Chapter 44

47.8K 1.5K 46
                                    

Chapter 44

Kinaumagahan...

OZU'S POV

Nagulat ako nang sa paggising ko wala na si Crystal sa tabi ko. Wala na siya rito sa higaan niya kaya naalerto ako. Hindi ko man lang namalayan na umalis siya kaya agad ko siyang hinanap.

"Crystal?!"

Wala siya sa buong kuwarto kaya't lumabas ako ng hospital.

"Crystal?!"

Halos hingalin ako sa paghahanap ko sa kanya.

"Crystal—"

Hanggang sa matagpuan ko siya rito sa labas na nakaupo sa bench mag-isa. At dahil sa kaba na naramdaman ko agad ko siyang nilapitan at niyakap.

"Pinag-alala mo ako. A-Anong ginagawa mo rito?"

Hindi niya ako sinagot pero may tinuturo siya kaya agad ko 'yung nilingon. Dalawang batang kambal na naglalaro rito sa loob ng bakuran ng Hospital.

"Ozu Kang, magiging ganyan kalusog ang baby natin 'di ba?" sabi niya ng nakangiti habang nakahawak sa tiyan niya. Samantala hindi ako nakaimik sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanyang wala na 'yung anak namin sa sinapupunan niya. "Ahm, kasi..." napahinto ako sa pagsasalita dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

"Ozu Kang..." bigkas niya kaya nakatingin lang ako sa kanya. Bigla siyang ngumiti. "Anong gusto mong ipangalan sa kanya? Paano kung baby boy siya? O kaya baby girl? Anong itatawag natin sa kanya?"

Kusa nalang ulit akong napayakap ng mahigpit sa kanya matapos niyang sabihin 'yon. Ano bang nangyayari sa kanya? Nawawala na ba siya sa sarili niya? Tumatawa na rin siya.

"Ozu Kang, bakit hindi ka nagsasalita? Hindi ka ba masayang magkakababy na tayo, ha? Alam mo ba ako sobrang saya ko dahil natupad na 'yung mission natin. Hindi tayo magkakahiwalay 'di ba?"

Pagkabitaw ko sa kanya agad na tumulo ang mga luha ko. Nang tignan ko siya agad niyang pinunasan ang mga luha ko dahilan para magtaka siya.

"B-Bakit ka umiiyak? Ah, masaya ka rin dahil magkakababy na tayo!" Tumawa siya nang tumawa.

"C-Crystal..." muli ko siyang binalikan ng tingin.

"Hmm?"

"We lost our precious one."

Nagtaka siya sa sinabi ko. "S-Sino?"

"I'm sorry kung... hindi ko kayo na protektahan. Please forgive me, Crystal." Umiyakna ako nang umiyak sa harapan niya dahil hindi ko na maitago pa 'yungnararamdaman ko.



[NOW PLAYING: PAPER HEARTS : JEON JUNGKOOK]



"Y-Yung baby natin... wala na?" paglilinaw niya

Tumango lang ako dahil hindi na ako makapagsalita. Nagulat nalang ako dahil sinasaktan na niya ngayon ang sarili niya. Sinisisi niya ang sarili niya dahil sa pangyayari.

"Tama na Crystal!" Inaawat ko siya ngayon dahil hinahampas niya ang tiyan niya.

"Kasalanan ko 'to!" sigaw niya habang umiiyak.

"No! Crystal, ako ang dapat sisihin mo rito. 'Wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan kaya patawarin mo ako."

Patuloy ko siyang inaawat.

"Crystal, please, please, 'wag mong saktan ang sarili mo." Natigil lang siya nang muli ko siyang yakapin.

"Kahit wala na siya, may darating pa naman 'di ba? I promise to you na hinding-hindi tayo magkakahiwalay. Naiintindihan mo?"

Niyakap ko ulit siya at niyakap niya rin ako pabalik. Tumatango-tango siya. "Hinding-hindi na mauulit 'to, pinapangako ko."





Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon