyari sa kanilang dalawa nung nakaraang mga araw. Nagulat nga ako dahil nahalikan na pala siya ni Zyren. Hindi ko pa nga pala nasasabi kay Crystal ang tungkol dito pero hindi bale, sasabihin ko rin agad sa kanya para aware siya.

"Alam mo bang—" hininto niya 'yung sasabihin niya at biglang kinuha ang kamay ko at inilagay niya 'yon sa kaliwang dibdib niya. "Ayan! Nararamdaman mo ba 'yung lakas ng tibok ng puso ko? May gusto na yata ako sa kanya, Sophia." Halos magpigil siya sa kakiligan niya.

"Hala! Ibig sabihin nito pareho lang tayo? Ikaw kay Zyren at ako naman kay Darren?"

"G-Gano'n na nga!" Bigla siyang pinagmulahan.

"Hoy! Anong ginagawa ninyong dalawa riyan?! Halika na kayo rito!" sigaw ni Ate Mimi kaya nagkatinginan kaming dalawa. Lumapit na kami sa kanya.

Nang makarating kami malapit sa pool may naririnig kaming may kumakanta. Pagkatingin namin sa kinaroroonan ng mga King nagsasayawan na pala sila. Nakakatuwa dahil sumasayaw ang mga King habang si Ezikiel kumakanta sa videoke. Pati nga si Crystal nasayaw na rin.

"Hmm, mukhang enjoy 'yan, ah?" Napangiti ako kaya nakisali na rin kami ni Ehdrey sa kanila.

'Yun nga lang habang nasayaw kami 'di ko maiwasang hindi mailang kay Darren. Bakit ba kasi niya ako iniiwasan? Kung sabagay sabi ko naman sa sarili ko na dapat 'di ako ma-fall sa kanya.

Nang makita ko naman si Ehdrey gano'n din sila ni Zyren. Nagkakailangan din silang dalawa.

Nang matapos na ang kantahan at sayaw agad kaming pumalibot sa isang mesa kung saan nag-iinuman 'yung mga King kanina. Nagyayaya si Ate Mimi na mag-inuman daw kaming lahat dahil kasiyahan naman daw kasi. Saka hindi naman matapang 'yung alak na binigay nila sa aming mga babae.

Nakakadalawang shot palang yata ako gano'n din si Ehdrey. Pero si Crystal ayaw siyang painumin ni Ozu dahil hindi kasi nila alam kumg may laman na ba 'yung tiyan niya pero ang mahalaga, nag-iingat na sila at iniingatan na siya ni Ozu kaya warm drink lang 'yung iniinom niya ngayon.

"Alright! Mas maganda siguro kung may games tayo," turan ni Ate Mimi sabay kuha ng bote.

Parang nahuhulaan ko na kung ano 'yung gustong ipagames ni Ate Mimi. Spin the bottle, 'yan 'yung sa tingin ko dahil may hawak siyang bote kaya napatingin ako kay Ehdrey kasi sa pagkakatanda ko doon nagsimula 'yung kuwento nila ni Zyren. Napalihis siya ng tingin at napayuko kaya tinapik ko siya na ang ibig sabihin ayos lang 'yan kaya tumango siya.

Hindi naman kasi alam ni Zyren na do'n nagsimula 'yon basta ang sinabi sa akin ni Ehdrey, pinalabas niyang stalker siya ni Zyren at may gusto siya rito. Nang mapatingin naman ako kay Darren napalihis kami pareho ng tingin sa isa't-isa. Nakakailang kasi talaga.




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat! 

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon