Chapter 80

57.1K 1.6K 133
                                    

Chapter 80


"Congratulations, dre. Narinig mo ba 'yon?" Tapik ng tatlong King sa akin nang marinig namin ang pag-iyak ng mga anak ko. Halos mapayakap ako sa kanila dahil sa sobra kong saya.

Ilang saglit lang ay lumabas na 'yung isang nurse kaya agad kaming lumapit sa kanya at nangunguna pa nga ako.

"H-How's my babies?" Nakangiti kong tanong at bakas sa mukha ko ang pagiging sabik sa mag-iina ko.

"Congratulations Mr. Ozu Kang, twin baby boys po ang mga anak ninyo at healty na healty po sila."

Napangiti ako ng husto sa sinabi niya.

Sa wakas may mga anak na kami at sabik na sabik na talaga ako na makita at mahawakan sila.

"Mr. Ozu Kang, puwede n'yo na pong makita si Mrs. Kang."

Kinakabahan akong pumasok sa loob.

Nang makita ko si Crystal bakas sa mukha niya 'yung saya lalo na nang makita pa niya ako ngayon dito sa tabi niya. "Pangit..." bigkas ko sabay halik ko sa kanya.

"Mr. Ozu Kang, ito na po 'yung mga baby n'yo."

Halos mapaluha ako nang makita ko ang mga anak namin ni Crystal. Tig-isa kaming bitbit pero 'di ko alam kung paano ko siya kakargahin ng maayos dahil first time ko lang 'to. Kambal ang mga anak namin pero hindi sila magkamukha.

Nang magsipasukan na rin ang mga kaibigan at pamilya namin dito sa loob.

"Oh my gosh! Ang cute naman nila. Kahawig ni Ozu 'yung isa," sabi ni Ehdrey.

"Nakakatuwa naman, kambal sila pero hindi magkamukha." Tumawa sila sa sinabi ni Ate Mini sabay halik niya rito.

"Kahawig ni Crystal 'tong karga ni Ozu," sabi ni Sophia. Halos hindi namin alam kung saan kami titingin sa kanilang dalawa.

"Teka? Ano bang pangalan nitong kambal? Saka sino 'yung panganay?" tanong naman ni Darren.

"Yung may nunal po sa kanang ear, siya po 'yung panganay," hayag nung nurse. "At 'yung may balat na pula malapit sa batok, siya po 'yung bunso ninyo," dugsong niya.

"Si Dazu 'tong karga ko," wika ko dahil nakita ko 'yung nunal do'n sa ear niya.

"Si Kazu naman 'tong bitbit ko," sabi naman ni Crystal.

"Teka, Ozu! Baka naman puwede akong pakarga sa apo ko," sabi ni Mama Adelfa kaya pinahawak ko sa kanya si Dazu.

"Ako rin Crystal pakarga ako kay Kazu," sabi naman ng Mama ko kaya binigay ni Crystal si Kazu sa kanya at tuwang-tuwa sila dahil may apo na sila. Tapos gano'n din sina Ate Mimi at Ate Mini karga nila 'yung mga anak nila habang nagpulong sila.

"My gosh! Best friend, congratulations sa inyo," pagbati ni Sophia at pinagpupulungan naman kami ngayon ng mga kaibigan namin.

"Salamat, pero kayo ano na? Kailan kayo mga magpapakasal?" tanong ni Pangit sa kanila.

"Don't worry niyaya na ako ni Ezikiel. Here's my ring," kilig na sabi ni Jamie kaya napangiti kaming lahat. Masaya na ako ngayon para sa Best friend kong si Ezikiel dahil sa tamang babae siya napunta.

"Guys, kahit naman wala kaming nabuo ni Ehdrey, papakasalan ko pa rin siya, sasabay kami kina Ezikiel at Jamie," sabi ni Zyren kaya pinakita naman ni Ehdrey 'yung sing-sing na suot niya kaya mas naging masaya ang lahat.

At ngayon tinignan naman namin sina Darren at Sophia. "Uy Darren, ikaw, anong balak n'yo nitong Best friend ko, ha?" tanong ni Crystal sa kanya.

"Naku! Hindi ako mahal niyan, haha!" pagbibiro ni Sophia.

"Ano ba kayo, gusto ko kasi kapag kinasal kami ni Beb, 'yung private lang," pagpapaliwanag ni Darren.

"Sus, 'di ako naniniwala," agad na sabi ni Sophia at ang cool ng pagkakasabi niya no'n kaya nagtawanan kaming lahat dahil tuloy-tuloy lang silang nagkakantsawan hanggang nauwi sa asaran. Ganyan lagi 'yang dalawa.

Kung titignan n'yo kaming lahat sobrang masaya kami. Kami ni Pangit natupad na 'yung hiling at mission namin. 'Yung dalawang King na sina Zyren at Darren nagtino na. Hindi ko na sila nakikitang pumupunta ng Bar puwera nalang kapag magkakasama kaming lahat. Si Ezikiel mukhang natuluyan na nga talaga niyang nakalimutan si Moira at masaya na ako ro'n dahil nakilala niya si Jamie.

Patungkol sa pendant may tamang panahon para makuha ko 'yon at maibalik ko kay Crystal. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan ang pamilya ko. Hinding-hindi ko sila pababayaan kahit na ikamatay ko.



*****

After 3 years...

CRYSTAL'S POV

Hays! Asan na ba 'yong mga batang 'yon? Ang tigas talaga ng ulo nila manang mana sa Papa nila!

"Dazu! Kazu! Lumabas na kayo!" sigaw ko.

Hindi pa kasi sila naliligo at ang baho-baho na nila. Isa pa, ang lagi kong inaalala ay si Dazu na panganay namin dahil lapitin siya sa disgrasya. Si Kazu naman kasi hindi. Nasaan na ba 'yung mga batang 'yon?


OZU'S POV

Nando'n si Crystal sapintuan samantala nandito kami sa likuran ng kotse ng mga Baby boys namin atnakasilip sa kanya.


"Papa, si Mama teknan mo oh, galit ne siya, hihihi." Sabi ni Kazu na Bungi.


"Dapat Papa tego tayo don oh ayaw ko pa kati ligo." Sabi naman ni Dazu na may galos sa tuhod. Na dapa kasi sya sa pagtakbo namin panigurado magagalit sakin si Panget.

Humarap ako sa dalawang baby boy ko. "Hay! Very good talaga kayong dalawa. Sumusunod kayo kay Papa. Mabuti nalang at hindi kayo nagmana sa Mama n'yo. Ang guguwapo ninyong dalawa at nakakapanggigil kayo!" sabi ko sabay pisil sa mga pisngi nila.

"Ozu Kang! Narinig ko 'yon!" Napalingon kaming tatlo nang makita namin si Pangit. "Ah! Ang Mama n'yo ayan na! Takbo! Aaaah!"


THE END <3 <3 <3

---------
Next chapter pls.



Vote | Comments are Highly AppreciatedMiss Jov 💕

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon