Chapter 66

46.5K 1.4K 44
                                    

Chapter 66


SOPHIA'S POV

Natahimik kami nang simulan nang gawin nina Crystal at Ozu 'yung dare. Samantala ako para na akong mababaliw sa kinatatayuan ko.

"Hoy! Ano? Hindi n'yo pa uumpisahan or else gusto ninyong madagdagan 'yung time ninyo? Sila Crystal at Ozu nag-uumpisa na," sabi ni Ate Mimi kaya nagkatinginan na kaming dalawa ni Darren.

Napalunok naman ako. Dahan-dahan na niyang nilalapit 'yung kamay niya sa bewang ko kaya nanginginig ko namang inilagay ang mga kamay ko sa batok niya. Sumasayaw na kami ng dahan-dahan pero nakalihis kami ng tingin sa isa't-isa.

"Good." bigkas ni Ate Mimi habang binibidyuhan na kami. Talagang may video pa. Pinagpapawisan tuloy ako.

Pagtingin ko kina Zyren at Ehdrey nagsisimula na rin silang gawin 'yung ginagawa namin. Nang mapatingin naman ako kay Darren nilapit na pala niya 'yung mukha niya sa mukha ko kaya napatitig ako sa labi niya.

Hanggang sa naramdaman ko nalang ang labi niya sa labi ko. Natagpuan ko na ring tinutugunan ko ang mga paghalik niyang 'yon.





EHDREY'S POV

Napapikit nalang ako nang muli kong matikman ang halik ni Zyren. Talaga bang kailangang mangyari 'to? Feeling ko kasi sasabog na ang puso ko. Dalawang linggo na nga ang nakakalipas simula nang pagtagpuin kaming dalawa. Pero ganitong-ganito rin 'yung eksena nang una kaming magkita.

Dito rin kasi kami nagsimula sa larong spin the bottle kung bakit natikman ko ang una niyang halik sa akin na hindi nagpawala sa isipan ko. Pero wala na akong nagawa kundi ang magpadala sa ginagawa niya dahil ito nga ang utos sa amin ngayon.

Hanggang sa inabot na kami ng twenty minutes at tumunog na ang timer. Naghiwalay ang mga labi namin habang magkatitigan pa rin kami.

"Okay, so, doon na tayo sa magiging kuwarto n'yo ngayon," narinig kong sabi ni Ate Mimi sabay hila sa amin pero parang tulala pa rin ako sa mga nangyayari. Pakiramdam ko kasi magkahalikan pa rin kaming dalawa ngayon ni Zyren.






ZYREN'S POV

S*t! Kaya ayoko ng ganitong laro. Paano 'to nakainom ako tapos makakasama ko siya sa iisang kuwarto. "Diyan ang kuwarto n'yo ni Ehdrey. Byee!" Sapilitan nila kaming tinulak papasok dito sa loob sabay ni-locked nila 'yung pintuan sa labas.

Alas-siyete pa lang ang oras ngayon. Hindi bale, lilipas din ang oras at matatapos din ang larong 'to.

Nakita ko siyang nandon sa isang sulok at ibaba ng kama. Nakaupo siya sa sahig. Umupo na rin ako pero sa kabilang side naman ako. Nahihilo na rin kasi ako dahil sa alak na nainom namin ng mga king kanina.

Simula palang kasi kagabi umiinom na kami ni Darren kaya sobrang lakas na ng impact ng alak sa akin ngayon. Umiikot na nga ang paningin ko.




EHDREY'S POV

Hindi ko expected na makakasama ko si Zyren sa iisang kuwarto at magtatagal pa ng three days.

Alam kong nasa kabilang sulok din siya ng kama at hindi umiimik. Isa kasi 'yon sa utos at ako ang nagbigay no'n kanina. Unang araw palang 'to at wala pang limang minuto ang itinatagal namin dito sa kuwarto. Napabuntong hininga tuloy ako.





SOPHIA'S POV

"A-Ate Mimi!" sigaw ko nang isarado na nila 'yung pintuan.

Nakakaramdam ako ng kaba dahil si Darren nga 'yung makakasama ko rito sa loob ng iisang kuwarto ngayon e laman palagi 'yan ng Bar. Malay ko ba kung anong ginagawa niya sa mga babae niya ro'n kapag solo lang sila. Oo gusto ko siya, sabihin na nating mahal ko na siya pero hindi tama 'to. Isa pa, nakainom siya.

Nang mapatingin ako sa kanya namumula siya kasi nga nakainom siya. Ako kaonti lang naman ang nainom ko pero aaminin ko may tama na ako pero nasa katinuan pa naman ang pag-iisip ko. Dali-dali akong pumunta sa isang sulok.

Pero nang lingunin ko ulit siya nagulat ako nang naghuhubad na pala siya ng pantalon at damit niya kaya boxer nalang ang natitira niyang suot ngayon kaya hindi ko na naiwasang hindi sumigaw.

Pero nagmadali siyang lumapit sa akin at tinakpan niya 'yung bibig ko kaya nagpupumiglas ako. Alam kong nasa utos ang bawal ang imikan pero iba na 'to. Gulat na gulat pa rin talaga ako habang nakatitig sa kanya.

"'Wag kang maingay... baka sabihin nila kung anong ginagawa ko sa 'yo... Naiinitan lang ako, okay? 'Wag kang sumigaw... wala akong gagawin sa 'yo... Bibitawan kita pero basta ipangako mong 'wag kang sisigaw." Halata sa boses niya na tumalab na talaga ang alak sa kanya.

Tumango-tango naman ako at unti-unti na niyang niluwagan 'yung pagkakatakip niya sa bibig ko. Sinunod ko siya. Tumahimik na ako para walang gulo. Kinagat ko iyong ibabang bahagi ng labi ko.

Pero hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa buong katawan niya kaya ilang beses akong napalunok. First time ko lang kasing makakita ng lalaking nakaboxer sa harapan ko tapos si Darren pa. Mas pinagpapawisan tuloy ako ngayon.

Nang bigla siyang tumakbo papunta sa lababo at nagsuka siya ro'n kaya nataranta ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero may pinapaabot siya sa akin sa kama niya. Oo itong kuwarto niya mismo ang napili nila Ate Mimi na ikulong kaming dalawa rito.

"A-Ano 'yon?" Nangalkal ako nang kung ano rito sa mga gamit niya nang bigla kong makita 'yong brief niya sa loob ng bag niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Ano bang size nito? Hays, erase, erase, Sophia! Mabilis kong binalik 'yon sa bag niya. Mas lalo tuloy akong nataranta dahil sa nakita kong 'yon.

"T-Tubig..." sabi niya kaya nang makita ko 'yung bottled water niya agad kong binuksan 'yon at inabot sa kanya.

Nagmumog muna siya tapos uminom. Pero mayamaya pa nagsuka ulit siya kaya hinimas ko ang likuran niya. "D-Darren, okay ka lang ba, ha?" Nag-alala ako sa kanya.

Nang matapos siyang magsuka inalalayan ko na siyang pumunta sa kama niya para makapagpahinga na siya pero bigla lang naman niya akong hinila tapos umibabaw siya sa akin na siya kong kinagulat. Tapos tinakpan niya ang bibig ko. Dinaganan niya ako ng husto.

Ang laki ng mga mata ko ngayon habang nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung anong gagawin niya. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya dahil ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Pigil na pigil lang ako ngayon na 'wag sumigaw pero pinagmumulahan na talaga ako.

Maghunos dili ka Darren Min!




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat! 

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon