Chapter 17

53.5K 1.8K 29
                                    

Chapter 17


Katulad nung isang gabi, may unan ulit sa pagitan ng higaan naming dalawa ngayon. Pero ang pinagkaiba, magkaharap na kami at 'di nakatalikod sa isa't-isa.

Magkatitigan kami habang nag-uusap.

"Ozu Kang..."

"Hmm?"

"Paano kung may laman nga talaga 'tong tiyan ko?" ani ko.

"Syempre masaya ako, pinaka masayang lalaki sa buong mundo," sa sinabi niyang 'yon napangiti tuloy ako.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya 'to kaya mas lalo akong napangiti. Pero nagulat ako nang bigla siyang bumangon at dinikit niya 'yung tainga niya sa tiyan ko.

"Hi, baby, ako ang papa mo si Ozu Kang," nagsalita siya rito.

Nakangiti ko lang siyang pinagmasdan ngayon hanggang sa nakatulog pala kami na magkahawak kamay.

(12:38 am)

"Mag-ingat ka sa babaeng nasa paligid mo."

"'Yung dinadala mo sa tiyan mo, ingatan mo."

"Mag-iingat kayo."

"Mag-iingat kayo."

"Mag-iingat kayo."

"'Yung dinadala mo sa tiyan mo, ingatan mo."

Napabalikwas ako ng bangon matapos kong sumigaw ng malakas. "P-Panaginip," turan ko. Nakahawak ako sa dibdib ko ngayon dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

Bakit gano'n 'yung napanaginipan ko?

"Pangit? Anong nangyari?" Nagising na rin si Ozu at napabangon.

"N-Nanaginip ako ng masama," utal kong pagkakasabi.

"Ha? Baka naman kasi kung ano-ano 'yang iniisip mo." Bumaba siya ng kama at ipinagkuha ako ng tubig.

"Uminom ka na muna." Inaabutan niya ako ng isang basong tubig. Ininom ko 'yon habang pinupunasan niya ang pawis ko.

"Salamat." Ibinalik ko na ang baso sa kanya. Bahagya akong kumalma.

Inalis niya ang lahat ng unan na nasa pagitan namin.

"Halika rito, matulog ka na." Inalalayan niya akong makahiga sa braso niya. Niyakap niya ako habang hinahaplos-haplos ang buhok ko. Pinapatulog niya ako.

"'Wag kang mag-alala Pangit, hangga't kasama mo ako, walang mangyayari sa 'yong masama. Naiintindihan mo?" mahinahon niyang sabi kaya tumango nalang ako.

Na comfort ako ngayon dahil sa kanya. Feeling ko safe na safe ako. Hindi na ako nag-iisa ngayon dahil kasama ko na siya. Nawala na ang takot ko dahil sa kanya.

"Ipikit mo na 'yang mga mata mo," utos niya kaya sinunod ko naman. Mayamaya lang narinig kong kumakanta siya. Napangiti ako ng lihim dahil sa ganda ng tinig niya.

*****

Kinabukasan, pagkagising ko parang may mabigat na kung ano sa likuran ko. Naalala kong magkatabi nga pala kami ni Ozu kagabi na natulog. Habang nakatalikod ako at nakatagilid sa kanya, siya naman, nakayakap sa akin.

Hindi ko maikilos 'yung katawan ko kasi nga baka magising ko siya kaya hinayaan ko nalang na yakapin niya ako.

Pero patuloy akong palihim na tumatawa.

"Kinikilig ka ba?"

Nanlaki 'yung mga mata ko nang marinig ko ang boses niya. Nagising ko yata siya.

Nang bigla niya akong hawiin at pumaibabaw siya sa akin. Nagkatitigan kami ngayon kaya pinagmulahan ako.

Hanggang sa nakita kong ipinikit niya ang mga mata niya at unti-unti, naramdaman ko ang labi niya. Hinalikan niya ako.

Pero bumababa na ito hanggang sa leeg ko. "O-Ozu Kang..." Kusa siyang natigil matapos kong banggitin ang pangalan niya.

"Naiintindihan ko," sabi niya sabay alis sa ibabaw ko at lumabas siya ng kuwarto kaya naiwanan ako ritong mag-isa.

At dahil na dissapoint din ako sa ginawa ko tinuktukan ko ang sarili ko. "I'm sorry Ozu Kang, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko," papaiyak kong sabi.



Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon